Dahlia
Unexpected Guest
"P-pwede na ba akong makaalis, Mr?" Kinakabahan kong tanong sa lalaking kaharap ko na kanina pa nakatitig sakin at ramdam kong pigil lamang ang galit nito o pigil lamang ang sariling masuntok ako nito.
Marahas itong napabuga pero hindi umiimik kaya napakurap ako bago ihakbang ang mga paa ko patalikod sa kanya pero hindi pa ako nakakagalaw nang may malaking kamay ang humawak sakin braso na kinatuod ko.
"Hindi pa ako tapos sayo, babae. Alam kong nagsisinungaling ka kaya ibalik mo ang pitaka ko or else.." Napapikit ako nang dumiin ang kamay nito sa braso ko. "Hindi lang buhay mo ang kukunin ko."
Pagkasabi niya nun ay binitawan niya ako kaya nahaplos ko ng lihim ang braso ko.
Tinitigan ako nito bago pumasok ng kanyang kotse at pinatakbo iyon ng mabilis habang ako naman ay natingnan ang bumakat nitong kamay sa braso ko.
"Kulang pa ito sa perang ninakaw mo." Mahina kong sambit pero natigilan muli ako ng maalala ang sinabi nito.
Kinabahan ako at ngayon lang nakaramdam ng ganitong takot.
Alam kong nanganganib ang buhay ko sa lalaking iyon. Sa tono ng boses nito ay hindi iyon nagbibiro. Papatayin ako nun oras na hindi ko maibalik ang kanyang pitaka.
Pambihira naman! Naimbenta ko na 'yon eh!
Ang totoo niyan ay hindi ko naman sinunog yong pitaka. Nga lang ay binenta ko sa halagang biente mil.
Branded iyon at nagulat nga ako na nasa ganun pala ang halaga ng piatakang iyon. Pero tiyak akong mas mataas pa ang presyo nun.
Inis na napatampal ako sakin noo.
Kamalasan pa ang hatid ng pitakang iyon!
Nagmamadaling nilisan ko ang lugar na iyon at pinuntahan ang kakilala kong turko na pinagbintahan ko ng pitaka ng lalaking iyon.
Nagpunta ako sa china town kung saan may maliit itong pwesto. Nagpa-five-six din iyon.
"Bay! Asan na 'yong wallet na binenta ko sayo— dali ibalik mo sakin!" Bungad ko agad sa harap nito.
Nagulat ito sa pagsulpot ko at nangunot ang noo.
"Kabuang simo babaye ka ginulat mo gyud ko!" Sita nitong napahawak pa sa dibdib nito.
Matangkad ito, may matangos na ilong, makapal na labi at slightly na maitim. Isa itong turkish.
"Sensya gyud, bay! Pero ibalik mo sakin 'yong pitaka na binenta ko sayo dali!" Pag-aapura kong sabi na lalong kinasampok ng makapal nitong mga kilay.
"Wala na dito sakin—"
"Huuwwaatt?" Malakas kong naisambit kaya sinuway ako nito.
"Makatili ka day wagas! Wala na sakin ang pitaka may bumili na." Muli pa sana akong hihiyaw nang maagapan nitong takpan ang bibig ko kaya sa palad nalang nito ako sumigaw.
Bumitaw din ito nang matapos ako at masama itong tinitigan.
"Bakit mo binenta!?" Mahina kong sambit pero pinitik nito ang noo ko.
"Alangan naman idisplay ko eh nagbebenta lang naman ako ng mga pitaka?" Pagsupalpal din nito sakin na kinapikit at tampal ko muli sakin noo.
"Kanino mo binenta? Sino ang bumili?" Natataranta na ako kung saan hahagilapin ang pitakang iyon.
Oras na hindi ko iyon maibalik ay katapusan na ng buhay ko. Goodbye snatching na'ko.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
Fiksi UmumColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...