DAHLIA
Meet The Family
Namumula ang mukha ko at naiilang habang hinahagod ako ng titig ni Colorad, pagkatapos noon ay napapalabi ito at ngumingisi, kanina pa. Ewan ko kung ano ang trip ng lalaking ito pero pagkaggising ko kanina ay bigla niya na lang ako pinasan papuntang banyo para paliguan, siyempre ay hindi na naman ako nakaligtas sa paglalandi nito kung kaya't may nangyari na naman sa'ming dalawa.
Pagkatapos na'ming maligo ay nagtaka na lamang ako nang bigla niyang isuot sa'kin ang isang kulay pink na bestida na hanggang ibabaw ng tuhod ko ang haba. Siyempre din ay di- nakaligtas sa'kin ang tiyansing ng lalaking ito sa katawan ko.
Mahilig talagang manukso si Colorad. Sa totoo lang hindi ba napapagod ang lalaking ito? Malakas kase lagi ang resistensya ng kanyang katawan pero halata naman sa matipuno at maugat niyang pangangatawan.
Sinamaan ko na lang ito sabay iling ko bago tumingin sa damit. Sleeveless at plain lang ang kulay ng bestida, maliban sa kulay lila nitong laso sa may beywang. Malambot ang tela at masarap suotin. Simple lang pero parang mahal 'yata ang damit na ito. Magkano kaya ang presyo nito.
Pwede ko kaya itong ibenta sa ukay ukay pagkatapos kong suotin?
Napailing ako sa'kin naisip bago sinamaan ng tingin si Colorad.
"Anong trip na naman ito, Mister?" Nilangkapan ko ng inis ang nararamdaman kong pagkailang dahil sa mga titig nitong may balak na naman 'yata akong tuklawin.
Ngumisi lang ito bago yumuko mula sa pagkakaupo nito sa kama at may kinuha sa gilid ng kama.
Tumayo siya at lumapit sa'kin dala ang isang pares ng sandal, nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at walang salitang inangat niya ang isa kong paa at pinasuot ang sandal at ganoon din sa kabila kong paa.
"Buti na lang alam ko ang size ng paa mo, Love." Nakatingala niyang sambit bago siya tumayo at hinawakan ako sa'kin magkabilang balikat, hinawakan ang baba ko at tinitigan niya ng maigi ang mukha ko.
"B-bakit?" Tanong ko dahil masusi ang pagkakatitig niya, kinabahan ako.
"No need to put make-up, mas gusto ko ang natural mo'ng ganda, lalo na ang mapula mo'ng labi." Agad na uminit sa hiya ang mukha ko pero marahan akong umismid sa papuri nito pero ang totoo ay kinikilig ako.
"Ilang bayad sa bola mo?" Pagbibiro ko na lang sabi na kinapisil ng palad nito sa baba ko.
"Tsk. I'm telling the truth." Ngumiti siya sa'kin.
"Anong trip ba ito at saan mo ako dadalhin at tsaka ikaw ba talaga ang bumili ng damit na ito?" Lumayo siya ng konti at mataman na naman niyang hinagod ang katawan ko bago ngumisi sa'kin.
"Birthday ng pamangkin ko at nais kong makilala ka ng magulang ko-"
"H-ha!?" Bulalas kong hiyaw dahil sa gulat na ipapakilala daw niya ako sa mga magulang niya, kumunot noo ang mukha nito habang napahagod sa kanyang tenga.
"Tsk. Anong nakakagulat?" Hinahagod pa rin nito ang kanyang tenga at mukhang napalakas ang hiyaw ko pero talagang hindi ko napaghandaan ang sinabi nito.
"Nagulat lang ako kase ipapakilala mo ako sa magulang mo, baka hindi nila ako gusto o baka naman i-arrange marriage ka nila gaya sa mga mayayamang napanood ko sa tv habang nakaharap sa inyo." Iyon ang lubos kong kinatatakutan ang hindi ako magustuhan ng pamilya ni Colorad dahil sa antas ko.
Nakakatakot pa man iyong Ama ni Colorad, lalo na iyong nahuli kami nito sa hindi magandang sitwasyon noon. Baka masamang impresyon ang iniisip nito sa'kin at hindi ako tanggap para kay Colorad.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...