Chapter 25

22.9K 710 27
                                    

Dahlia

Steve's Confession

"C-colorad! A-anong ginagawa m—" Natikom ang bibig ko sa muling pagsakop ni Colorad ng bibig ko at hindi pa ako nahimasmasan ng maramdaman ko ang isa nitong kamay sa loob ng blouse ko na pinipisil ang isa kong dibdib na kinaungol ko.

Kahit binigay ko na ang lahat ng pwersa ko maitulak lang siya mula sa pagkakadagan sa'kin ay hindi ko magawa at lalo lang niya akong dinidiin at ngayon nga ay hawak pa nito paitaas ang dalawa kong kamay gamit lang ng isa niyang kamay habang mapusok akong hinahalikan.

Salitan din niyang pinipisil at lamukos ang magkabilang kong dibdib na kinakislot ng katawan ko at ibang pakiramdam itong dumadaloy sa buo kong katawan na para bang may binuhay si Colorad sa'kin.

Wala ngayon sa huwesto ang isip ko. Kanina lang ay nakaidlip ako ng mahimbing at paggising ko ay nabungaran ko na lang si Colorad na hinahalikan na ako at malaya pang ginagalaw ang katawan ko.

May bahagi sa'kin ang tumututol pero mayroon naman na nagugustuhan ang kanyang ginagawa at aaminin kong nangingibabaw iyon.

Nakadilat akong nakatitig kay Colorad habang pikit ang mga mata nito at kunot noo at kita ko din ang mga ugat nitong namumuo at gumagalaw.

Napakislot ako ng maramdaman ko ang pagkalas ng bra ko kasabay din nun ang mariin pagsipsip ni Colorad sa dila ko na sinabayan ng ungol ko.

Marahas akong umiling sa kawalan ng hangin at buti na lang ay pinakawalan niya ang bibig ko kaya agad akong napalanghap ng hangin ng sunod sunod pero natigilan muli ako ng lumandas pa pala sa'kin leeg ang mukha ni Colorad at doon na naman ako hinahalikan.

"S-sandali lang,Colorad!" Pag-awat ko na kinatigil nito at angat ng ulo paharap sa'kin.

"What?" Napakurap ako ng makita ang kanyang mukha na parang nainis sa pagpatigil ko base sa todong pagkunot ng kanyang noo.

"Anong ginagawa mo?"

"I'm taking what's mine."

"Ha?" Naguluhan ako sa sinabi niya pero ang ginagawa niyang ito sa'kin ay mali at hangga't maaga pa at hindi naisakatuparan ang binabalak nito ay dapat ko nang pigilan kahit alam kong natutukso na ako sa nais niya.

Pero mali talaga itong nangyayari sa pagitan na'min ni Colorad. Anong mukha pa kaya ang ipagmamalaki ko kapag nakuha na nito ang precious gem ko?

Marami nga akong utang na loob kay Colorad pero hindi ibig sabihin nun na papayag na lang ako sa gusto niya kahit ang totoo ay mahal ko na siya.

Oo. Nahulog na sa pagmamahal itong paghanga kong nararamdaman kay Colorad, sa maiksing panahon lang.

Mahal ko si Colorad pero ayokong ibigay ang sarili na walang may namumuong pagmamahalan sa'min. Ni kahit relasyon ay wala din.

"Don't mind other things, just focus on me." Hinuli nito ang mukha ko at tinitigan ng matiim bago bumaba sa'kin bibig pero mabilis akong nakapag-isip ng paraan para makaalis sa sitwasyon na ito.

"T-takot ako sa dugo at kapag nakita ko iyon ay nahihimatay ako at ilang araw na hindi magigising!" Bago ko sabihin iyon ay lihim kong kinurot ng mariin ang hita ko dahilan ng paghikbi ko ngayon na kita kong kinatigil ni Colorad.

Ilang minuto niya akong tinitigan bago umalis sa ibabaw ko at naupo ito sa gilid ng kama kasabay ng marahas nitong paghinga bago ako nilingon.

"I'm sorry. Ayusin mo na ang sarili mo at ihahatid na kita pauwi." Malalim nitong sabi bago tumayo at lumabas ng silid habang naiwan akong natigilan sa inasta ni Colorad.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon