DAHLIA
Hurting His Feeling
"Sabi ko naman sayo masarap ang ice cream!" Natatawa kong hiyaw kay Steve. Ilang ulit na kase siyang nagpapascoop ng ice cream. Pero hindi pa siya nakontento ay pinuwestuhan pa niya ang pwesto ni manong Sorbetero. Inisang subo lang kaya nito ang ice cream kaya madali niyang naubos.
Pailing iling pa siya kanina habang pinipilit ko siyang tikman ang ice cream. Sabi niya baka daw tumaba siya at masira ang pegura nito. Pero alam ko naman na nadudumihan siya. Hindi na lang ako nagkomento.
Pero sa pagpupumilit ko ay napasubo ito. Nang matikman nito ay hindi na tinantanan si manong Sorbetero.
Nakaupo lang ako dito sa upuan habang sumusubo nitong ice cream ko. Isa pa lang ang nakakain ko.
"Dahlia! Kasalanan mo kapag tumaba ako dito! Pakasalanan mo 'ko kapag walang babae na tumanggap sa katulad kong mataba!" Balik nitong hiyaw na kinangiti ko lang at iling sa kalokohan nito. Maloko talaga ang Steve na ito. Pero masaya siyang kasama.
Napapitlag ako at napatigil sa pagsubo ng ice cream ko. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Binuksan ko ang bag at tiningnan ang cellphone.
Napatigil ako kung sino ang tumatawag. Biglang umusbong ang galit sa dibdib ko. Napahinga ako ng malalim bago sinara ang bag. Tumigil ang pagtunog pero ilang segundo lang ay tumunog na naman iyon. Hinayaan ko lang sa pag-aakalang titigil iyon. Pero hindi tumitigil ang tunog sa cellphone ko. Kaya sa inis ko ay pinatay ko ang power ng cellphone ko.
Ayoko siyang makita. Dahil naalala ko lang ang kataksilan nito.
"Steve! Teka, saan mo naman ako dadalhin!" Nagulat ako sa biglaan nitong paghila sa kamay ko.
"Gusto kong sumakay ng roller coaster!" Nakangisi nitong saad na kinalaki ng mga mata ko.
"Ano!? Ayokong sumakay doon natatakot ako!" Pilit kong hinihila ang kamay ko ngunit mahigpit nitong hawak iyon. Hanggang sa makarating kami sa entrance.
May peryahan at rides dito malapit sa parke kung saan ako dinala ni Steve. Ang bilis lang ng oras dahil hapon na. Marami nang tao dito sa park.
"Huwag kang mag-aalala nandito naman ako." Kinindatan lang ako nito matapos niyang makabili ng dalawang ticket.
Sinamaan ko ito ng tingin. Nakangisi lang siya sa'kin. Wala na akong nagawa ng pumasok kami sa loob. Magkatabi kaming umupo. Pagkaupo ay malakas kong nasuntok ang balikat nito. Tumawa lang ito sa'kin.
"Baliw ka talagang lalaki ka! Lagot ka' sa'kin kapag natrauma ako dito!" Lumakas pa ang naging halakhak nito. Hinayaan ko na lang siya sa kalokohan niya.
Unang beses na sasakay ako dito kaya nanlalamig ang katawan ko sa kaba. Hindi na ako makaatras dahil ang lahat ay nakahanda na.
"Don't worry, Dahlia. Nandito ako sa tabi mo." Bigla niya akong inakbayan. Napahiyaw naman ako ng biglang umarangkada ang roller coaster. Dumiin ang hawak ko sa'kin kinauupuan.
Napahiyaw na din si Steve. Pati ang ibang nakasakay dito. Nakapikit ako at hindi kayang tumingin sa ilalim.
"Open your eyes, Dahlia! Mas masaya kapag nakadilat ka!" Hindi ko sinunod si Steve. Pero napadilat agad ako ng biglang bumilis ang pagtakbo ng roller coaster.
"Lagot ka talaga sa'kin, Steve!" Lalo na din lumakas ang hiyaw ko. Nakapikit ang isa kong mata habang nakadilat ang isa. Ang lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko.
Gaya ng sabi ni Steve ay mas masaya nga kapag nakadilat ang iyong mga mata. Nakita ko ang hiyawan pero masayang mukha ng lahat. Pati ang masayang mukha ni Steve. Makikita na nag-eenjoy ito.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...