Chapter 29

26.4K 876 149
                                    

DAHLIA

Her Rival

"Dahlia." Napatigil ako sa pagsusulat at nag-angat ng tingin kay Colorad.

"Yes, Sir?" Tanong ko na kinasampok ng mga kilay nito pero ilang segundo ay napangisi ito na para bang may naisip na kalokohan.

"You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Napakurap ako ng ilang beses at inulit ko talaga sa'kin utak ang sinabi na iyon ni Colorad.

"You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast."

"Siguro ay type mo ako kaya ang bilis ng pagtibok ng puso mo ay dahil sa'kin."

Tinitigan ko ito sa pagbibiro kong pahayag at inaasahan ko na tatawa siya pero nakita ko na lumapad ang kanyang ngisi bago siya tumayo at naglakad palapit sa'kin.

Yumuko siya na kinaatras ng ulo ko pero maagap niyang nahawakan ang batok ko at mabilis akong kinantalan ng mapusok na halik.

"Dahlia! May pasalubong ako sayo, Girl-" Mabilis kong naitulak si Colorad kasabay ng maagap kong pagtayo at agad natingnan si Analyn na nakaawang ang bibig at nanlaki ang mga mata sa pagkagulat nang biglaan siyang pumasok sa pinto.

"What is it." Sambit ni Colorad na sa akin nakatitig at kita kong parang nabitin ito base sa pagkakunot noo ng kanyang mga kilay.

Nahihiyang napatingin ako kay Analyn na palipat lipat ang tingin sa'min ni Colorad.

"M-may kailangan pala akong tapusin. Excuse me!" Sumenyas ito sa'kin na hindi ko maintindihan bago nito sinara ang pinto at hahakbang sana ako para puntahan siya kaso hinarangan ako ni Colorad.

"Back to your work." Matiim na utos nito bago bumalik sa kanyang lamesa na kinahinga ko ng maluwag bago bumalik sa pagkakaupo.

Inabala ko ang sarili sa mga papeles pero ang utak ko ay marami pa rin ang iniisip. Isa na doon ay ang nangyaring ito sa pagitan na'min ni Colorad na kay bilis lang naganap.

Ganito siguro kapag mahal mo ang isang tao. Ibibigay mo agad ang kanyang gusto ng walang pag-aalinlangan kahit hindi mo alam kung mahal ka din ba ng taong pinag-alayan mo ng iyong sarili.

Oo nga at magnobyo-nobya kami pero hindi sa punto na mag-asawa kaming dalawa. Pwede pa'ng magkahiwalay at sa huli ay ako ang masaktan.

Kahit hindi ko pa naranasan ang masaktan ay hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon kung sakali na lokohin ako ni Colorad.

Sobrang sakit nun sa'kin oras na sinaktan niya ako.

Lihim akong napabuntong hininga at pasimpleng tiningnan si Colorad na seryoso at abala sa pagbabasa at pirma ng mga dokumento.

Tambak iyon sa kanyang lamesa at tiyak na magpupuyat na naman ito para matapos ang mga iyon. Ayaw kase nito na may tambak pa'ng mga dokumento sa lamesa nito.

Strikto ito pagdating doon.

Tahimik at naging abala na kami ni Colorad sa aming ginagawa. Ilang oras ang dumaan ng may kumatok sa pinto at iniluwa nun si Analyn na tumingin sa'kin bago kay Colorad.

"Mr. Hunstman, miss Dinson is here and she wants to talk with you." Sabi ni Analyn na kinatango naman ni Colorad habang nakatuon ang pansin sa ginagawa.

Hindi pa man nakalabas ng pinto si Analyn ay pumasok bigla si miss Dinson at nagtungo sa lamesa ni Colorad at walang salitang umupo.

Napasulyap sa'kin si Analyn at sumenyas ito na agad kong nakuha kaya tumayo ako at naglakad palabas bago ko sinarado ang pinto.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon