Chapter 40

22.1K 840 95
                                    

DAHLIA

Another Hunstman

Dahil sa nawili ako sa pagmamasid sa'kin paligid ay hindi ko namalayan na sumusuong na pala ako sa kagubatan. Kung kaya't naliligaw ako ngayon. Hindi ko na alam ang daan pabalik. Ilang beses ko nang hinahanap ang daan pero hindi ko makita ang saktong dinaanan ko.

Napaupo ako sa isang puno ng makaramdam ng hilo. Bumabaliktad din ang sikmura ko at nais kong sumuka pero wala naman may lumalabas sa'kin bibig.

Diyos ko Po, sana mahanap ako ni Colorad.

Taimtim kong panalangin habang nakapikit ang mga mata ko.

Medyo masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong magpakatatag para mahanap ko ang daan pabalik.

Napatingin ako sa kalangitan ng makitang biglang dumilim ang paligid ko. Dahil pala sa maitim na mga ulap na namumuo sa kalangitan.

Dumoble ang takot na nararamdaman ko. Mukhang uulan pa at mag-isa lang ako dito sa masukal na gubat.

Natatakot ako na baka bigla akong lapain ng baboy ramo dito, o kaya biglang susulpot ang isang aswang sa harap ko at dakmain ang puso ko.

Napahaplos ako sa'kin magkabilang balikat. Kinikilabutan ako sa'kin naisip. Ayokong mag-isip noon pero pinapangunahan ako ng takot ko.

Napahiyaw ako ng biglang kumulog ng malakas. Natakpan ko ang magkabilang tenga ko habang sumisiksik dito sa malaking puno. Takot ang bumabalot sa'kin ngayon.

Ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Kahit anong siksik ko sa puno ay nabasa pa rin ang katawan ko. Napaiyak ako sa takot.

"C-colorad.."

"Dahlia! Nasaan ka!?" Napatigil ako ng makarinig ng boses. Pero hindi iyon malinaw sa'kin. Malakas ang buhos ng ulan. Maingay ang bagsak ng tubig sa lupa.

"C-colorad! Ikaw ba iyan!?" Hiyaw kong sambit. Nagbabasakali na kay Colorad ang boses na iyon.

Ilang minuto akong naghintay pero wala na akong may narinig na boses. Sumasabay sa ulan ang buhos ng mga luha ko. Giniginaw na din ako at nanginginig sa lamig.

"Dahlia!" Natigilan ako at mabilis napatingin sa harap ko. Bumungad sa'kin ang mukha ng taong hinihintay kong mahanap ako.

"C-colorad!." Mabilis akong napayakap sa kanya. Isiniksik ko ang aking katawan ng yapusin niya ako ng kanyang mga braso.

Humigpit ang yakap ko habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanlalamig ang pakiramdam ko pero ligtas na ako sa mga bisig ni Colorad.

Isinuot niya sa'kin ang suot niyang jacket na hinubad bago niya ako pinangko. Humigpit ang yapos ko.

"Dito muna tayo magpalipas ng ulan." Maingat akong inilapag ni Colorad sa kawayang katre. Isang kubo ang pinasukan na'min.

May kinuha siya sa ilalim ng isang unan. Isang kumot iyon ng ilahad niya sa'kin. Napapitlag ako ng hawakan nito ang damit ko.

"Hubarin mo ang damit mo. Magkakasakit ka niyan sa lamig." Nanginginig ako sa lamig at walang lakas na gumalaw kaya hinayaan ko na lang si Colorad na hubaran ako. Kahit namumula sa hiya ang mukha ko, napaiwas na lang ako ng tingin.

Agad nitong binalot sa'kin katawan ang kumot. Pagkatapos ay damit naman nito ang kanyang hinubad. Tanging boxer lang ang itinira nito na agad kong kinaiwas.

Nakatayo ito sa pinto habang pinagmamasdan ang ulan sa labas. Alam ko na nanlalamig din siya. Hindi lang niya pinapahalata.

"C-colorad. " Mahina kong sambit sa kanyang pangalan. Lumingon naman siya sa'kin.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon