DAHLIA
Heartache
Kinabukasan ay pinilit ko ang aking sarili na pumasok. Kung hindi lang sa mga dokumentong naiwan ko kahapon ay hindi na sana ako papasok. Pero mahalaga ang mga iyon. Ayoko lang din na baka may sabihin si Colorad, na pinapabayaan ko ang aking trabaho.
Tuwing iniisip ko si Colorad ay hindi din maiwasan na maalala ko ang nangyari kahapon. Hindi mawala sa isip ko ang paghalik sa kanya noong kababata niya.
Paano kung ipagpalit ako ni Colorad? Paano kung may gusto siya sa kanyang kababata?
May napapanood akong mga ganoong kwento. Na may gusto iyong lalaki sa kababata niyang babae. Kahit nagkahiwalay silang dalawa ay hinanap pa rin ng lalaki ang kababata nito. Nagpahiwatig ng damdamin ang lalaki at nalaman na may gusto din pala ang babae sa kanya. Sa huli ay silang dalawa ang nagkatuluyan.
Natatakot ako na mangyari din iyon kay Colorad. Pero hindi naman sana. Mahal na mahal ko si Colorad. Ayokong iwanan niya ako. Ayokong mapunta siya sa ibang babae.
Ipaglalaban kita, Colorad! Ayokong agawin ka sa'kin ng kababata mo!
Napabuntong hininga ako. Pumikit ako para pigilan ang mga luha ko.
Pagkabukas ng elevator ay lumabas na ako. Bawat hakbang ko papunta sa opisina ni Colorad ay pilit lamang.
Nang makarating ako sa pinto ay humugot ako ng malalim na paghinga. Hinawakan ko ang seradura at binuksan iyon.
Akma akong papasok pero napako ako sa'kin kinatatayuan. Napatakip ako ng bibig habang nakatitig sa babaeng hinahalikan si Colorad. Habang nakayakap sa leeg nito.
Napaatras ako at hindi ko namalayan ay tumatakbo na ako pabalik muli sa elevator. Napasandal ako sa pader habang sapo ang dibdib ko.
Sobrang kirot na naman nito. Mas nadagdagan ang sakit ngayon sa nakita ko. Sa loob mismo ng opisina ni Colorad. Naghahalikan silang dalawa habang magkayakap.
Sana pala ay hindi na ako pumasok. Sinaktan lang lalo ni Colorad ang puso ko. Damang dama ko ang sakit dito.
Bakit kase pumasok ka pa, Dahlia!
Pero sabi mo, ipaglalaban mo si Colorad? Pero ito ka tumatakbo!
"Dahlia." Napapitlag ako sa gulat ng biglang may magsalita sa gilid ko. Napayuko ako. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko bago ito hinarap.
Si Steve. Nakahilig ito sa pader habang magkasalikop ang mga braso sa dibdib. Habang mataman ako nitong pinagmamasdan.
Napakurap ako at umayos ng tayo.
"G-good morning, sir Steve." Kanina pa ba siya dito? Hindi ko namalayan na nakapasok siya dito sa loob ng elevator.
Nagkibit balikat ito sa'kin. Umiwas naman ako ng tingin dahil titig na titig ito sa'kin. Napadako ang tingin ko sa suot kong polceras.
"May problema ba? You can share it with me." Napasulyap ako sa kanya bago umiling.
"W-wala. Salamat, sir Steve." Ngumiti ito. Nakita ko ang concern sa kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin. Pero may naalala ako.
Hindi ko pala nasabi kay Steve ang sagot ko sa pinapakita nitong interes sa'kin. Siguro ay ito na ang pagkakataon kong masabi iyon sa kanya ng harapan.
Kahit na parang babaero itong si Steve ay magaan siyang kasama. Totoo iyong pinapakita niyang concern. Kaya ayoko siyang umasa.
"Iyong isa nagwawala—"
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...