Dahlia
Slightly Damage
"Pre! Huwag ka na kaseng mangi-alam dito para hindi ka masaktan!" Nakangising may babala sa tono ni Roshindo habang pinapatunog ang mga buto nito sa leeg at kamay.
Ganun din ang mga addict na masayang sasabak sa giyera. Walang sinasanto ang mga ito na laging gulo ang dala.
Humigpit ang kapit ko kay Colorad at napatitig sa kanya na hindi pa rin makikitaan ng anumang takot.
Seryoso parin at walang emosyon.
"Ayokong makipag-away kaya hayaan niyo na kaming makaalis." Biglang sabi nito na kinatawa ng mga addict.
"Ayaw din namin ng gulo kaya ibigay mo sa'min ang babae!" Tumitig ako kay Colorad na tinitigan ako na kinakurap ko at aaminin kong kinakabahan ako ngayon sa magiging sagot nito.
Ayoko pang matodas ang katawan ko dito sa mga addict na'to!
Kinalas nito ang suot na salamin bago ibigay sa'kin na kinataka ko pero mas natuon ang pansin ko sa maganda niyang mga mata na alam kong kulay bughaw iyon.
Mas naging gwapo siya kung walang salamin sa mata pero gwapo din naman kung mayroon.
"A-ano 'to?" Nauutal kong tanong dahil nakakapanghina ng tuhod ang gwapo nitong mukha.
"Pakihawak." Agad kong nakuha ang salamin pagkasabi niya nun kasabay ng pagluwag nito sa kanyang kurbata at pagpalagatok din ng mga buto nito sa leeg bago hinarap ang mga kalaban.
Napahawak ako sa kanyang braso na kinalingon nito sakin.
Ngumiti ako ng tipid.
"M-mag-iingat ka." Tinitigan ako nito ng ilang segundo at natulala ako ng ngumisi ito.
Ngisi na parang nakakaloko at hindi mawala sa isip ko.
Hinarap niya ako at inilapit ang mukha sakin tsaka bumulong sa tenga na kinagimbal ko.
"Maniningil ako dito." Malalim nitong bigkas at puno iyon ng babala.
"Huwag nang maraming satsat— patay ka sa'kin dito!" Bigla akong itinulak ni Colorad kasabay ng pagsangga nito sa isang patalim na hawak ng isang addict ng sumugod ito.
Walang kahirap hirap na sinuntok ito ni Colorad dahilan upang bumagsak ito sa sahig, kasabay din nun ang pagsugod ng ilang kasamahan nito na may hawak na mga patalim.
Humiyaw ako ng sunod sunod nilang sugurin ng saksak si Colorad pero nailagan nito ang mga iyon at pinagsisipa at suntok ang kalaban.
Pigil ang hininga ko sa bawat galaw na pinapakita ni Colorad ngayon. Parang walang kahirap hirap nito pinapatumba ang mga tambay na dumadaing tuwing tatamaan nito.
Para bang sanay na ito makipaglaban.
"Colorad sa likod mo!" Malakas kong hiyaw ng makitang sinulpot ito ni Roshindo na agad naman nakailag pero parang natamaan 'yata si Colorad?
Ngumisi ng malapad si Roshindo bago sinugod muli si Colorad na umiilag lamang at kalaunan ay nainis at nainsulto si Roshindo na napalitan ng galit ang mukha.
"G*go! Lumaban ka!" Ngumisi si Colorad na lalong kinausok ng mukha nito.
"Hindi ako lumalaban sa mga mahihinang katulad mo." Ilang ulit napamura si Roshindo at galit na galit ang mukha nito.
Nakatitig lamang ako kay Colorad na hindi talaga makikitaan ng anumang takot.
Lalo tuloy akong napahanga sa galing nitong makipaglaban at confident sa sarili nito.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...