Dahlia
Trouble Again
Papunta ako ngayon mag-isa sa sasakyan ni Colorad dahil nasa loob pa ito ng hotel at may kausap na isang kakilalang isang negosyante din.
Maganda ang ngiti ko habang lumalakad dahil sa busog ako at masasarap na mga pagkain ang nakain ko kanina na lahat ay inorder ni Colorad para sakin.
Galante talaga ang lalaking iyon kaya nga sarap dumikit dun.
Napailing na lang ako sa kalokohang naisip.
"Teka, pre! Parang kakilala ko ang babaeng iyan a!" Napahinto ako sa paglakad at mabilis natingnan ang boses na iyon at agad akong kinabahan ng makita ang dalawang kalalakihan nagnanakaw sa isang sasakyan.
Tumigil ang mga ito at mataman akong sinuri at hindi naman ako nagpahalatang kinakabahan pero alerto ang katawan ko kung sakaling maunahan ako ng mga ito.
Ito 'yong mga lalaking humahabol sa'kin noon kung kaya't nakasakay ako sa sasakyan ni Colorad at dahilan din upang magtagpo ang mga landas na'ming dalawa.
"Ang taong kumupit ng pera na'tin!" Nagtaka ako kung paano nila nakilala dahil panlalaking suot naman ang ginawa ko nun.
Pero hindi ko na iyon inintindi dahil ngumisi ng kakaiba ang dalawang lalaki habang hinahagod ako ng pagnanasang tingin.
"Ang ganda pala ng katawan ng babaeng ito! Nakakatakam at nakakaulol!" Sinamaan ko ng tingin ang sinabi ng lalaking kalbo habang napapalabi pa ito at masama ang ngisi.
"Pluto! Kunin mo ang isang iyan at tirahin na'tin dali!" Utos naman ng lalaking may bigote at marami ang tattoo sa katawan na lalong nagpakaba sa'kin.
Humakbang ako paatras habang mahigpit ang yakap ko sa dalang bag.
Ngumisi ng malapad ang kalbong lalaki habang humahakbang ito sa kinaroroonan ko at napapalabi pa itong nakatingin sa'kin.
Nasa paradahan kami ng mga sasakyan kaya walang tao sa paligid at nagkataong walang security guard ang nakabantay dito.
Napatakbo na ako kung saan nang makitang tumakbo ang lalaking kalbo. Nais kong sumigaw ng tulong pero alam kong wala naman may tutulong sakin.
Nasa loob pa naman ng hotel si Colorad at abala sa kausap nito kaya matatagalan pa bago ito makapunta dito at matulungan ako.
"Huwag ka nang tumakbo babe! Paliligayahin ka na'min sa gagawin na'tin!" Nakakalokong tumawa ang kalbong humahabol sa'kin na kinailing ko at binilisan pa ang pagtakbo at hinagis ko pa dito ang dalang bag pero napangiwi ako ng todo ng matapilok at mapasadlak sa sahig.
Nakaramdam ako ng hapdi sa isa kong siko habang hawak ang isa kong paa na kumikirot. Natanggal ang takong ng isa kong sapatos kaya kinuha ko iyon at hinilot hilot ang paa kong namumula na lalo kong kinangiwi.
Ang malas naman! Mukhang matotodas pa ako dito!
Gumapang ako patago sa isang sasakyan at tiniis ang kirot sa'kin paa ng makita ang kalbong humahabol pa rin sa'kin.
Mga walanghiya talaga gagawan pa ako ng masama!
"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo babae! Kapag nahanap kita ay todas ka sa'kin!" Nagbabalang utos ng kalbong lalaki na lalo kong kinasiksik dito sa gilid ng sasakyan.
Napapikit ako at pinilit ang sariling huwag gumawa ng ingay pero bigla na lang akong napatili ng biglang may humablot ng buhok ko at kinaladkad ako na pilit ko naman kinapiglas pero medyo nawalan ako ng lakas dahil sa kumikirot kong paa.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...