EPILOGUE

34.9K 1.1K 209
                                    

EPILOGUE

Kapag mahal mo ang isang babae ay huwag mo nang tantanan hanggang sa mapasa-iyo. Kung hindi ka naman mahal ng babae ay huwag mong sukuan. Sa halip ay iparamdam mo ang iyong pagmamahal.

Tingan lang na'tin kung hindi iyan bibigay. Malambot ang damdamin ng mga babae kaya madali mo lang makuha ang puso nito.

Halimbawa na lang sa mahal kong Asawa. Binaliw ako noong unang paglapat ng mga mata ko sa kanya.

Hindi ko na agad tinantanan kaya nakuha ko ang puso nito at pagmamahal.

Siguro noong una ay may nararamdaman din ang Asawa ko sa'kin, nga lang medyo pakipot para pahirapan ako ng konti lang.

"Dad! Nasaan si Kuya Colton?! Wala sila dito sa kanilang upuan!" Mahinang hiyaw sa'kin ng dalaga kong si Colene Daniella.

She's nineteen and our only girl. Nasa kursong Psychology ito.

"Colorad! Hanapin mo na ang Anak mo at baka daliin na noon ang kanyang Asawa! Bilisan mo!" Mahinang pagkalabit naman sa'kin ng mahal kong si Dahlia.

Kalong nito ang isang taon gulang na'ming anak na si Colderon Dave, na panay naman ang himas sa malaking tiyan ng kanyang Ina.

"B-ball!.. Mama ball!.." Inosente nitong sambit habang nakangiti ang mukha at panay ang himas sa tiyan ni Dahlia.

Akala ng Anak ko ay ball ang malaking tiyan ng kanyang Ina.

Napapikit ako at nahilot ang sentido ko. Pinapagalit talaga ako ng ikatatlo kong binata.

Sa araw pa mismo ng graduation ng kanyang mga Kuya. Graduation ngayon ng kambal ko sa kursong Law.

Magkaparehong Law ang kursong kinuha ng kambal kong sina Colt Desiel and Cold Densiel.

Hindi kase mapaghihiwalay ang dalawa. Kung saan ang isa ay makikisabay ang isa pa, pero magkaiba naman ng mga ugali.

"Love, saglit lang ako. Hanapin ko lang ang magaling nating Anak." Paalam ko kay Dahlia bago hinaplos ang ulo ng Anak na'min, nakangiting nakatitig ito sa'kin.

"Papa!" Sambit nito na kinangiti ko at kinalong bago ibigay sa kanyang Ate.

"Bilisan mo, Colorad! Baka gumagawa na ng milagro ang Anak na'tin!" Tumango ako sa kanya at kita ko ang pag-alala sa maganda niyang mukha.

"Colene Anak, pakibantayan mo muna ang Kapatid mo."

"Yes, Dad." Tumayo ako at tiningnan ang dalawa kong binata na nakatingin din pala dito sa direksyon na'min.

Sumenyas ako at agad naman nila nakuha ang ibig kong sabihin bago sila tumango.

Madilim ang mukha kong lumakad palabas ng Coliseum. Inayos ko ang suot na salamin bago tumingin sa relo ko, may oras pa ako para makahabol sa ceremony ng graduation.

Napalibot ang tingin ko sa labas. Kinakalkula kung saan possible na dinala ng hinayupak kong binatilyo ang Asawa niya.

"S-sir Colorad! T-tulungan niyo po ako!" Napakunot ang noo ko ng pumasok sa opisina si Manang Letty, ang aming labandera.

Tumayo ako at dinaluhan itong makaupo sa bangko. Hindi ito mapakali at may takot sa kanyang mukha.

"Bakit po, anong nangyari?" Hinawakan nito ng mahigpit ang isang kamay ko.

"S-sapilitan pong kinuha ni Senyorito Colton ang Anak ko kagabi!" Nangunot ang noo ko.

"Teka, bakit naman gagawin ng Anak ko iyon?" Alam kong may Anak na babae si Manang Letty at sa pagkakaalam ko ay 'Apa' ito.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon