Dahlia
Her Shining Armor
Nagsimulang gumiling ang mga kasamahan ko kasama si Roxanne na pinandilatan ako kaya napakurap ako bago ko igalaw ang katawan.
Nanginginig pa ako sa umpisa, idagdag pa ang presensya ng lalaking iyon na hindi ako nilulubayan ng titig.
Hindi sana niya ako makilala. Pag nangyari 'yon ay ito na ang huling sayaw ko.
Pero, kapag pumapasok sa isip ko na ang perang makukuha ko dito ay para din sa kanya kapalit ng buhay ko ay lumalakas ang loob ko.
Ayoko pang mamatay kaya kailangan na tatagan ko ang loob ko kahit katawan ko pa ang nakasalalay dito.
Kinikilabutan ako sa titig ng dalawang lalaki, lalo na 'yong si mayor na kakaiba ang ngisi sa bibig nito at napadila pa nang hagurin nito ang katawan ko.
Nababastusan ako sa ginagawa nito at sarap tusukin ng mga mata nito pero sinuong ko ito at nandito na kaya wala nang urungan.
First time kong ginawa ang ganitong trabaho at mas pipiliin ko pa ang magsnatch kaysa dito na binibilad ang katawan mo sa harap ng mga mababangis na leon na gusto nang lumapa sayo ng buo.
Maliban lang siguro kay Mr. Hunstman, na seryoso lamang at walang emosyon ang mukha habang nakatitig sakin.
Kaano ano niya si mayor? Sa kanya ba ang hotel na 'to?
Gumigiling na sumasayaw papuntang harap sina Roxanne kaya napahakbang na din ako ng mabilis habang gumigiling at sa malas ko ay kaharap ko ang lalaking ito.
Lakas loob akong sumayaw sa harap nito dahil nakasauot pala ako maskara kaya hindi ako nito makikilala.
Gumiling ako sa harap nito habang umangat ang isa kong kamay pahaplos sa dibdib nito na kinakurap nito.
Bumuka ang bibig ko at ngumisi ng nakakaakit na huli kong kinalunok nito. Lumakas ang loob ko at pinagbutihan ang pagsasayaw.
Mas lumapit ako at biglang naupo sa kandungan nito na tiyak akong nasisilayan na ang panloob ko pero hindi ko na pinansin iyon.
Kumawit ako sa leeg nito at binabalandra ang dibdib ko sa harap nito kasabay nang biglang pagdaloy ng kakaibang kuryente sa buo kong katawan nang maglapat ang aming katawan.
Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa kakaibang init na lumukob sakin katawan.
Kita ko ang pagdilim ng mga mata nito kasabay nun ang isang matigas na bagay na biglang bumuhay na siyang tumatama sa tiyan ko.
Jusko! Halimaw sa laki 'yong kamandag niya!
Biglang hiyaw ng isip ko na kinailing ko.
Mabilis akong nakaalis sa harap nito at dumistansya ng sayaw, ganun din ang ginawa nila Roxanne na kay mayor gumigiling kasama si Lolita na talagang expert na sa ganitong bagay.
"Pull- out your custome. Gusto kong hubo't hubad kayong sumayaw sa harap na'min!" Biglang pahayag ni mayor na kinagimbal ko at napatigil sa pagsasayaw.
Agad naman tumalima sina Lolita habang si Roxanne ay tinitigan ako bago tumango at nagsimula na itong hubarin ang kanyang damit.
Napapikit ako at nanginginig ang mga kamay kong unti unting kinakalas ang damit ko pero hindi ko pa nasisimulang kalasin iyon nang may marahas na kamay ang siyang humila sa braso ko.
Nanlaki ang mga matang nakatitig ako sa likod ni Colorad na hila ako palabas ng silid at dinala sa isang silid at marahas niyang binitawan bago hinarap.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...