Chapter 24

24.3K 935 113
                                    

Colorad

He's On Fire

Nakangising pinagmamasdan ko ang pag-idlip ni Dahlia habang humihilik pa ito'ng nakasandal sa upuan. Sa nakikita ko ay hindi ito komportable.

Maingat ko'ng kinuha ang ulo nito at pinahilig sa'kin balikat. Gumalaw ito at biglang yumakap sa'kin na kinatigil ko sa pagmamaneho.

Kasabay nun ay biglang uminit ang katawan ko sa pagdaiti ng malambot niyang katawan sa'kin.

Damn it!

Pigil ang hininga ko ng sumubsob pa ito sa leeg ko at humigpit ang yakap sa'kin na para bang unan niya ako.

Damn woman! Walang kamuwang muwang sa ginagawa sa'kin.

Marahas akong huminga at hinayaan siyang nakasubsob sa'kin bago patakbuhin ang kotse pero napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko.

Si Dad ang tumatawag sa'kin.

"Dad."

"Come here, Son. We have an urgent discussion." Base sa tono ng boses ni Dad ay mahalaga iyon.

"Okay." Iyon lang at tinapos na ni Dad ang tawag.

Natingnan ko si Dahlia na himbing na'ng natutulog. Napahinga ako ng malalim bago kinambiyo pakaliwa ang kotse at tinahak ang daan.

I don't want to bring Dahlia with me but it's an urgent called from Dad and I think it's an important matter.

Napahinga ako ng malalim bago pinausad ang kotse at ilang minuto ay nakarating kami sa Dark Market. Saktong napamulat ng mga mata si Dahlia na agad napatingin sa'kin bago ito umayos ng upo na parang walang may ginawa sa'kin.

"N-nasaan tayo, Colorad?" Nagtatakang napalinga ito sa paligid bago tumingin sa'kin.

"Dark Market." Kumunot ang noo nito at bago pa ito magsalita ay binuksan ko na ang pinto at lumabas doon at kita kong sumunod itong lumabas na kinailing ko na lang.

Agad siyang lumapit sa'kin at napapitlag ako sa gulat ng bigla niyang inilapit ang mukha sa'kin na kinapigil din ng hininga ko habang nakatihin ito at nakadikit ang malambot niyang katawan.

"May ilegal ka bang transaksyon dito?" Napapikit ako at kumuyom ang magkabilang kamao dahil sa mainit nitong hininga kasabay ng pagdaloy ng kilabot sa'kin kalamnan.

Ilang minuto akong nakapikit at pigil ang sarili sa babaeng ito na hindi alam kung ano ang ginagawa sa'kin ngayon.

Dumilat ako at matiim tinitigan ang mga matang nagtataka ang tingin. Napahinga ako ng marahas bago hawakan ang baba nito at pinisil iyon.

"Huwag ka nang magtanong, may kakausapin lang ako dito." Kita ko ang pilit nitong pagtango at nagdududa sa sinabi ko at hindi ko alam kung paano nito nalaman na may koneksyon sa mga ilegal ang lugar na ito. Siguro ay dahil kahinahinala ang mga taong makakasalamuha mo dito.

"Mr. Hunstman—"

"She's with me." Walang emosyon kong tinitigan ang kaharap ko bago ito tumango.

Mabilis ko nang nahila ang kamay ni Dahlia na kinapitlag nito at iginaya ito kung saan ang silid ko dito. Binuksan ko ang pinto nang bigla itong magpumiglas at lumayo sa'kin.

"C-colorad! H-huwag mong gawin ang binabalak mo kundi magagalit ako—"

"Kung may binabalak ako, matagal ko nang ginawa." Nakita kong natigilan ito at napakurap ng ilang beses bago kimi na ngumiti.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon