DAHLIA
Naligaw
Mag-aapat na linggo ng hindi nagpapakita si Colorad sa'kin.
Matamlay ako kada pasok ko sa trabaho. Pumapasok ako sa pag-aakalang makikita ko siya at maka-usap. Nais ko siyang maka-usap para humingi ng tawad.Hindi ako panatag o makatulog kakaisip sa kanya. Gusto ko siyang puntahan sa kanila para malaman kung nandoon nga siya, pero nahihiya ako.
Kinakain agad ako ng konsensya ko.
"Dahlia."
"A-analyn, ikaw pala. May kailangan ka bang papirmahan?" Matamlay kong saad sa kanya. Umiling ito sa'kin bago naupo sa harapan ko.
"Wala. Narito ako para ayain kang kumain sa labas." Napatingin ako sa orasan. Tanghalian na pala ng hindi ko namamalayan. Sa lalim ng iniisip ko ay nakaligtaan ko ang oras.
"Mauna ka na, Lyn. Wala pa akong ganang kumain." Mataman niya akong tinitigan. Napaiwas ako ng tingin.
"Alam kong may problema kayo ni Sir Colorad, pero alalahanin mo naman ang sarili mo. Tingnan mo nga ang mukha mo, nangingitim at kulang sa tulog. Hindi ko alam kung kumakain ka pa ba sa tamlay ng katawan mo." Nakaiwas ang mukha ko habang nagsasalita si Analyn.
Kahit si Analyn ay hindi alam kung nasaan si Colorad. Pati si Steve na tinanungan ko ay hindi din alam kung nasaan ito. Siya muna ang humalili kay Colorad.
Hindi ko alam kung dinamdam ng husto ni Colorad ang nangyari o sadya lamang na galit siya sa'kin. Walang duda na galit siya sa akin.
Napatingin ako kay Analyn bago tumango sa kanya. Ngumiti ito at naunang tumayo. Inayos ko muna ang lamesa ko bago tumayo. Pero bigla akong nakaramdam ng hilo kaya napaupo muli ako. Nahilot ko ang magkabilang noo ko.
"Dahlia, anong nangyari sa'yo?" Narinig ko agad ang pag-alala ni Analyn nang daluhan niya ako.
"W-wala, nahilo lang."
"Ayan nang sinasabi ko, eh. Alagaan mo ang sarili mo. Kulang ka sa pahinga at tulog." Ngumiti ako ng tipid bago tumayo ng makaya ko na ang sarili. Siguro nga ay kulang ako sa tulog kaya nahihilo ako.
Lumakad na kami ni Analyn. Pumasok kami sa kalapit na restaurant. Habang hinihintay ang inorder na'min ay bigla akong nakaramdam na parang maduduwal. Nang makaamoy ako ng kung anong amoy galing sa dumaan na waiter.
Napatakip ako ng aking bibig na kinataka ni Analyn.
"Dahlia, anong problema?" Umiling ako bago umayos ng upo.
"Wala. Ayos lang ako."
"Sigurado ka?" Napatango muli ako sa kanya bago ngumiti.
Nagsimula na kaming kumain ng dumating ang order na'min. Pagkatapos noon ay bumalik na din kami sa opisina.
Napabuntong hininga ako pagkaupo sa'kin lamesa. Nakatitig ako sa upuang bakante. Namimis ko na ang kanyang presensya. Hinahanap ko ang mainit at mahigpit niyang yakap.
Colorad..
Gusto kong maiyak pero pinigilan ko ang sarili. Humugot ako ng hangin bago balingan ang trabaho ko.
Dahil araw ng sahod ngayon ay nagkaayayaan ang iba naming kasamahan sa department na magbar daw. At dahil pinilit akong isama ni Analyn kung kaya't napa oo ako sa kanya. Kahit ayoko sanang sumama.
Sa isang resto-bar kami pumasok. Pito kami sa department at lima naman sa ibang department. Walong babae at apat na lalaki.
"Juice na lang sa'kin." Sabi ko kay Analyn ng tanungin niya ako. Napahawak ako sa'kin noo ng makaramdam na naman ako ng pagkahilo.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...