Dahlia
He's Enjoy Teasing Her
Ilang beses na akong napapangiti dahil sa mga empleyadong madadaanan na'min dito sa mahabang pasilyo kung saan ay kasama ko ngayon si Colorad dito sa sinasabi niyang Home for the Children.
Isinama niya ako sa pag turn- over ng mga bata dito. Simple lang pero maganda ang view ng paligid na angkop para sa mga bata. May mini play ground sa gitna nitong nilalakaran na'min.
May nakita din akong silid na kung saan ay pwedeng makapag-aral ang mga bata. Sa katabi nitong silid ay isa namang library, na kita kong maraming mga bata ang nandoon.
"A-aray!." Daing ko ng mabunggo ang mukha ko sa matigas na bagay.
"Careful with your step." Mabilis kong natingnan si Colorad dahil likod pala niya iyon na mataman akong pinagmamasdan.
Mabilis kong iniwas ang mukha ng maalala ang nangyari kanina at hindi maiwasan ng mukha ko ang mamula.
"P-pasensya.." Tinalikuran na ako nito na kinahinga ko ng maluwag bago sumunod sa kanya na umakyat sa di- kataasang hagdan.
Pumasok kami sa isang silid kung saan ay ang main office. Ang inaasahan kong namumuno sa lugar na ito ay may edad nang tao pero ang bumungad sa'kin na nakaupo sa gitna ng lamesa ay isang maganda at sopistikadang babae.
Nakasuot ito ng formal na damit na hapit sa katawan nito at litaw ang kanyang kagandahan. Light make-up lang ang nakalagay sa mukha nito na lalong nagpalitaw sa kanyang ganda.
Tumayo ito ng makitang pumasok kami sa loob ni Colorad. At sa malamang ay kay Colorad ang atensyon nito.
"Hi, Mr. Hunstman. Nice to see you here." Sabi ng babae bago nag-angat ng palad nito sa harap ni Colorad.
"Yeah." Tipid na sabi ni Colorad bago nito kinuha ang palad ng babae at nagshake- hands silang dalawa. Lumapad ang ngiti ng babae at mas litaw ang kagandahan nito.
Matangkad ito at siguro ay magkaseng-edad lang sila ni Colorad.
"I heard that you brought street childrens?" Tanong nito bago iminuwestra ang kamay sa upuan na sinasabing maupo si Colorad doon.
Naupo naman ito habang nasa gilid ako at nakatingin lamang sa kanilang dalawa na nag-uusap.
Napasulyap sa'kin ang babae at kita kong kumunot ang noo nito at sinisino ako.
"And, who's she?" Tumitig pa ito sa'kin bago binalik kay Colorad ang kanyang tingin.
"My personal assistant. Dahlia Romero." Lihim naman akong kinikilig sa paraan ng pagbanggit ni Colorad ng pangalan ko.
Para bang maganda pakinggan mula sa kanyang bibig at tono pa lang ng pangalan ko ay dumadagundong na itong dibdib ko sa tuwa.
"Oh! Hi, miss Romero!" Parang peke ang ngiti nung babae sa'kin kaya tumango lang ako. Natuon na ang pansin nito kay Colorad.
Bakit na naman ako naiinis?
Sa paraan ng pagkakangiti nito kay Colorad ay naiinis talaga ako. Nakaikot nga ang mga mata ko ngayon sa babae ng lihim.
Bakit ba maraming babae ang umaaligid kay Colorad?
Napatitig ako kay Colorad at natulala na lang sa kagwapuhan niya. Kunsabagay, ganito ba naman ang nasa harap mo ay talagang mapapalaway ka sa gwapo niya at kakisigan.
Mayaman na at pinagpala pa ng kagwapuhan. May maganda pa'ng ugali na ipagmamalaki mo. Ano pa nga naman ang hahanapin mo sa isang Colorad Ermis Hunstman.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
Fiction généraleColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...