Chapter 9

25.6K 874 117
                                    

Dahlia

His Offer

Araw ngayon ng linggo kaya inaya ko ang mga kapatid at si nanay na magsimba. Minsan lang kami magsimba kaya lubusin ko nang kasama ang pamilya ko.

Kakalabas lang namin ng pinto nang sumulpot sa harap ko sa Jessie na bihis na bihis at mukhang may lakad.

"Hi, Dahlia! Saan ang lakad niyo?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Magsisimba. Ikaw saan ang lakad mo mukhang may pinopormahan ka ah!" Napakamot ito sa batok.

"Aayahin sana kitang magsimba pero magsisimba din pala kayo kaya sumabay na kayo sakin." Agad naman nagsi-unahan sa pagsang-ayon ang mga kapatid ko na nauna nang lumakad habang tinulungan ako nitong akayin si nanay.

Sumakay kami sa magara nitong sasakyan at tuwang tuwa ang mga kapatid kong ngayon lang nakasakay sa kotseng ito.

"Wow, kuya Jessie! Ang lamig po dito!" Humiyaw na paghanga ni Cactus habang nililibot ang tingin sa kabuuan nitong kotse.

Kanina pa nito bukang bibig ang paghanga sa kotse ni Jessie.

"Cactus, tumahimik ka nga." Suway ko na kinatahimik naman nito.

Siniko ako ni Jessie na nasa manibela at nagmamaneho.

"Hayaan mo na ang kapatid mo. Ganya talaga ang bata." Sinamaan ko lang ito ng tingin bago tumingin sa unahan.

Pagkarating sa simbahan ay hindi pa nagsisimula ang mesa kaya nakahanap kami ng upuan sa unahan.

Sunod sunod din na dumating ang mga tao.

"Look who's here. Hi, Dahlia!" Agad kong natingnan ang boses na iyon at natigilan ako nang makita ang lalaki sa party kasama nito ang matanda at ang malditang babae na todo kapit sa braso ni Colorad na seryoso akong tinitigan.

Napaiwas ako ng tingin dito at bumaling sa lalaking umupo sa tabi ni Jessie habang nakangisi sakin. Nakakunot na mukha naman ang nakita ko kay Jessie at gusto na yatang sapakin si Steve na wala naman pakialam sa katabi.

"Is this your family?" Mahina nitong bulong na mabilis sinulyapan ang mga kapatid ko at si nanay.

Tipid akong tumango habang nakatingin sa unahan pero sa gilid ng mata ko ay kita kong nakatitig sakin si Colorad.

"Oo." Sa totoo lang ay gusto ko nang higitin palabas ang mga kapatid ko at si nanay dahil sa presensya ng mga ito. Lalo na ang seryosong mga titig ni Colorad sakin na kinaiwas ko agad.

Naupo ang mga ito sa kabilang hanay ng upuan at umalis na rin si Steve at doon umupo sa unahan.

"Kilala mo ba ang walang modong iyon?" Mahinang kalabit sakin ni Jessie na kinatango ko lang ng tipid.

"Hm." Hindi na ito nagtanong at tumahimik na rin.

Nagsimula ang misa hanggang sa matapos ang seremonya.

"Tara na, Dahlia." Napapitlag ako nang hawakan bigla ni Jessie ang isa kong kamay ng makatayo ako.

Napatingin ako sa direksyon nila Colorad at kita kong nakatitig ito sa kamay kong hawak ni Jessie. Ganoon din si Steve habang inirapan naman ako ng malditang babae.

Hindi na ako nakapagprotesta nang hilahin ako nito habang inaakay ko naman si nanay.

Dinala kami ni Jessie sa isang restaurant na tinanggihan ko dahil ang mahal ng mga pagkain doon pero todo pumilit ito na libre daw niya kaya wala na akong nagawa pa.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon