Dahlia
Loss Home
Nagtaka ako ng dito sa mataas na bangin inihinto ni Colorad ang sasakyan nito at hindi ko alam kung anong lugar ito pero nasa labas na ito ng Manila.
Lumabas si Colorad kaya sumunod ako sa kanya na kinasalubong ng mga kilay nito habang nakatitig sa'kin at hindi na umimik.
Simoy ng malamig na hangin agad ang sumalubong sa katawan ko na kinangiti at pikit ko.
"Nasaan tayo?" Tanong ko habang sumusunod sa lakad nito sa may bahaging unuhan.
"In my heaven." Usal nito ng huminto sa paglakad at nasa unahan ang titig nito.
Tumabi ako sa kanya at tumingin din sa harap. Nasa itaas kaming bahagi at sa baba ay madilim kaya hindi ko kita kong ano ang nandoon at kung gaano iyon kalalim.
"Heaven ba ang ngalan nitong lugar?" Hindi ito umimik at nakapamulsang nakatitig lamang sa unahan. "Itong lugar ba ang ipapakita mo sa'kin?"
Tiningnan ako nito bago nagkibit balikat.
"Oo at hindi." Kumunot ang noo ko pero tumingin muli ito sa unahan.
Natahimik na lang din ako at pinagmasdan ang paligid. Pero ilang sandali lang ay may nakita akong mga munting liwanag na gumagalaw sa ilalim nitong bangin.
Ang madilim na bahaging iyon ay unti unting nagliwanag at parang sumasayaw iyon papaitaas dito sa aming gawi.
Kita ko tuloy kung ano ang nasa ilalim nun at napaawang sa pagkamangha ang bibig ko ng makita ang malapad na taninam ng mga sunflower at iba't ibang klase ng bulaklak doon.
"Wow! Ang ganda!" Bulalas ko habang nakaturo ang kamay ko doon.
Mga alitaptap na nagbigay liwanag sa madilim at malawak na mga bulaklak nagsisitayuan doon.
Parang langit nga sa ganda ng liwanag doon at nagbigay buhay sa madilim na paligid.
"You like it?" Tumango tango ako habang namamangha pa rin ang mukha ko.
"Sobrang oo!" Nakita kong ngumiti ito bago bumalik sa unahan ang tingin.
Tahimik na'min pinagmasdan ang tanawin sa ilalim habang dinadama ang malamig na hangin. Pero bigla akong napapitlag ng may tumakip sa likod ko at kita kong jacket iyon ni Colorad.
Napakurap ako at lihim namula sa ginawa nito. Lihim din akong napangiti at hinawakan ang malambot na tela ng coat nito.
Tumabi ito sa'kin at napapitlag muli ako ng hawakan nito ang kamay ko.
Titig na titig ito sa mga labi ko bago iyon dumako sa'kin mga mata.
Nakatitig lang din ako sa kanya nang unti unting bumaba ang mukha nito sa'kin.
Hindi ako nakakilos at parang napako lang sa'kin kinatatayuan ng ilang dangkal na lang ang mukha nito.
Hanggang sa tuluyan nitong inangkin ang bibig ko ay hindi pa rin ako nakagalaw.
Napapikit na lamang ako habang gumagalaw ng masuyo ang mainit nitong labi sa'kin bibig.
Napasinghap ako dahilan para makapasok sa loob ng bibig ko ang dila nito at agad nitong sinipsip ang dila ko.
Napaungol ako at napakapit sa damit nito ng maramdaman kong parang lumalim ang halik nito.
Naitulak ko ito sa pagkabigla ng maramdam kong gumapang ang isa nitong kamay sa dibdib ko.
Habol ang hiningang napaiwas ako ng mukha ng makitang nagsalubong ang mga kilay nito na para bang nabitin sa paghalik sa'kin.
"G-gabi na, Colorad.. umuwi na tayo." Narinig ko ang malalim nitong hininga bago tumango at nauna na itong lumakad.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...