DAHLIA
Colorad's Punishment
Ilang beses ko nang palihim na sinusulyapan si Colorad dahil sa tutok na tutok ito sa ginagawa. Lagpas isang oras na din nang kami ay nagsimula, na hindi man lang nagpahinga saglit si Colorad.
Mga mahalagang dokumento iyon sa negosyo na kailangan niyang mapirmahan at i-submit. Matagal din siyang nawala kaya tumpok ang mga iyon sa kanyang lamesa.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Colorad, gusto mo ba ng kape, ipagtitimpla kita?" Naghintay ako na mag-angat ang kanyang mukha pero ilang segundo na ang nagdaan ay hindi niya ako tiningnan o sagutin man lang ang tanong ko, sa halip ay abala lang siya sa pagpirma.
Ilang sandali ay tinanong ko siyang muli ngunit hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko na para bang walang pakialam sa'kin.
Ano ba ang problema ng lalaking ito?
Kanina lang ayos naman kami pero ngayon ay eto siya at dinideadma ako.
May nagawa ba akong mali?
Nainip ako at babalik na sana sa'kin upuan nang biglang may pumasok na kalokohan sa'kin isip, ngumisi ako.
"Bahala ka diyan sa buhay mo, Mahal!" Tumalikod ako at akmang aalis pero napatigil din dahil sa kanyang sinabi.
"Black coffee. Thanks, Love." Aba't! Awtomatiko akong napalingon at nakasalubong ko ang nakangisi nitong mukha.
"May problema ka ba sa'kin?" Nakapameywang na hinarap ko siyang muli at nainis sa mukha nito.
"None. Why?" Nakangisi pa rin ito habang iginigalaw nito ang upuan at may nakakagiliw na tingin sa'kin, tiyak na pinagtitripan ako nito.
"Hindi mo kase ako pinansin noong magtanong ako kung gusto mo ng kape." Nakita ko na ballpen na naman sa kamay nito ang pinapagalaw niya sa lamesa.
Sa tagal na naging kasama ko itong si Colorad ay unti unti ko nang nakikita ang ugali nito, pero ang isa sa kinatatakutan ko ay iyon na mahilig siyang manuklaw, madali naman akong matuklaw.
Jusko! Hindi pa kami mag-asawa niyan pero naibigay ko na ang sarili sa kanya ng lubusan!
Hindi ko alam kung ano ang plano ni Colorad sa'min dalawa, kung may plano ba siyang panagutan ako sa kapusukan niya. May tamang pag-iisip naman siya kaya alam niya kung ano ang dapat na mangyari sa'min kinabukasan.
Mahalaga sa'kin ang future na'min at lalong mahalaga na panagutan niya ako, kahit na ano ang mangyari.
Sana nga lang ay hindi ako lokohin ni Colorad, dahil lubos na akong nagmamahal sa kanya.
"Hinihintay ko kaseng marinig na tawagin mo akong Mahal." Aba't! Nag-iinarte lang pala ito na hindi ako narinig dahil gusto nito na tawagin ko siya sa ganoon.
Inirapan ko na lang ito at lumakad na para ipagtimpla ng kape ang magaling na lalake, pero kinikilig naman ako ng marinig ang katagang iyon sa kanya.
"Thanks, Love." Sabi niya matapos kong mailapag ang tasang may kape sa gilid ng lamesa, kinuha naman niya at sumimsim doon.
Tumango ako bago bumalik sa'kin lamesa at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Ilang minuto ay naging tahimik at abala na kami ni Colorad, pero mag-iisang oras na 'yata ng mag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pagtawag ni Colorad.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong at kita kong sumenyas ang isang hintuturo nito na lumapit ako sa kanya, kaya naman napatayo ako at lumapit sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...