DAHLIA
Home
Pagkalabas ko ng ospital ay dumiretso kami sa bahay ni Colorad. Miss ko na si Nanay at mga Kapatid ko. Alam kong nagtataka na sila sa ilang araw kong hindi pag-uwi.
Pero siguro ay nasabihan na sila ni Colorad. Kaso hindi pa ang tungkol sa pagbubuntis ko, ganoon din ang relasyon na'min ni Colorad.
Sana matanggap ni Nanay si Colorad.
"Anong iniisip mo?" Napatingin ako kay Colorad ng pisilin niya ang palad ko, nakahilig ako sa kanyang balikat.
Naalala ko ang nangyari kahapon na may dala siyang ilang bugkos ng mani, na talagang bagong kalkal mula sa lupa nang pumasok siya sa silid ko.
Natawa ako noon ng makita ang madungis nitong mukha at damit habang hindi maipinta ang pagkakunot ng kanyang mukha, parang bata kase na galing sa dungisan.
Hindi ko alam kung saan siya nagpunta o sumuot dahil basa ba naman ang kanyang damit.
Tinanong ko nga kung saan siya nagpunta.
"Kasalanan ng lintek na maning ito!"
Hinugasan nito ang mani bago ko iyon kainin. Sarap na sarap ako habang si Colorad naman ay hindi nawala ang pagkakunot ng mukha, pero lihim kong nahuhuli noon ang kanyang ngiti.
Pero inisip ko noon na dahil sa mani ay nadungisan siya. Naghanap talaga siya ng mani para sa'kin.
Lihim pa akong kinikilig kahapon.
"Iniisip ko lang na sana ay tanggap ka ni Nanay." Nakita ko ang pagngisi ni Colorad bago halikan ng mabilis ang labi ko.
"Huwag kang mag-alala dahil tanggap ako ng buo ni Nanay." Nakakasigurado nitong sabi bago dalhin ang mukha ko sa kanyang dibdib.
Pagka-uwi na'min sa bahay ay sinalubong agad kami ng mga Kapatid ko, habang si Nanay ay nakaupo sa sala.
Todo tanong ang mga Kapatid ko at sinagot naman ni Colorad, na may kasamang pagsinungaling. Ayoko din na mag-alala sila ng husto sa nangyari sa'kin.
Nagulat pa ako kay Colorad at hindi inaasahan na sasabihin nito ng harapan kila Nanay at mga Kapatid ko ang tungkol sa aming relasyon.
"Alagan mo ng mabuti ang Anak ko, Iho. Ipapaubaya ko na siya sa'yo." Nakangiting sabi ni Nanay habang nakaupo kami dito sa sala.
Parang hindi na siya nagulat ng malaman ang relasyon na'min ni Colorad, parang inaasahan na niya iyon.
Tumango si Colorad bago niyakap si Nanay. Hindi ko din mapigilan ang mga luha kong tumulo.
Lumapit ako kay Nanay at mahigpit siyang niyakap.
"S-salamat po, Nay.." Kumalas ako, kinulong niya ang mukha ko sa dalawa niyang palad. Kahit hindi diretso sa mga mata ko ang paningin niya ay alam kong nakatitig siya sa'kin.
"Kung saan ka masaya Anak ay masaya din ako. Hangad lagi ni Nanay ang ikabubuti mo." Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Nanay.
Napaiyak na din akong niyakap siya ng mahigpit.
Nang malaman niyang buntis ako ay sobrang galak ang mukha ni Nanay.
"Love, aalis muna ako babalik din agad ako." Saad ni Colorad ng maihatid niya ako sa'kin silid.
Hinarap ko siya at napatango sa kanya, kahit nais kong magtanong kung saan siya pupunta.
"Sige, mag-ingat sa pagmamaneho mo." Kinabig niya ako sa'kin beywang na kinapitlag ko.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...