Chapter 28

25.6K 828 61
                                    

DAHLIA

Showing His Care

Dumilat ang mga mata ko dahil sa mabigat na bagay na siyang nakadantay sa likod ko at matigas na bagay sa may leeg ko pero ang unang sumalubong sa mga mata ko ay isang gwapong nilalang na natutulog ng mahimbing at langhap ko ang mainit at mabango niyang hininga.

Napangiti ako ng hindi ko namamalyan habang pinagmamasdan ang bawat anggulo ng mukha niya at kusa din gumalaw ng may ingat ang isa kong palad pahaplos sa matangos niyang ilong at lumandas iyon sa magkabila niyang mata na may maliit na nunal sa gilid ng kaliwa niyang mata, na kay ganda pagmasdan.

Kahit tulog siya ay nakasampok pa rin ang kanyang noo pero dumagdag appeal iyon sa kanya.

"Are you done looking in my face?" Mabilis kong nabawi ang kamay nang magsalita si Colorad kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata na kinakurap at iwas ko pero maagap niyang nahawakan ang mukha ko.

"A-aalis na ako—" Mabilis niyang sinakop ang bibig ko kasabay ng pagdagan niya sa'kin at doon ay naramdaman ko ang kirot sa'kin katawan pero hindi ko na ininda iyon sapagkat muli kong nararamdaman ang kanya na biglang pumasok sa'kin.

Pareho kaming napaungol  nang gumalaw siya at mariin akong napayakap sa kanya.

Ilang minuto ay pareho kaming habol ang hininga at pawisan din ang mga katawan bago ako tantanan ni Colorad, na ngumisi sa'kin at halikan ang bibig ko bago siya tumayo at sa gulat ko ay bigla niya akong pinangko palakad sa isang pinto.

Natameme lang ako at parang wala na akong boses na komuntra at hinayaan na lang si Colorad. Idagdag pa'ng nananakit ang buo kong katawan.

"Napaano iyan, Colorad!?" Bulalas kong tanong nang makita ang isang medyo mahabang sugat sa kanan niyang gilid na parang sariwa pa iyon.

Ngayon ko lang napagtuonan pansin na may sugat siya. Nag-aalalang akma ko iyon hahaplusin ng pigilan ni Colorad ang kamay ko.

"It's a small scratch. Don't worry, Baby." Nakangisi niyang sambit bago yumuko at muli na naman inangkin ang bibig ko bago tinapos ang pagligo.

Nakatapis ako ng tuwalya nang lumabas saglit si Colorad at pagbalik niya ay may dala siyang dalawang paper bags na agad niyang nilagay sa gilid ko at kinuha ang laman nun.

"A-ako na!" Maagap kong nakuha ang  isang bestida at mga panloob pero mariin pala ang hawak ni Colorad nun kaya namula ang mukha ko sa ngisi nito na nanunukso.

"Don't be shy, Baby. Let me handle of your clothes." Nag-aalab sa hiya ang mukha ko nang magsimula siyang isuot ang damit sa'kin at pigil ang hininga ko na huwag gumawa ng ingay, dahil sinasadya ni Colorad na isayad ang mga daliri sa sensitibong katawan ko at tinutukso pa ako.

Napapikit ako at napahinga ng lihim ng tumigil din siya sa panunukso sa'kin at mabuti na lang ay wala nang kasunod, kundi lagot na naman ako.

Nagbihis na rin ng simpleng t-shirt at maong plants si Colorad bago ako hinarap na nililigpit ko ang damit sa sahig at natigilan pa ako nang sumayad ang tingin ko sa ibabaw ng kama. Naisuko na talaga ang bandera.

"Let's eat breakfast." Bulong nito sa leeg ko habang yakap ako mula sa likod at hinahaplos niya ang tiyan ko.

"M-magtatrabaho na ako, baka abutan tayo ng ibang empleyado sa ganito. Ayoko na may masabi silang masama tungkol sa iyo." Baka dahil sa'kin ay masira ang pangalan ni Colorad na ayokong mangyari.

Si Colorad para sa lahat ng mga empleyado dito ay kinikilala bilang isang huwaran at nirerespetong tao. Hindi lang sa larangan ng negosyo kundi pati na rin ang kanyang pagkatao. Marami ang bumibilib.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon