Chapter 22

23.9K 792 66
                                    

Dahlia

Ice Cream Pa More

Hiyang hiya ako sa nangyari kanina at malamang ay kung ano ano na ang iniisip nito tungkol sa'kin. Baka isipin pa nitong pinagpapantasyahan ko siya—hindi maaari iyon. Nakakahiya oras na malaman nito ang laman ng kokote ko. Tiyak sasabunin ako ng tukso ni Analyn kapag nalaman ito. Pero hindi ko naman ito sasabihin kay Analyn. Ang babaeng iyon na madaldal din.

Tahimik lang na nakaupo ako dito sa isang lamesa kung saan ay masinsinang nag-uusap si Colorad at isang matandang lalaki na kadeal nito ngayon. Nasa gilid ang kanilang lamesa habang ako ay mag-isang nakaupo dito sa hulihang lamesa.

Mamahaling restaurant ito kaya mangilan ngilan lang ang kumakain pero maganda at maayos ang serbisyo na talagang mabilis kang ini-entertain ng mga empleyado. Pero sobrang mahal pa din ng mga pagkain dito pero sulit naman ang ibabayad mo dahil masasarap lahat.

Pero hindi pa ako nakakatikim ng mga pagkain nila dito. Nakita ko lang sa mga litratong nakapaskil at sa menu list nila. Naglalaway na nga ako ngayon sa mga litrato nila at iniwas ko na lang mapatingin doon. Dagdag gutom lang sa'kin ang mga iyon.

Kailan pa kaya matatapos ang pag-uusap nila Colorad para makakain na kami at nang matikman ko na ang mga pagkain dito.

Kanina pa nag-uusap ang dalawa at magtatanghali na ay hindi pa sila tapos. Mukhang mahalaga ang pinag-uusapan nilang dalawa. Hindi nga ako sinama para magtake-down notes.

Ano kaya kung lumabas muna ako?

Matagal pa naman siguro ang kanilang pag-uusap. Kinuha ko ang dalang bag bago tumayo at lumabas ng restaurant. Napalibot ang tingin ko sa paligid at wala man lang akong may nakitang mga tiangge na maaari kong tambayan. Building lahat ang nakikita ko dito.

Lumakad lakad na lang ako hanggang sa mapaliko ako sa isang kanto. Ilang hakbang ang nilakad ko bago nakakita ng isang tiangge.

Napangiti ako at lumapit doon. Kumuha ako ng singkuwenta bago iabot sa tinderang nakaupo sa harap ng paninda nito.

"Softdrink po at dalawang biscuits." Sabi ko habang tinuturo ang kakainin kong biscuit. Ilang sandali ay inabot na iyon ni Manang. "Salamat po."

Nakangiting naupo ako sa gilid at nagpasalamat muna bago akmang kakainin ang binili ko nang may isang pares na kamay ang siyang lumitaw sa harap ko.

Nakaawang ang bibig kong napatingin sa isang batang lalaking madungis na nakatayo sa harap ko at nagmamalimos sa'kin. Sirang mga damit din ang suot ng bata at nakakaawang tingnan.

Ngumiti ako sa kanya bago ko inabot ang hawak kong biscuit na mabilis nitong nakuha bago ako talikuran. Naalala ko tuloy ang sarili ko noong kabataan ko. Ang hirap din noon ng pinagdaanan ko sa gitna ng kalsada. Nagmamalimos din ako noon ng pagkain kung wala kaming pagkain sa isang araw. Pero madalas akong magnakaw ng mga pagkain noon kapag hindi ko na kaya ang gutom.

Sa musmos kong edad noon ay hindi ko kakayanin ang magutom sa isang araw o higit pa nga sa isa. Kung minsan kase ay nakakautang kami ng pagkain pero madalas ay hindi dahil sa laki na ng utang na'min sa tindahan. Hindi din naman kalakihan noon ang mga nananakaw nila Tatay.

Pero nagpapasalamat pa rin ako na kinaya kaming buhayin ng magulang ko kahit naunang pumanaw si Tatay dahil sa pagbaril sa kanya ng mga pulis. Kahit sa ilegal na gawain kami binuhay. Pero ngayon may trabaho na ako ay hindi na iyon mauulit. Bubuhayin ko ang pamilya ko sa mabuting paraan at mas todo kayod ako ngayon para makahanap na kame ng malilipatang bahay. 

Pero hindi ko naman sinisisi ang mga magulang ko o ang makaramdam ng galit sa kanila dahil sa pinagdaanan naming hirap noon. Bagkus ay pinatatag ako ng karanasan ko.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon