Chapter 3

28.5K 946 195
                                    

Dahlia

He Knows The Snatcher

"Letse! Hoy! Ibalik mo sakin ang pitaka ko!" Mas binilisan ko ang pagtakbo mula sa lalaking hinahabol ako ngayon. Hindi ko alam na miyembro pala ito ng isang sindikato. Nalaman ko lang nung matingnan ko ang pitaka nito na puno ng sachet ng droga. Isasauli ko sana kaso huli na dahil hinahabol na ako nito ngayon. Malaking tao pa naman ito at handang pumatay ng tao kaya binibilisan ko ang pagtakbo kahit hingal na hingal na ako dahil ayoko pang mamatay. Sa haba ng tinakbo ko ay bigla akong natigilan nang may dalawang lalaki ang nakaharang sa dadaanan ko. Pawang malalaki ang mga katawan at nakangisi sakin at may hawak pa na baril.

"Letse! Luis! Isang bata lang pala ang magnanakaw na ito pero pinahirapan pa tayo sa pagtakbo!" Sabi ng lalaking may mahabang buhok at bigote.

"Wala ka nang takas ngayon g*go ka!" Hingal na hiyaw nung lalaking humahabol sakin. Nakorner nila akong tatlo at wala akong panama sa mga katawan nila pero mas mautak parin ako sa kanila.

"Mga tsong, bata lang ba ang kaya niyong labanan?" Nang-iinsulto kong pahayag na kinasama ng mga tingin nila. Kahit nanganganib ang buhay ko ngayon ay tinapangan ko ang loob baka sakaling matinag ko sila pero lalo ko lang yatang pinalala ang sitwasyon. Kita ko ngayon na mahigpit ang kapit nila sa kanilang mga baril at gusto nang kalabitin ang gatilyo para tapusin ako.

"Aba't!"

"G*go ka ha! Papatayin kita—" Pareho kaming natigilan lahat ng pumaibabaw ang tunog ng pito na galing sa dalawang pulis na patakbo dito sa aming kinaroroonan.

"Nalintikan na, takbo!" Kumaripas ng takbo ang tatlong lalaki kaya napahinga ako ng maluwag pero muli kong narinig ang pagpito ng mga pulis kaya nataranta ako at kumaripas din ng takbo. Sumuong ako sa makitid na eskenita. Napalingon ako ng marinig kong sinusundan ako ng dalawang pulis. Mas binilisan ko ang pagtakbo palabas ng eskenita. Hindi ko pa naman kabisado itong lugar dahil ikalawang beses ko palang ito tinarget at medyo malayo ito sa aming lugar. Pasalamat akong nakasuot ng sumbrero at bihis lalaki ang ayos ko kaya hindi ako mamumukhaan ng mga pulis. Buti nalang din at magaling akong magtago ng sarili.

Hindi ko na alam kung saan na ako dinala ng aking pagtakbo. Napansin ko nalang na nakarating ako dito sa isang paradahan ng mga sasakyan pero agad akong nabahala ng makitang wala na akong matakbuhan pa kaya agad akong napayuko at napatago sa isang sasakyan ng makitang nasa unahan ang dalawang pulis.

Pambihira naman! Mukhang matitigok na ako!

Hiyaw ko sa aking isip.

"Nasaan na ang hinahabol na'tin?" Rinig kong tanong ng isang pulis.

"Nandiyan lang 'yan! Kita kong dito ito tumakbo!" Sabi naman nung kasamahan nito.

Napapikit ako at kinalma ang sarili bago dahan dahan napahakbang sa kasunod na sasakyan ng makita kong papalapit sila sa tinataguan ko.

Jusko! Patawad po!

Napadasal ako ng wala sa oras bago ko sinubukang buksan ang pinto ng kotseng tinataguan ko pero nadismaya ako ng hindi iyon bumukas. Lumipat ako sa kabila pero nakasarado parin ang pinto kaya muli akong napahakbang ng mahina pero natigilan ako at napatakip ng bibig ng makagawa ako ng ingay dahil sa nakaapak ako ng plastic bottle.

"Sir! Nandun!"

Lagot na!

Sinubukan kong buksan ang pinto ng itim na kotse na malapit sakin at laking gulat ko ng bumukas iyon kaya mabilis akong pumasok at sinarado ang pinto. Napasiksik ako sa ilalim ng upuan kasabay ng pagbukas ng pinto malapit sa may manibela at ramdam kong may umupo doon. Akma nitong bubuhayin ang mabibela ng may kumatok sa bintana nito. Mariin kong natakip ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon