Chapter 21

23.4K 773 45
                                    

Dahlia

His Good Deeds

Gaya ng sinabi ni Colorad ay may dumating na sasakyan na susundo sa'kin ngayon. Pero ang hindi ko inaasahan ay may itinalaga pa itong isang private nurse na mag-aasikaso daw ng kalagayan ni Nanay. Alam ni Colorad na walang titingin kay Nanay kapag nasa trabaho ako at nag-aaral din ang mga kapatid kaya kumuha pala ito ng mag-aalaga kay Nanay.

Ang dami na ng utang na loob ko kay Colorad at kahit ibawas pa iyon sa sahod ko ay ilang taon kaya aabutin ang mga utang ko sa kanya. Nakakahiya naman kung libre lang ang pagtira ng pamilya ko dito. Kahit sinabi pa nito na okay lang ang pagtira na'min sa kanyang bahay ay nais ko pa rin na bayaran siya kahit kalahati ng sahod ko ang kukunin niya ay ayos lang sa'kin.

Napakabuting tao ni Colorad at kahit nakagawa ako ng mali sa kanya noon ay tinulungan niya pa rin ako at wagas na nga itong pagtulong niya.

Kaya sisiguraduhin ko din na maibabalik ang pitakang ninakaw ko sa kanya. Para kaseng mahalaga iyon para kay Colorad. At sana ay makita ko kung nasaan iyon at kung sino ang bumili. Kahit doblehin ko pa ang katumbas ng bumili nun ay gagawin ko makuha lang iyong pitaka ni Colorad.

"Hintayin niyo mamaya si manong Ruel dahil susunduin niya kayo pagkatapos ng klase niyo." Paalala ko sa'kin mga kapatid nang makarating kami dito sa paaralan.

"Opo, ate Dahlia!" Panabay nilang sabi bago nagpaalam sa'min at pumasok na sa loob ng paaralan.

Inihatid naman ako ni manong Ruel sa building na tinatrabahuan ko at alam naman nito kung nasaan iyon.

"Matagal na po ba kayong nagtatrabaho kay sir Colorad?" Naitanong ko kay manong Ruel na kinalingon nito sa'kin saglit bago bumalik ang pansin sa pagmamaneho.

Matanda na si mang Ruel at naikwento nito ang tungkol sa kanyang pamilya. Namayapa na ang asawa nito at may dalawa itong anak na isang babae at lalaki. Binata at dalaga na din daw ang mga anak nito at puro professional ang career.

Nasabi ko pa nga sa kanya na pwede na itong magretiro dahil kaya naman siyang buhayin ng kanyang mga anak pero gusto daw nitong pagsilbilhan pa rin si Colorad. At dahil din daw kay Colorad kung kaya't nakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak nito at professional ngayon.

"Mula pagkabata nito ay ako na ang kanyang personal driver. Kaya nga ayokong ewan si Colorad ay dahil napamahal na ako sa batang iyon at para ngang tunay na anak ko ang turing sa kanya. Masaya din akong pinagsisilbihan siya." Tumango tango ako kay manong Ruel habang sinasabi niya iyon at nakangiti pa ito na parang inaalala ang mga inaraw noon na kasama nito si Colorad.

Pati ako ay napangiti rin. Ilan pa kayang pamilya ang natulungan ni Colorad. Napakabuti nitong tao kaya siguro ay lubos ang mga biyayang dumating sa kanya. Ang bata pa kase ni Colorad para magkaroon na ng sariling mga negosyo at nakapundar ng magandang mansion.

Ang swerte din ng babaeng mapapangasawa ni Colorad.

Lihim akong nalungkot sa isiping iyon. Kung sino man ang babaeng iyon ay naiinggit ako sa kanya. Siguro ang mapapangasawa ni Colorad ay nobya nito na si Cristy. Kahit ang sama ng ugali ng babaeng iyon ay masaya pa rin ako kay Colorad kung iyon ang makakatuluyan niya. Masaya ako para sa kaligayahan nito. Handa akong sumuporta sa kanya.

"A-ano po ba ang ugali ni Colorad?" Mabilis kong natakpan ang bibig dahil hindi ko napigilan itanong iyon kay manong Ruel, na ngumiti lang sa'kin ng sulyapan ako.

"Seryosong tao si Colorad pero kung minsan ay lumalabas din ang ugaling kapilyuhan nito. Mabait at tahimik lang din pero mapanganib na tao iyan si Colorad, lalo na kapag inaagrabyado ang mga taong mahal nito." Bawat sinabi ni mang Ruel tungkol kay Colorad ay tinatandaan ko at tugma din sa nakikita kong pagkatao ni Colorad.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon