Dahlia
His Heaven
Pagkapasok ko pa lang sa entrada ng gusali ay rinig ko agad ang mga usapan tungkol sa nangyaring events kagabi. Ang iba ay nayayamot pero ang karamihan ay kinikilig ang mukha. Pansin ko pang ang ilan ay namumula ang mukha habang nakatingin sa ilang mga kalalakihan.
Lihim na lang akong napangiti bago dumaan sa gilid ng nag-uumpukang empleyado.
Kapag nagkataong mahuli sa ganitong eksena ni Colorad ang mga empleyado niya ay tiyak akong magpapagawa agad ng explanation letter iyon.
Dumiretso ako sa opisina nito at ginawa ang gawain ko.
Ilang sandali ay pumasok si Analyn na agad akong nilapitan habang may nanunuksong ngiti ang nakapaskil sa mukha nito.
"Hi, Dahlia! Kamusta ang bagong gising?" Tumaas baba ang kilay nito sa panunukso sa'kin at ng matanto ko kung anong ibig sabihin ng mukha niyang iyon ay agad naman uminit ang mukha ko.
Yumuko ako at nagkunyaring abala sa mga papeles na pipirmahan ni Colorad.
Sa pagsambit ko sa ngalan nito ay biglang lumitaw sa isip ko ang naganap na halikan sa'min kagabi.
Kinilabutan ako at iwinaksi ang eksenang iyon.
"Namumula ang iba.." Tikhim na pasaring nitong si Analyn.
"Tumigil ka nga. Mas masahol pa tiyak ang ginawa ni Kyle sayo." Lumapad ang ngiti nito habang may iniisip na tiyak akong si Kyle.
Okay lang naman maglandi ang babaeng ito dahil nobyo naman nito si Kyle. Pero sa kaso ko ay wala kaming relasyon ni Colorad.
Jusko! May nobya pa 'yong Colorad.
Mabilis na lumabas si Analyn nang bumukas ang pinto ang iniluwa si Colorad, na kumikinang ang kagwapuhan sa mga mata ko.
Dagdag appeal ang salamin nito sa mata.
"Good morning, Mr. Hunstman!" Tinanguan lang nito si Analyn na bumaling pa sa'kin bago ito lumabas.
Napatayo naman ako at agad itong binati.
"Good morning, Sir." Napatayo ito sa harap ko at tinitigan ako na kinakurap ko ng ilang beses.
"Pakihanda ito." Natingnan ko ang nilahad niyang isang plastic topper ware na may laman na pagkain sa loob. "Maraming inihanda si Mom, kaya pinabaonan ako."
Tumango ako bago iyon kinuha at dinala sa may kusina dito sa loob ng opisina.
Pagkabukas ko sa topperware ay sumalubong agad ang amoy ng pagkain na kinapikit at ngiti ko pero agad nawala iyon ng marinig ko ang mga yabag ni Colorad.
Mabilis kong inayos ang mga ito sa plato saktong naupo ito sa bangko. Akma naman akong aalis ng matigilan.
"Sabayan mo 'kong kumain." Napatitig ako sa kanya bago sa mga pagkain nasa harap ko.
"K-kumain na ako, Sir!" Nag-angat ito ng tingin at tumaas lang ang kilay bago minuwestra ng mga mata ang pagkain.
Hindi ito nagsalita at nagpatuloy sa kanyang pagkain.
Lakas loob naman akong naupo sa harap nito at nagsimula na din kumain.
"Last night.." Bigla akong napaubo ng mabanggit nito ang salitang kagabi na alam ko kung ano ang pinupunto nito.
Mabilis kong nakuha ang tubig at ininom iyon habang hinihimas ang dibdib ko. Pero naiilang ako sa titig ni Colorad sa'kin.
"A-ang sarap po ng luto ng Ina niyo, Sir!" Pilit ang ngiti ko sa harap nito para maiba ang usapan dahil pakiramdam ko ay umiinit iyon kung uungkatin nito ang nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...