DAHLIA
Unexpected Visitor
Napapaisip ako dito kung ano na ang ginagawa ni Colorad kay miss Dinson sa loob ng office nito. Samo't saring mga bagay na lalo kong kinainis.
Kahit alam ko na may kaugnayan sa negosyo ang pakay ni miss Dinson pero hindi maiwasan na may tyansang landiin nito si Colorad.
Hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon kahit may tiwala naman ako kay Colorad, na hindi siya papatol doon, matapos na may mangyari sa'min kagabi.
Napabuntong hininga ako nang maalala ang mga eksena kagabi at hindi maiwasan na uminit ang aking mukha.
Napapikit ako at nakagat ang dila dahil kinikilabutan ako dahil sa pakiramdam na nandito pa ang labi at kamay ni Colorad sa katawan ko.
"Miss Romero, ayos ka lang?" Mabilis kong naidilat ang mga mata at nakasalubong sa harap ang nag-aalalang mukha ni Mrs. Quirino.
"A-ayos lang po ako!" Maagap kong sagot na napatango tango.
Lihim ko naman na kinastigo ang sarili dahil sa malaswa kong pag-iisip.
Nilahad nito ang mga dokumentong pakay ko na mabilis kong kinuha.
"Namumula kase ang mukha mo." Napakurap ako at tipid na ngumiti.
"Salamat po. Babalik na ako sa department ko." Naisabi ko na kinatango nito kaya mabilis na akong tumalikod at humakbang.
Lihim pa akong napadaing dahil sa magkabilang hita ko. Muntik pa akong malumpo ng Colorad na iyon.
Bakit kase may lahing foreigner iyon.
Napabuntong hininga akong muli at iwinaksi ang mga bagay na iyon sa utak ko.
Nang makarating ako sa harap ng pinto ay tumigil ako para humugot ng hangin at lakas bago ko binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
Nakayukong nagtuloy ako sa'kin lamesa pero sa gilid ng mata ko ay nakita ko na nandito pa rin sa loob si miss Dinson at nakangiti ang mukha habang nakaharap kay Colorad, na alam kong nakatitig sa'kin.
Naupo ako at hindi nag-abalang tumingin sa kanilang direksyon. Inabala ko ang sarili sa dalang mga dokumento.
"Saan ka nagpunta, Dahlia?" Narinig ko ang malalim at may tonong galit sa boses nito na kinaangat ng tingin ko dito.
"May kinuhang mga dokumento." Natingnan nito ang mga folder sa harap ko bago bumalik ang titig sa'kin.
Hindi ko pinansin ang mapang-asar na ngisi ni miss Dinson.
"Next time ay sabihin mo sa'kin para alam ko ang pupuntahan mo." Aba't! Inuutusan ba ako ng lalaking ito? Sa tono ng boses niya ay galit siya? Sa'kin ba?
"Yes, Mr. Hunstman." Pagdiin ko sa huling sinabi na kinasalubong ng mga kilay nito, na hindi ko na pinansin.
Lihim akong napabuga ng hangin. Sana pala ay hindi muna ako pumasok dito kung ganito ang aabutin ko sa Colorad na ito.
Tinuon ko na ang pansin ko sa'kin lamesa habang ang dalawa naman ay nag-uusap ng ewan ko at wala akong pakialam sa pinag-uusapan nila.
"I'm busy and I can't talk to you, miss Dinson." Napatigil ako ng marinig ang sinabi ni Colorad.
"It's okay. I'll call you later if you want having fu—"
"I have many things to do." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa mukha ni miss Dinson.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
Ficção GeralColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...