Dahlia
Bracelet
Dahil sa nangyari ay hinatid na ako pauwi ni Colorad sa bahay at hindi na pinasok sa trabaho. Nais ko pa sanang gamotin ang sugat nito pero tumanggi ito kaya nagpasalamat na lang ako ng todo sa pagligtas niya sa'kin.
Makailang ulit din niyang tinanong sa'kin kung ayos lang ba ako sa nangyari na sinagot ko naman na ayos lang at balewala iyon sa'kin dahil hindi naman naisakatuparan ang plano ng dalawang iyon at dahil dumating din siya sa tamang oras.
Nakaupo ako ngayon sa higaan ko habang nakangiting pinagmamasdan ang paa kong may band-aid na nilagyan kanina ni Colorad habang nasa biyahe kami.
Ang sweet talaga ni Colorad at sarap nobyohin pero sayang dahil may nobya na ito. Pero hindi naman siguro masamang agawin ko?—
Nahihibang na ang utak mo, Dahlia!
Agad akong natigilan at sinuway ang sarili habang tinapik tapik ang ulo dahil sa kalokohang naiisip.
Masama itong nasa utak ko. Tinulungan na nga ako ni Colorad pero pinagnanasaan ko pa ng lihim.
Nahiga na lang ako at pinikit ang mga mata. Napangiti ako ng makita ang mukha ni Colorad sakin balintanaw. Nakangisi ito sa'kin kaya hindi ko namalayan ay nakatulog ako kakaisip kay Colorad.
Kinagabihan ay bumisita sa Jessie na may dala pang bulaklak para sa'kin at gaya ng dati ay chocolates sa mga kapatid ko at bumili pa ito ng gamot para kay nanay.
Sinuri pa nito ang lagay ni nanay at napangiti ako ng maayos na ang kalagayan nito.
"Huwag ka nang magdala ng mga chokolate kapag dadalaw ka dito dahil malulugi lang ang bulsa mo sa mga kapatid ko." Pagbibiro kong pahayag pero totoo naman.
Tuwing dadalaw siya dito para kamustahin si nanay ay may bitbit pa itong pasalubong sa'min. Ilang beses ko na itong sinabi sa kanya ngunit matigas ang ulo kaya hinayaan ko na lang kaso ayoko lang na masanay 'yong mga kapatid ko.
Ayoko lang din na may sabihin ang iba naming kapitbahay na nanglilimos kami ng pagkain o umaasa lang kami lagi sa tulong ng iba kahit wagas sa loob nito ang pagbibigay.
Alam ko din na nag-aakyat ito ng ligaw sa'kin sa pamamagitan ng ginagawa nitong pagtulong sa'min. Pero alam ko din sa'kin sarili na wala akong pagtingin sa kanya at tanging kaibigan lamang ang turing ko sa kanya.
"Kailan mo kase ako sasagutin para kasal agad at wala ka nang poproblemahin dahil handa akong suportahan ka at ang pamilya mo." Kahit biro lang 'yong sinabi niya ay alam kong may bahid iyon ng kaseryosohan.
Tumawa ako at biro kong tinampal ang balikat nito habang nakaupo kami dito sa bangko.
"Asus! Kapag narinig 'yan ni nanay ay hahabulin ka nun ng itak!" Muli akong tumawa habang ito naman ay ngumiti lang at mukhang hindi nadala sa kalokohan ko.
Tumikhim ako bago tumigil at namayani sa'min ang katahimikan.
"Wala na ba akong pag-asa o may iba ka ng nagugustuhan." Pahayag nito na kinatahimik ko lang at hindi nagkomento pero ilang sandali ay bumuka ang bibig ko.
"Alam mo naman na kaibigan lang talaga ang turing ko sayo at bilang nakakatanda kong kapatid." Mahina kong sambit na kinapikit nito ng ilang minuto bago dumilat at pilit ang ngiting napatitig sa'kin.
"Tatanggapin ko nang hanggang magkaibigan lang tayo." Mahina din nitong sabi na kinalapit ko at hawak sa magkabilang balikat nito at tinapik tapik iyon.
"Iyon pa rin ang dating kita at hindi iyon magbabago diba?" Hinarap ko ito at hinihintay ang kanyang sagot habang nakangiti ako ng malapad.
Tumango tango ito bago pinitik ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
Ficción GeneralColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...