Dahlia
Birthday
Naalimpungatan ako ng makarinig ng tawanan sa labas. Nagtaka pa ako ng makitang nakahiga ako dito sa katre ko at wala na si Colorad.
Agad akong bumangon at hinanap ito sa labas pero wala na ang anino niya.
"Ate, sinong hinahanap mo?" Napatingin ako kay Rose bago umiling.
"Wala." Bumalik ako ng silid at naupo dun. Kinuha ko ang unan at inamoy iyon bago niyakap.
Napangiti ako nang maamoy ang kanyang bango pero napatigil din at umiling tsaka napasabunot sakin buhok.
Pinagnanasaan ko na naman ang Colorad na iyon.
Humugot ako ng hangin bago tumayo at inayos ang higaan. Matatapos na ako nang tawagin ni Rose.
"Ate, hinahanap ka ni ate Barbie!" Tumango ako dito bago sumunod sa kanya sa labas.
Agad akong nilapitan ni Barbie at mahinang tinampal ang balikat ko.
"Babae! Ano 'tong narinig ko kagabi! Hindi mo daw tinapos ang show?" Nahihiyang napatango ako dito bago siya hilahin sa labas ng bahay.
"Sorry, geng.. may nangyari kase." Sinamaan lang ako nito ng tingin bago nilahad sakin ang isang sobre na agad ko naman kinuha at binuksan iyon.
"Iyan lang ang binigay sayo. Hindi ka pa nga sana bibigyan kaso nagmamakaawa ako ng bongga dahil alam ko naman na kailangan mo ng pera!" Napangiti ako sa kanya at mabilis na niyakap.
"Maraming salamat talaga, geng!" Umiling naman ito sakin.
"Pasalamat ka at kaibigan kita! Siya, magpapaalam na'ko. Bye, mega!" Umalis na ito at naiwan naman nakatitig sa sobre na limang libo ang laman.
Kahit papaano ay may pera na akong pambili ng pagkain at gamot ni nanay.
Sabado ngayon at walang pasok ang mga kapatid ko kaya naisipan na'min maglinis ng bahay. Matagal na rin nung nalinisan ito kaya tambak na ang mga alikabok.
Naglilinis ako dito sa silid ko nang mahulog bigla ang mga id ni Colorad na naipatong ko lang pala sa ibabaw ng kabinet ko.
Kinuha ko ang mga iyon at tinitigan. Driver's license, visa card, voter's id, tin id, umid, Hunstman laboratory code, Hunstman security code, Dark market code. May itim na card pa ang nakalagay dito na may nakatatak na mga numero at kanyang buong pangalan at pirma.
Kaya gustong gusto nitong mabawi ang kanyang pitaka ay dahil nakapaloob dun ang mga mahalagang id niya.
Nilagay ko ang mga ito sa maliit na kartoon at tinago sa loob ng kabinet ko pero natingnan ko muna ang address niya doon.
Esteban condominium building, unit 295.
Tinandaan ko iyon para kapag may oras ako ay pupuntahan ko para maibalik ang mga id nito.
Kakapalan ko na lang ang mukha ko kahit may atraso ako dito.
KINAHAPUNAN, ay pahinga muna ako sa pagnanakaw dahil may bago akong raket na susuongin.
Kasama ko ngayon dito sa loob ng van ang mga tropa ko sa aming kanto. May disenteng trabaho ang mga ito bilang crew/ waiter sa isang catering services.
Nangangailangan ng isang tauhan kaya ako ang nirekomenda ng mga ito. Tinuruan naman nila ako kung ano ang dapat kong gawin na madali ko naman natutunan.
Sa isang magarang bahay huminto ang van. Lumabas kaming pito at maingat na nilabas ang mga pagkain papasok sa loob. Bago makapasok sa loob ay hinanapan kami ng id ng guard.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...