Chapter 44

18.3K 632 15
                                    

DAHLIA

Escaped

"Cristy." Dumilim ang mukha nito pagkasambit ko sa kanyang pangalan.

Lumapit ito sa harap ko. Napakislot ako ng sampalin ako nito ng malakas.

Tumagilid ang mukha ko at ramdam ko ang pagkamanhid ng pisngi ko.

"You, bitch! Ikaw ang dahilan kung bakit ako hiniwalayan ni Colorad!" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko.

Dumiin ang matutulis nitong mga kuko sa balat ko.

Nanlilisik ang mga matang nakatitig ito sa'kin. Kita ko ang galit at pagkapoot sa mukha nito.

"Pakawalan mo na ako maawa ka sa'kin, Cristy." Pagsusumamo kong sambit na kinatawa nito.

"Gaga ka ba? Bakit naman kita pakakawalan kung mamamatay ka na dito!" Marahas nitong binitawan ang mukha ko.

Lihim akong napadaing dahil sa kirot sa magkabilang pisngi ko.

Nagmamakaawang napatitig ako kay Cristy.

"Maawa ka sa'kin, Cristy. Pakawalan mo na ako." Pag-ulit kong sambit.

Nais ko siyang sugurin dahil sa ginawa nito pero alam kong hindi ako makakatakas dito. At baka kung ano ang gawin nito sa'kin, na ikakapahamak ng baby ko.

Tumawa lang muli ito habang nakapilig ang ulo. Parang baliw na wala na sa katinuan ang utak nito. Nakangising nakamasid din ang dalawang lalaking kasama nito.

Kung nagkataon na ito ang nakatuluyan ni Colorad ay malas ang lalaking iyon.

"Pero ayoko munang daliin ang buhay mo. Ano kaya kung pahirapan muna kita bago dalhin sa kamatayan mo. Ano sa palagay mo?" Nahintakutan ako ng makitang may kinuha siya sa loob ng bag nito.

Isang kutsilyo na kumikislap sa talim.

Sinusuri pa ito ni Cristy habang  pinapalandas ng matutulis nitong kuko ang talim noong kutsilyo.

Napatigil ang paghinga ko ng inilapit ni Cristy ang kutsilyo sa mukha ko.

"H-huwag, Cristy.."

"Ito ba ang mukhang ipinagpalit ni Colorad sa'kin, ha!" Nanlilisik sa ngisi ang mga mata nito. "Ano kaya kung bigyan ko ng marka ito?"

Nagmamakaawang umiling ako sa kanya. Sinampal niya muli ang mukha ko na kinadaing ko bago sabunutan ang buhok ko.

Napahiyaw ako sa kirot dulot ng matulis nitong mga kuko. Malakas pa nitong itinulak ang ulo ko.

"Papatayin kitang gaga ka!" Biglang nandilim ang paningin ko ng tumama ang ulo ko sa bakal na inuupuan ko.

Nanlalabo ang mga matang nakita ko ang pagngisi ni Cristy bago dumilim ang lahat sa'kin.

Unti unting nagmulat ang aking mga mata. Napadaing ako sa kirot sa aking ulo at mukha.

Naalala kong nawalan ako ng malay dahil sa pagkauntog ng ulo ko sa likod ng bakal na inuupuan ko.

Walanghiya talaga ang baliw na Cristy na iyon!

Makatakas lang ako dito ay makakatikim talaga iyon ng suntok sa'kin. Baliw na ang babaeng iyon!

Pinilit kong magpumiglas muli pero matibay ang pagkakatali sa'kin. Idagdag pang nanghihina ako dahil sa kawalan ng lakas at gutom.

Anak, kapit lang. Makakatakas tayo dito. Alam kong dadating ang Ama mo para iligtas tayo.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon