Chapter 43

22.5K 711 71
                                    

DAHLIA

Danger

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong kay Colorad ng mapansin na ibang daan ang tinatahak na'min.

Katatapos lang na'min magpunta sa ospital. Pinacheck-up ako ni Colorad. Nalaman na'min na one month na aking pinagbubuntis.

Pagkatapos kong maresetahan ng vitamins ay umalis na din kami ni Colorad.

Hanggang ngayon ay umiinit pa rin ang mukha ko dahil sa nangyari sa'min ni Colorad kahapon.

Napapitlag ako ng pisilin ni Colorad ang kamay ko, na hawak na pala niya.

"Sa Lola Catherine ko." Napangiti ako sa kanya pero lihim akong kinabahan.

Hindi ko pa kase nakikita ang Lola ni Colorad. Baka mas strikto ito kaysa kanyang Lolo. Pero gusto ko rin makilala ang Lola ni Colorad.

Ilang minuto ang naging biyahe ng huminto si Colorad sa isang sementeryo.

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Pero may idea na ako kung ano ang gagawin na'min dito.

"Let's go." Nakangiti niyang sabi.

Napatango ako bago siya lumabas ng kotse at kumabila para buksan ang gilid ko.

Kinuha ko ang nakalahad niyang kamay at lumabas. Magkasalikop ang aming kamay ng lumakad.

"Ah!" Daing ko ng bigla akong matapilok sa isang batong nakausli na muntik kong ikatumba. Mabuti na lang at mabilis akong nayakap ni Colorad.

"Shit! Be careful, Love." Dama ko pagtaas baba ng kanyang dibdib.

"Salamat." Tumingala ako at kita ko ang lubos na pagkabahala sa kanyang mukha bago siya kumalas at hinarap niya ako.

"Are you okay." Tumango ako.

Pero nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

Kinuha niya ang kanan kong paa at nilagay sa kanyang hita. Napakapit ako sa kanyang balikat ng kalasin niya ang sandal ko.

Hinaplos haplos nito ng medyo may diin ang paa ko. Naririnig ko ang paglagatok ng buto ko doon.

"Masakit pa ba?" Ngumiti akong umiling sa kanya.

Nawala na ang kirot na aking naramdaman kanina.

"Hindi na magaling ka kase maghilot." Isinuot niyang muli ang sandal ko sa aking paa bago siya tumayo.

Hinalikan niya ako sa'kin noo at labi bago niya niyakap na kinatigil ko.

"Let's go. Be careful." Nakangiting tumango ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa'kin beywang at iginaya palakad.

Pansin ko na bawat lakaran na'min ay sinusuri niya. Hindi ko na lang pinansin hanggang sa makarating kami sa isang malaking musuleo.

Pumasok kami sa loob. Agad kong nakita ang isang puntod sa gitna. Mas lumapit kami doon ni Colorad.

"Hi, Lola Catherine. How are you? I hope you're happy wherever you are. By the way, I'm with my wife. She's Dahlia." Napakurap ako sa huling sinabi ni Colorad.

Biglang hinaplos ng mainit na pakiramdam ang puso ko sa isang katagang narinig mula sa kanya.

"H-hello po." Kimi kong ngiti habang nakatitig sa harap ng puntod.

Catherine Elizabeth Stones Hunstman.

Basa ko sa buong panglan ng kanyang Lola. Nagulat pa ako ng makita kung kailan ito namatay. Ilang buwan pa lang pala ang nakakaraan ng ito ay namatay ng taon na ito.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon