Chapter 27

23.3K 806 31
                                    

DAHLIA

Claiming His Right

Kahapon ay hindi nakaduty si Steve kaya napilitan akong dalhin pauwi ang mga bulak at chocolate at kinain ng mga kapatid ko pagkakita.

Ngayong umaga na ito ay nakatanggap muli ako ng bugkos ng rose at box ng chocolate.

"You are like a chocolates that full of sweet taste."--Steve.

Kung ganito ba naman ang mabubungaran ko sa card na ito ay mangingiti agad ako o kikiligin kaso lungkot ang bumalandra sa mukha ko.

Ang laki ng konsensyang nararamdaman ko kay Steve para sa pagpapakita nito ng kanyang feelings para sa'kin pero sadya talaga na wala akong nararamdaman sa kanya.

Sadya na may nauna na sa puso ko kaso ay hindi ako bagay sa kanya.

Dapat ko nang patigilin si Steve sa ginagawa niyang ito.

Pagkapasok sa loob ng building ay hindi ako dumiretso sa office ni Colorad kundi dumiretso agad ako sa opisina ni Steve, bitbit itong rose at isang box ng chocolates.

Nang makarating ako sa pinto ay tumigil ako para pumikit at humugot ng hangin para may lakas na sabihin ang pakay ko kay Steve.

Akma pa lang ako kakatok nang tumigil ang kamay ko sa ere dahil sa  boses na biglang nagpakaba sa dibdib ko. Malalim iyon na kilalang kilala ko.

"Nawala lang ako saglit, inangkin mo na ang pagmamay-ari ko. Tsk."

Napapukrap ako at itinuon ang tenga sa pinto para pakinggan kung ano ang pinag-uusapan sa loob.

"Wala ka pa nga sa lugar para sabihin na pagmamay-ari mo siya." Nangunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Steve at mukhang nag-uusap silang dalawa at hindi ko naman maintindihan iyon.

"Binabalaan kita, Williams. Lubayan mo siya at itigil na 'yang balak mo. Don't fight with me."

Agad akong nataranta nang makarinig ng mga tapak na papunta dito sa pinto kaya agad akong napatihin ng mabilis pabalik sa opisina ni Colorad.

Nang makapasok ako sa loob ay naupo agad ako sa'kin lamesa habang hawak ng mariin ang pumipintig kong dibdib at ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pinto at walang salitang pumasok ang taong inaasahan kong makita.

"Dahlia." Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya, nakadukwang at matiim nakatitig sa'kin mga mata habang nakapagitan ang katawan ko sa magkabila niyang braso na para bang ayaw niya akong paalisin.

"C-colorad—" Isang mainit at mapagparusang labi ang siyang umangkin sa bibig ko na kinalaki ng mga mata ko sa gulat.

Pero sa kaalaman na hinahalikan ako ni Colorad ay napapikit ako at hindi ko namalayan ay gumaganti na rin ako ng halik sa kanya kahit hindi ako marunong ay ginaya ko na lang ang paraan ng kanyang paghalik.

Hindi ko din napansin na nakaupo na ako sa ibabaw ng lamesa habang nakayakap sa leeg ni Colorad ang mga braso ko habang mapagparusang halik ang binibigay niya sa'kin.

Hawak niya ang batok ko habang ang isa niyang kamay ay nasa beywang ko at sobrang magkadikit ang aming mga katawan na nagbigay kilabot na naman sa'kin kaibuturan.

Napaungol ako bigla nang makapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at mahinang kinagat ang dila ko bago iyon sipsipin at dumiin din ang pagyakap ko sa kanya at malapit na akong pangapusan ng hangin.

Mabuti na lang at bumitaw siya kaya napasinghap ako sa paghugot ng hangin pero ang paglanghap ko ng hangin ay naudlot nang maramdaman ko ang kanyang bibig ay subo na ang isa kong dibdib na kinaliyad ng katawan ko nang pisilin pa nito ang isa kong dibdib na nakabuyanyang na nang hindi ko namamalayan.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon