DAHLIA
Thinking Of Something
"Alis na ako, Love." Napapikit ako ng halikan ni Colorad ang bibig ko, tumugon din ako sa halik niya.
Ilang sandali ay pareho na'min habol ang aming paghinga ng pailalimin ni Colorad ang paghalik sa'kin. Pero sinuway ko agad dahil may trabaho pa siyang naghihintay.
"Dadalhan kita mamaya ng almusal doon sa office mo." Nakangising tumango siya at hinaplos ang pisngi ko bago mabilisan binigyan ng halik.
"I'll waiting you, Love." Inayos ko ang kanyang necktie bago siya lumabas ng silid.
Maaga ngayon si Colorad dahil may conference tungkol sa parternship sa pagitan ng Hunstman at Colmenares.
Nandoon kaya ang kababata ni Colorad?
Kahit na may tiwala ako kay Colorad ay hindi ko pa rin maiwasan ang magselos, kapag nagkasama sila ng kababata niya.
Bumangon ako at inayos ang kama bago bumaba. Nagtungo ako sa kusina para maghanda sa kailangan kong lutuin.
"Magandang umaga, Ma'am Dahlia!" Agad na bati sa'kin nila Ate Joy at Pey, nagkakape sila.
Sila ang aming bagong kasambahay na kinuha ni Colorad.
"Magandang umaga din sinyo."
"Magandang umaga, Iha. Ang aga mo naman nagising?" Tanong sa'kin ni Nanay Ces, ang aming masarap na tagaluto.
"Opo. Gagawan ko po kase ng almusal si Colorad." Magalang kong sabi na kinangiti nito at kilig naman nila Ate Joy.
"Gusto mong tulungan kita, Iha?" Agad akong napailing kay Nanay Ces.
"Salamat po pero yakang yaka ko na'to dahil kakainin naman iyon ni Colorad kahit maalat pa!" Natawa kaming lahat sa sinabi ko.
Inayos ko ang aking buhok bago nagsimula sa gawain ko. Ilang sandali pa ay tapos ko nang lagyan ang tatlong tupperware bago sinilid sa paper bag.
Nagpaalam na ako sa kanila bago umakyat sa silid at naligo. Isang simple at bulaklaking bestida ang sinuot ko pagkatapos kong maligo. Sinuklay ko ang aking buhok at sinuot ang sandals ko bago tingnan ang sarili ko sa salamin.
Nahaplos ko ang aking maumbok na tiyan dahil pansin na iyon. Napangiti ako ng makitang komportable naman ang ayos ko kahit walang kolorete sa mukha o lipstick.
Lumabas ako at binalikan sa kusina ang dadalhin ko bago lumabas ng bahay.
"Magandang umaga po, Mang Merto!"
"Magandang umaga din sa'yo, Iha."
"Pakihatid po ako sa office ni Colorad."
"O sige, Iha." Binuksan ni Mang Merto ang pinto kaya nagpasalamat ako bago pumasok sa loob.
Ilang sandali ay sumunod din si Mang Merto, binuhay nito ang makina at pinausad.
Ilang minuto ang biyahe bago kami nakarating sa company ni Colorad.
"Salamat po, Mang Merto. Magtataxi na lang po ako pauwi mamaya." Nais pa sanang tumanggi ni Mang Merto na maghihintay na lang siya pero umiling ako. Nais ko din magpahinga siya.
Nakangiting pumasok ako sa entrance ng building, agad naman akong pinapasok ni Guard. May dala din naman kase akong I'd ko.
Hindi na kase ako pinapasok ni Colorad sa kompanya niya at pinagresign pa ako sa trabaho ko. Para daw pokus na lang ako sa kalusugan ko.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...