Dahlia
Wrong Move, Dahlia
Tinuon ko ng todo ang pansin ko sa ginagawa at hindi man lang sinusulyapan ang gawi ni Colorad na pinagsalamat kong hindi naman ito nagtanong sa pananahimik ko.
"Dahlia." Mabilis kong natingnan ang gawi nito nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Yes, sir?" Kumunot ang noo nito.
"Pakitawagan ang numerong ito. Use my phone." Tumango ako bago tumayo at pinuntahan ito.
"Okay po, sir." Hindi ko pinansin ang pagtitig nito sakin na alam kong nagtataka sa inasal ko.
Kinuha ko ang papel at ang cellphone nito at doon dinala sa lamesa ko bago diniall ang numerong nakalagay sa papel.
Nag-ring iyon ng ilang minuto bago may sumagot sa kabila na boses babae.
"Hello. Sino 'to?" Mabilis kong naibaba ang cellphone bago lumapit kay Colorad at nilahad iyon sa kanya.
"Sir, may sumagot na sa kabila." Tumigil ito sa pagpirma at tinitigan ako na kinayuko ko.
"Sabihin mo bukas ng alas diyes sa Montalban Hotel." Tumango ako at binalik ang cellphone sa tenga ko.
"Hello, maam. Sabi po ni Mr. Hunstman, bukas ng alas diyes sa Montalban Hotel." Narinig ko ang pagsinghap sa kabila na kinangiwi ko.
"Really? Where is he- gusto ko siyang makausap at sino 'to?" Napatitig ako kay Colorad ng umiling ito sakin na parang naintindihan ang pinapahiwatig ng mukha ko.
Na parang nagsasabing gumawa ako ng alibay.
"Sorry po ma'am, nasa banyo si sir Colorad at masakit ang tiyan. Bukas na lang daw po kayo magkita. Bye." Kumunot saglit ang mukha ni Colorad pagkarinig sa idinahilan ko pero napangisi na lang itong napailing sakin.
"Good reason, miss Romero. Bumalik ka na sa lamesa mo." Nilapag ko ang cellphone nito sa lamesa bago bumalik sa lamesa ko at lihim napabuga ng hangin bago bumalik sa ginagawa.
Kinahapunan ay hindi ko inaasahang ipakilala ni Colorad sa ibang mga empleyado.
"She's Dahlia Romero. My personal assistant. Kung wala ako dito sa kanya niyo ipasa ang mga dokumentong pipirmahan ko." Maotoridad na pahayag ni Colorad na kinatango ng mga empleyado pero lihim kong nakita ang pag-irap sakin nung mga babaeng pinagchismisan ako kanina.
"Nandito din naman ako kung wala itong si Colorad. Akong bahala kay Dahlia!" Kinandatan ako ni Steve na kinaasim ng mukha ni Colorad.
Lihim kong pinandilatan si Steve dahil baka kung anong chismis na naman ang aabutin ko sa mga babaeng iyon na retokada at makapal ang make-up.
Dahil sa tambak na mga dokumentong kailangan matapos para maipasa bukas ay nag-overtime ako kasama si Colorad na marami ding pinipirmahan.
Alas diyes din ng gabi nang matapos ang aming ginagawa. Lihim kong inunat ang leeg dahil nangalay ito kakayuko ko.
"Ayos ka lang, Dahlia?" Napatingin ako kay Colorad na tumayo at tiningnan ako.
"Yes, sir! Sa wakas ay natapos din ang mga dokumento para bukas." Kita ko ang pagtango nito bago kinuha ang jacket nitong nakasabit sa sandalan.
"Lumabas na tayo." Nauna na itong lumabas kasunod ako.
"Okay, sir." Kunot noong nilingon ako nito nang makapasok kami ng elevator.
"Kapag kaharap ako huwag mo nang igalang." Utos nito na agad kong kinailing nang maalala ang narinig ko kanina.
"Pero boss kita kaya dapat lang na respetuhin ko at ayoko nang may masabi ang iba laban sakin." Matagal ako nitong tinitigan na kinaiwas ko ng tingin.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...