Chapter 36

20.8K 787 74
                                    

DAHLIA

Hurting

Kanina pa ako nakabalik dito sa loob ng silid. Matapos kumain ay dumiretso agad ako dito. Nagpaalam lang ako kay Heresa na masama ang pakiramdam ko, kahit alam naman nito ang nararamdaman ko. Nagpasalamat ako na naiintindihan ako ni Heresa. Naalala ko ang sinabi niya kanina.

"Nagseselos ka dahil mahal mo ang isang tao. At kasama sa pagmamahal ang masaktan. Pero handa kang ipaglaban iyon at hindi susukuan ang mahal mo."

Nagseselos ako dahil mahal ko si Colorad. Nasasaktan ako dahil nandoon siya sa ibang babae. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila ngayon pero sa isipin na masaya silang magkasama ay lalo lang nadagdagan ang kirot sa dibdib ko.

Sana tumutol na lang ako na hindi papayag na kunin nito si Colorad mula sa'kin, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Nandito pa sa tabi ko si Colorad.

Kumawala na naman ang mga luha ko. Napahiga ako habang humihikbi.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad kong napunasan ang mga mata ko. Nagpasalamat akong nakatalikod ako mula sa pinto.

Narinig ko ang mabibigat niyang mga hakbang. Pumikit ako at hindi gumalaw. Naramdaman ko ang paghiga niya sa likod ko. Napapitlag ako ng yapusin niya ang beywang ko palapit sa kanya.

"I know you awake, Love." Mariin kong pinikit ang mga mata ko sa mainit nitong hininga na tumatama sa tagiliran ng leeg ko. Ramdam ko na hubad ang pang-itaas niyang katawan.

Siguro kanina pa ito nakahubad. Binabalandra ang katawan niya sa harap ng babaeng iyon, na childhood sweetheart niya.

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakapikit lamang. Pero napadilat agad ako ng sakupin at pisilin ng isa nitong palad ang kanang dibdib ko, napadaing ako sa kirot.

"Colorad! Ano ba!" Galit kong sambit. Marahas kong natabig ang kamay nito bago umusog palayo sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Alam na alam ko ang pinapahiwatig niya.

Pwes, magdusa siya!

Bigla niya akong itinagilid paharap sa kanya. Umiwas ako ng tingin pero hinawakan nito ang baba ko. Nakasalubong ko ang kunot noo nitong mukha at may galit doon.

"What's your problem?" Nandoon ang pagtitimpi sa boses nito. Pilit kong iniiwas ang aking mukha pero dumiin ang palad nito sa baba ko.

"W-wala, masama lang ang pakiramdam ko. Maligo ka na at magpalit ng damit." Nakaiwas ang mga mata ko pero kita kong matiim ang titig nito sa'kin. Na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Napapitlag ako ng damahin nito ang noo at leeg ko. Nabitawan nito ang baba ko kaya agad akong tumalikod. Narinig ko ang marahas nitong paghinga.

Ilang sandali ay umalis ito ng kama. Narinig ko ang paglabas niya sa pinto. Napakislot pa ako ng sumira iyon ng marahas. Kasabay noon ay tuluyan nang umalpas ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung ano ang inakto ko. Pero ramdam ko na nahalata iyon ni Colorad. Alam ko na malamig ang pinakita ko sa kanya. Nagagalit lang ako at ayoko muna siyang maka-usap.

Ngayon lamang ako nagkaganito. Iyong magalit, magselos, at masaktan. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Alam ko na nagalit si Colorad sa ginawa ko, kaya siya nagdabog. Siguro ko pupuntahan na lang niya ang kababata niya para mag-enjoy.

Sa isiping iyon ay lalo akong napahikbi. Ilang minuto din akong umiyak. Hindi ko nga namalayan ay nakaidlip ako. Nagising lamang ako ng may gumalaw sa likod ko. Habang may humahaplos sa likod ko.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon