DAHLIA
Explanation
"Na baka iwanan mo dahil buntis na ako." Mabilis napakalas si Colorad sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
Titig na titig siya sa mga mata ko. Puno ng emosyon ang bumabalot doon.
"Ako ang mas natatakot na baka madagdagan ang anak na'tin diyan sa loob ng tiyan mo kung hindi ko makontrol ang sarili ko." Sinamaan ko ng tingin ang kanyang sinabi.
Akala ko ay nagbibiro lamang siya. Pero natigilan ako ng makitang seryoso at walang bahid ng kalokohan ang bawat salita niya.
Kinilabutan ako sa tagos ng pagkakatitig sa'kin ni Colorad. Napaatras ako pero mabilis nitong nahapit ang beywang ko.
"C-colorad.."
"Baliw akong nagmamahal sa'yo, Dahlia. I love you." Hinalikan niya muli ang noo ko pababa sa'kin labi. Pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap. Dama na'min ang tibok ng aming puso.
"Nasaan na pala ang damit na'tin? Hindi ko makita." May tinuro siya kaya napatingin ako sa labas. Nakita kong nakasampay sa maliit na puno ang aming mga damit.
"Kumain ka muna may dala akong prutas." Iginaya niya ako paupo sa katre. Nakita kong may dala siyang saging at manggang hilaw. Napalunok ako ng makita ang mangga.
"Saan mo ito napitas?" Binalatan niya ang isang saging bago binigay sa'kin. Napangiti ako at kinain iyon.
"Diyan lang sa tabi. Sa susunod huwag kang lumayo para hindi ka maligaw. Pinag-alala mo ako ng husto." Marahan akong napatango. Ramdam ko ang pag-alala sa boses ni Colorad.
"Salamat." Kinuha ko muli ang binigay niyang saging at kinain. Nakita kong binabalatan niya ang manggang hilaw gamit ang maliit na kutsilyo na dala niya.
Kumuha ako ng isang saging at binalatan iyon bago isubo sa kanyang bibig. Nangunot ang noo nito sa'kin.
"Huwag mo akong intindihin, mas kailangan mong kumain para sa anak na'tin." Napangiti ako sa kanyang sinabi. Naantig ang puso ko ng marinig mula sa kanyang bibig ang salitang 'anak na'min'.
"Ang dami naman nito at hindi ko mauubos. Kailangan mo kayang kumain. Paano mo kami mapropotektahan ni baby kung wala kang lakas laban sa mga mababangis na hayop dito?" Mahaba kong sabi na kinatigil nito at napatingin sa'kin.
Nakangising inisang subo nito ang saging na kinangiti ko din.
Pinagsaluhan naming kainin ang dala niyang prutas. Masaya ako na bati na kami ni Colorad. Magaan ang pakiramdam ko at wala na ang tinik sa dibdib ko.
Sobrang saya ko din na malaman na buntis ako sa anak na'min ni Colorad.
"Mamaya na tayo bumalik. Hamog pa iyong mga damit na'tin." Sabi ni Colorad, nang makabalik dito sa loob.
Naupo siya sa tabi ko at hinapit ako palapit sa dibdib niya. Nailang pa ako dahil sa hubad baro siya pero langhap ko ang natural niyang bango.
Tahimik kong Pinapakiramdaman ang tibok ng kanyang puso. Habang siya ay hinahaplos ang aking buhok.
May nais akong sabihin na bumabagabag pa rin dito sa'kin isip pero nahihiya akong sabihin. Pero hindi ako panatag kapag hindi ko ito naitanong kay Colorad. Nais kong malinawan.
Napabuntong hininga ako. Ramdam kong napatigil si Colorad at tinitigan niya ako. Kunot noo ang mukha nito.
"Anong problema?" Napaayos ako ng upo habang pinipisil ang mga palad ko. Tinitigan ko si Colorad. Sinalubong din niya ako ng matiim na mga tingin.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...