COLORAD
He's Crazy In-Love
"Dad, bakit naparito kayo?" Bungad kong tanong sa Ama ko nang makalabas ako, nakadekwatrong nakaupo ito sa swivel chair ko.
Nakangising nakapalumbaba ito habang iniikot ang upuan at mataman akong pinagmamasdan.
"Bawal na ba bumisita ang Ama mo, Son?" Nakakaluko nitong bigkas, kinuha ang ballpen at nilalaro sa kanyang kamay.
"Tsk. Wrong timing naman ang punta mo—" Napatigil ako sa pagsalita ng humalakhak ito.
Tsk. Nang-iinis na tawa. Tumigil din ito bago tumikhim nang makita ang kunot noo kong mukha.
First time na dumalaw ang Ama ko dito sa kompanya pero sinira naman ang momentum na'min ni Dahlia.
Tsk. Sarap sapakin at ihagis sa pinto ng Ama ko!
"May naalala lang akong eksena, with your Mom." Lumapad ang pagkakangisi nito sa kung ano ang iniisip nito ngayon.
Walang duda na ang Ina na'min iyon.
Walang duda na sa Ama din kami nagmana, pagdating sa pagmamay-ari na'ming babae. Over possessive and Obsess, at kay Dahlia ko lang naramdaman iyon.
Ngayon ko lang din naunawan ang mga nararamdaman ng mga baliw kong kakambal at iba pala ang pakiramdam na mabaliw sa babaeng mahal mo.
Mas malupit pa sa droga.
Akala ko noon ay baliw lang kung mabaliw ka sa pagmamahal, gaya ng mga kakambal ko, pero ngayon ko napatunayan na mababaliw ka nga talaga kapag hindi mo nakita iyong babaeng kinababaliwan mo.
Gaya ng mga nararamdaman ko kay Dahlia. I know I'm crazy in-love with her, she must also accept that love.
"Sabihin mo na ang pakay mo." Pasuplado kong pahayag na kinatango na nito pero hindi mawaglit ang ngisi.
"Tsk. Atat na atat ang binata kong palayasin ako." Naiiling na parinig nito at halatang iniinis ako ng Ama ko.
Naupo ako sa harap nito at napadekwatrong nagkibit balikat.
"Marami akong tatapusin." Biglang pagngisi ko nang maalala si Dahlia.
Shit. Tinatalaban na naman ako ng init ng katawan nang maalala siya. Tanging siya lang talaga ang pumupukaw ng pagnanasa ko.
"Tsk. Alam ko kung ano ang tatapusin mo. Bigyan mo rin ako ng maraming apo, Anak." Napapitlag ako ng mariin pinisil ni Dad ang balikat ko at muntik na akong mapaubo sa sinabi nito.
Tumikhim ako bago sumilay ang kakaibang ngisi sa'kin mukha.
"Coming soon." Tinapik tapik nito muli ang balikat ko bago ito umayos ng upo, habang ako ay iniisip pa rin si Dahlia.
She's mine only, at hindi na makakawala sa'kin.
"Pinapunta ako ng Ina mo dito para sabihin na dumalaw ka sa bahay. Matagal ka nang hindi dumadalaw doon at para sabihin na rin na birthday ni Heriese sa ikalawa, iyong baliw mong kakambal ay magpopropose kay Abrielle sa araw na iyon." Mahabang sabi ni Dad na kinatango ko at iling ng maalala ang baliw na si Conan.
Noong nasa mission kami ay bukang bibig lagi si Abrielle, ako na ang naiinis at hindi na ito pinapansin, kahit agaw buhay na ang loko ay gusto pa talagang umuwi para makita lamang si Abrielle.
Tsk. Baliw na baliw din talaga ang kambal kong iyon.
Maybe, nasa dugo na na'min mga Hunstman ang mabaliw sa babaeng kanya na'ming mahal.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...