Chapter 47

20.1K 755 51
                                    

DAHLIA

Buyer

Pagkaalis ni Colorad para pumasok sa trabaho ay agad din akong nag-ayos. Saktong pagkaalis kase ni Colorad ay tumawag si Bay, nakilala na daw nito kung sino ang Buyer sa wallet ni Colorad.

Nagpaalam ako kila Nanay na sasaglit dahil may pupuntahan ako.

Nagpahatid ako sa taxi patungo sa China Town. Pagkarating ko ay nagbayad ako bago bumaba. Tinungo ko ang pwesto ni Bay.

"Magandang umaga, Bay!" Bati ko pagkakita sa kanya. Napapitlag pa ito dahil sa boses ko.

"Kabuang simo babaye ka! Ginulat mo na naman ako!" Sabi nitong napapahawak pa sa kanyang dibdib.

Napangisi ako sa kanya.

"Excited na kase akong malaman kung sino ang nakabili ng wallet ko!" Nakaharap ako sa labas ng pwesto nito habang nag-uusap kami.

"Saglit lang at kukunin ko ang kanyang address." Nakita kong may hinahalungkat si Bay sa kanyang bag. "Itong address ng Buyer."

Kinuha ko iyon mula sa kanya at tiningnan ang papel. Natigilan ako ng pamilyar sa'kin ang lugar.

"Paano mo ito nakuha, Bay?" Nagtataka kong tanong.

"Kahapon ko lang nakita na may logbook pala ako ng mga taong bumibili ng mga mamahalin kong wallet." Napatango tango ako sa kanya bago sinilid sa bag ko ang papel.

Dumukot muna ako sa'kin kaheta.

"Bay, pang mireyenda mo." Abot ko sa kanya ng limang daan. Agad nagningning ang mga mata nito.

"Naku, ang bait mo talaga, Dai! Salamat." Nagpaalam na rin ako kay Bay at hindi na nagtagal pa.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa nakasulat sa papel. Pagkababa ko ng taxi ay agad akong napatingala sa mataas na building.

Hunstman International Hotel.

Sa ikalawang pagkakataon ay narito muli ako. Sariwa pa sa isip ko ang mga kaganapan noon noong ako'y nandito.

Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Lumapit ako at nagtanong sa may Reception area, hawak ang papel sa'kin kamay.

"Good morning, Ma'am. How may I help you?" Nakangiting bati sa'kin ng Receptionist.

"Hello, Miss. Itatanong ko lang sana kung nasaan ang room number ni Mr. Simre Namtsnuh?"

"Saglit lang po, Ma'am." Tumango ako bago tumuon ang pansin nito sa monitor ng computer.

"Mayroon pong nakacheck-in dito, Ma'am." Napalaki agad ang mga mata ko sa tuwa.

"Talaga? Pwedeng mahingi ang room number niya, Miss?" Tinitigan ako ng Receptionist. Parang sinusuri kong ano ang motibo ko na para bang may gawin akong kahinahinala.

Hindi ko naman ito masisi dahil kasama iyon sa trabaho nito.

"I'm sorry, Ma'am. Hindi po kami nagbibigay ng details sa mga nakacheck-in dito sa Hotel." Hinging paumanhin sa'kin ng Receptionist.

"Importante kase na makita ko siya, Miss. May mahalaga akong sasabihin sa kanya." Pagsusumamo kong tingin dito. Kailangan kong makita ang taong bumili ng pitaka ni Colorad, para mabawi ko iyon mula sa kanya.

Wala man akong dalang pera na malaki pero sapat na siguro ang naipon kong pera mula sa sweldo ko kay Colorad.

Nandito lang din ako ay lubos lubusin ko na ang ipinunta ko dito.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon