Dahlia
Meeting with the Client
Kinabukasan paggising ko ay wala na si Colorad sa tabi ko at siguro ay maaga itong umalis para magpalit ng damit. Tumila na din ang ulan sa labas at may araw na.
Natingnan ko ang hinigaan nito at nakuha ang unan tsaka nakangiting inamoy iyon. Nagbilin dito sa unan ang amoy nito pero mabilis din akong natigilan at sinuway ang sarili at nagmamadaling inayos ang katre ko bago maligo.
Paglabas ko para maligo ay natigilan ako ng makitang nag-aalmusal na ang mga kapatid kong nakabihis na at si nanay.
Kita ko sa lamesa na maraming ulam doon. Kumunot ang noo ko.
"Rose, saan ka kumuha ng perang pambili diyan ha!?" Kompronta ko sa kanya at bigla ay tumahip ang kaba sa dibdib ko baka kung ano ang masamang ginawa ng kapatid kong ito para lang magkapera.
Pero matalino naman ang kapatid kong ito.
Kumunot naman ang noo ni Rose at nagtaka sa sinabi ko.
"Gising ka na pala, ate! Pinamili lahat 'to ni kuya Colorad! Mayroon pa nga diyan sa styro box! Sino si kuya Colorad- nobyo mo, ate?" Pinandilatan ko si Rose dahil sa bunganga nitong matabilas at sa harap pa mismo ni nanay na nakikinig lamang at hindi umimik habang kumakain.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.
"Magandang umaga po, nay. Kumain po kayo ng marami para makainom ng gamot. Rose, paki-asikaso ang mga kapatid mo at si nanay ng makainom ng gamot. Maliligo lang ako dahil maaga ang pasok ko." Tumango naman si Rose at nagpunta na ako ng banyo para maligo.
Binibilin ko lang si nanay sa kapitbahay namin kapag papasok na sa eskwelahan ang mga kapatid ko. Ayoko sanang gawin iyon at nag-aalala ako sa kalagayan ni nanay kaso wala naman akong pagpipilian kahit masakit sa kalooban kong iwan mag-isa si nanay dito, lalo pa't sa kalagayan niya.
Pero kapag tuloy tuloy na ang trabaho ko kay Colorad ay kukuha ako ng taong magbabantay kay nanay para hindi na ako mag-alala pa.
Binili ba talaga ni Colorad ang mga pagkain na 'yon?
Biglang tanong ko sa isip nang maalala ang sinabi ni Rose.
Pero, siguro ay pasasalamat lang nito sa pagpapatulog ko sa dito sa kanya. Pero sana ay hindi na nito ginawa. Pero salamat na din dahil may ulam kami ngayon!
Pumasok na ang mga kapatid ko sa eskwelahan kaya iniwan kong muli si nanay kay nanay Marivic, na kapitbahay namin.
"Nay Marivic, pakibantayan po uli si nanay. May pagkain naman po diyan at 'yong gamot po na iinumin niya." Napayakap ako kay nanay at hinalikan ito sa pisngi. "Alis na po ako, nay." Ngumiti ito at tumango habang hinahaplos ang mukha ko.
"Mag-ingat ka, anak.." Tumango ako bago balingan si nay Marivic.
"Huwag kang mag-alala, Dahlia. Akong bahala sa nanay mo." Tinapik nito ang balikat ko na kinangiti ko.
"Salamat po. Hayaan niyo kapag nakasahod ako ay babalikan ko po ang kabutihan niyo." Komuntra ito sa sinabi ko pero papalitan ko pa rin ang kabutihan nito.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta na sa trabaho.
Pagdating ko sa opisina ay inayos ko agad ang mga dokumentong kailanganin ni Colorad sa meeting na ito kay Miss Dinson. Mamayang alas diyes pa naman iyon pero mainam nang nakahanda ang lahat at hindi makalimutan.
Maaga akong pumasok para ipagpatuloy ang mga naiwan kong gawain kahapon. Pero inayos ko muna ang lamesa ni Colorad kahit malinis naman iyon bago bumalik sa lamesa ko.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...