PROLOGUENapangisi ng malapad ang isang binata habang hinahabol ito ng mga kalaban. Pinasabog lang naman ng binata ang isang drug laboratory ng isang foreigner. Isang drug lord na salot dito sa bansa at maraming ilegal na negosyo. Tumigil ang binata at nagtago sa isang sulok habang suot ang special shades nito at inilabas ang mamahaling baril. Ang ngisi nito ay naging seryoso habang ini-uma ang baril sa mga kalaban. Kinalabit nito ang gatilyo at biglang may bumagsak sa panig ng mga kalaban dahilan upang maging alerto sila bagkus hindi makita ang kaaway. Sunod sunod na bumagsag ang ilan at ang iba ay natakot na habang hindi padin makita ang kaaway. Lahat ng bumagsak na kalaban ay asintado sa ulo.
"Fvck! Hanapin niyo at patayin ang gagong iyon! Kundi, kayo ang papatayin ko!" Umuusok sa galit ang isang Chinese na siyang target ng mga Hunstman. Nagsikilos ang lahat at masusing hinanap ang nag-iisang kaaway.
Mabilis naman nailagan ng binata ang balang papunta dito ng matunton ang kinaroroonan nito at sunod sunod nang putok ang pinapatama sa binata. Pero biglang bumagsak ang lahat ng kalaban ng pinaulanan din ang mga ito ng bala galing sa likuran bahagi ng binata. Nakangisi ito.
"Sorry, Bro! Nahuli kami ng dating!" Nagkibit balikat lamang ang binata sa mga kapatid nito. Tinapik ni Conan ang balikat nito.
"Alam ko naman kung bakit kayo nahuli." Seryosong pagkakasabi ng binata na kinangisi lang ng tatlo nitong kapatid.
"Tsk. Alam mo naman ang mga babae, pinapatahimik muna." Malapad na pagkakangisi ni Conrad habang napailing si Connor.
"Kahit wala kami ay kaya mo naman pala, Bro!" Seryoso lang ang binata habang tinuon na nito ang baril sa mga kalaban.
Apat na makikisig na magkakambal ang siyang asintadong bumabaril sa mga armadong kalalakihan. Hanggang sa masukol ng mga ito ang target.
"What do you want, money? I can give you anything just spare my life! I have family and I don't want to die!" Ngumisi ang tatlo maliban kay Colorad na seryoso lamang ang mukha. Isa sa mga ayaw ng binatang ito ay ang mga taong halang ang kaluluwa at may masamang impluwensya sa lipunan. Dapat sa mga ito ay tinotodas upang hindi na makapangpinsala sa kapwa.
"Yes. You have family but you don't care the all innocent family you killed!" Sinuntok ito sa mukha ng baril ni Conrad. Nanggigil ito kaya napalakas ang ginawa ni Conrad kaya wasak ang gilid ng mata nito.
Matapos ang pagligpit sa mga kalaban ay dumiretso ang apat sa isang bar upang magpalamig. Ngayon lang din ito nagawa ng tatlong kapatid ni Colorad dahil binabawalan ng kanilang mga asawa kaya naman ay sinusulit ng mga ito ang pagkakataon. Habang ang binatang si Colorad ay seryoso lamang umiinom ng alak kahit nakapulupot na ang isang babaeng sa kanya ay wala itong pakialam.
He's a cold and serious guy.
___
MABILIS na tumatakbo ang isang dalaga habang hinahabol ito ng mga kapulisan. Pasikot sikot itong sumusuong sa makitid na eskenita na parte ng tondo. Ang lugar kung saan lungga nito at kabisado bawat daanan. Dahil madilim na ang paligid kung kaya nahirapan ang mga kapulisan sa paghabol sa isang snatcher. Napangiti ng tagumpay ang dalaga ng makitang malayo na ang agwat nito sa mga humahabol at hindi nadin naman tunton ng mga kapulisan ang bahay nila."Ate!" Bungad ng kababa nitong kapatid na lalaki sa pinto. Anim na taon gulang.
"Cactus, ito oh pera bumili ka ng bigas at dalawang noodles diyan sa tiangge." Napalakpak ito sa tuwa ng may nilahad ang dalaga na isang daan. Pero napatigil ang ngiti nito at sumimangot. "Iyong sukli ay ibili mo ng paracetamol ni Nanay." Napabuntong hininga ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...