Chapter 34

22.7K 852 74
                                    

DAHLIA

She's Belong

"She's Dahlia, my girlfriend." Nahawakan at pinisil ni Colorad ang nanlalamig kong palad. Habang nakatingin ako sa magandang Ginang na nakatitig sa harapan ko. Nakakakaba ang kanyang presensya lalo na at siya ang Ina ni Colorad.

Kahit may kaedaran ang kanyang anyo ay mababakas pa rin ang taglay niyang kagandahan. Maputi at makinis pa rin ang kanyang balat.

Napakalas sa'kin si Colorad nang lapitan ako ng Ginang. Pigil ang paghinga ko at domoble ang kaba ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat ko na seryoso ang pagkakatitig sa'kin mga mata.

"Sa wakas nagkagirlfriend na rin ang baby nerd ko!" Unti unting sumilay ang kanyang ngiti na kinakurap ko bago niya yakapin ng mahigpit. Pero mabilis din niya akong hinarap ng hindi pa ako nakakahupa sa gulat.

"I'm glad to see you, Iha! Ang ganda mo at bagay dito sa binata ko!" Hindi ko alam ang sasabihin ko at tanging pagngiti na alang ang nagagawa ko sa kanyang harap. Hindi ko kase inaasahan na ganito ang pagtanggap sa'kin ng Ina ni Colorad.

Nakikita ko sa kanyang mukha at kilos na walang bahid ng kaplastikan o pakitang tao ang pagtanggap sa'kin. Maski ang pagtanggap sa'kin ng Ama, Lolo, mga Kapatid at kanilang Asawa ay ganoon din. Buong puso at wala akong may narinig na panlait o pagpakumbaba mula sa kanila. Kahit ang pamilya ko ay magiliw nilang tinanggap.

Lihim kong napigilan ang mga luhang gustong pumatak sa'kin mga mata. Ayokong mag-alala si Colorad.

"Huwag ka'ng umiyak baka suntukin ako ng Ina ko na pinaiyak kita dito." Natingnan ko si Colorad na titig na titig pala sa'kin at hindi ko alam na kanina pa 'yata niya ako pinagmamasdan.

Ngumiti ako at umiling sa kanya nang hawakan niya ang baba ko.

"H-hindi ako iiyak." Pinisil niya ang baba ko bago bitawan at pareho kaming napatingin— ang lahat sa gitna ng i-anunsyo ang pagdating ng birthday celebrant na si Heriese. Ang anak na babae nila Heresa at Conrad. Kasama nito ang kanyang Ama na siyang escort niya habang naglalakad sa gitna. Mala hari at prinsesa ang kanilang dating na agaw pansin sa lahat at lahat ay humahanga.

Napaganda nitong bata at mas nangibabaw sa lahat ang suot niyang pangprinsesa na bestida na kulay pink. Nakangiti siya sa lahat at bumubulong ng 'thank you' sa mga bumabati sa kanya, na may bitbit na regalo. Nahiya ako kase wala akong regalo na dala.

Iginaya siya ng kanyang Ama paupo sa kanyang trono at doon ay nagsimula na ang selebrasyon. May palaro at clowns kaya tuwang tuwa ang mga batang bisita, na karamihan ay mga kaklase ni Heriese.

Matapos noon ay nagsimula na din ang kainan. Kasama ko dito sa lamesa ang pamilya ko at si Colorad. Sa kalapit ay ang pamilya ni Colorad, na may kanya ding lamesa ang bawat pamilya nila. Sinuway ko pa ang mga kapatid ko kase ang tatakaw nilang kumain. Agad naman nila akong sinunod habang inaasikaso ko naman sa pagkain si Nanay. Pero nakahanap ng kakampi ang mga kapatid ko kase sinita din ako ni Colorad na hayaan na sila, total daw ay madami namang pagkain kaya hindi na ako komuntra. Kahit panay din ang lagay na pagkain sa'kin plato ni Colorad.

Gusto ba niya ako'ng patabain?

Ilang sandali matapos kumain ay umakyat sa stage si Heresa para magpasalamat sa mga bisitang dumalo. Pero ang huling sinabi nito ay siyang nagpataka sa lahat. Tinawag niya para lumapit sa kanya si Miss Abrielle, na isang policewoman at nobya ng kakambal ni Colorad na si Conan, buntis din ito.

Lahat ay napasinghap sa sumunod na nangyari. Nagpropose kase si Conan sa harap ni Miss Abrielle at saksi ang maraming bisita dito. Isang masigabong na hiyawan at palakpakan ang namayani ng matapos umuo si Miss Abrielle.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon