Dahlia
New Hope
Matapos kong magbanlaw ay sinampay ko na ang mga damit na'min dito sa ginawa kong sampayan na nasa gilid ng pader. Pero may isang kumot pa akong lalabhan. Marami kami dito ang naglalaba dito sa likod ng auditorium at mabuti na lang ay may puso dito. Kaya lang ay linyahan sa pag- iigib ng tubig.
Matapos kong magsampay ay naupo muli ako at sinimulan labhan ang kumot.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkukoskos ng biglang sumulpot si Rose.
"Ate, may naghahanap sayo!" Nangunot ang noo ko.
"Sino?" Akmang magsasalita si Rose ng biglang sumulpot sa likod nito ang taong hindi ko inaasahan.
"Dahlia." Sabi nito na seryosong nakatitig sa'kin.
"S-sir, Colorad.." Umawang naman ang bibig ko sa gulat at mabilis napatayo. "Anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman—"
Napatigil ako sa pagsasalita ng lumihis ang mga mata nito sa bandang dibdib ko.
Natigilan ako ng maalalang naka-tube duster lang pala ako kaya awtomatiko kong naibaba ang tingin at nagimbal ako ng makitang nakabuyanyang na ang mga dibdib ko dahil medyo lumihis pababa ang garter nito.
Mabilis kong natingnan si Colorad at kita kong tumiim ang mga mata nitong nakatitig pa rin sa dibdib ko kaya mabilis akong tumalikod sabay ayos ko sa'kin suot bago pinagsiklop ang mga braso.
Napapikit ako sa sobrang hiya at buti na lang ay puro babae ang kasama ko dito na pawang nakatingin kay Colorad at parang kinikilig ang ibang kadalagahan sa kanya.
"Kakausapin kita. Sumunod ka." Narinig kong utos nito ng mapatikhim ito.
Tumango ako nang saglit itong sulyapan at naramdaman kong lumakad na ito na kinahinga ko ng maluwag.
Nakakahiya ka, Dahlia.
Binanlawan ko na agad ang kumot at hindi na nagawang maligo pa at mabilis na akong nagbalik sa pwesto na'min at kumuha ng damit para magpalit sa banyo.
Paglabas ko ay hinanap ko sa buong paligid si Colorad pero wala ito.
"Nasa labas si kuya Colorad, Ate." Sabi ni Rose na kinatango ko ng mapansin ako nito.
"Bantayan mo muna si Nanay at mga kapatid mo. Saglit lang ako." Tumango si Rose kaya lumakad na ako palabas ng auditorium.
Paglabas ko ay hinanap ko si Colorad at nakita kong nakatayo ito patalikod sa harap ng kotse nito na nakaparada sa di-kalayuan.
Napatigil ako saglit para humugot ng hangin bago lumakad papunta sa kinaroroonan nito.
Ikalawang araw ngayon na hindi ako nakapasok dahil nitong aga lang ay medyo may sinat si Nanay dahil siguro sa nangyari kahapon kaya hindi ako nakapasok ngayon. Nag-aalala ako sa kalagayan nito at pati sa mga kapatid ko. Idagdag pa ang sitwasyon na'min ngayon.
Kaya siguro inalam ni Colorad kung bakit hindi ako nakapasok at nalaman nga kung nasaan kami at ang sitwasyo ko.
Tumikhim ako ng nasa likod na ako nito para kuhanin ang kanyang atensyon habang hawak ko ng mariin ang mga kamay na medyo nanlalamig sa kaba.
Kinakabahan ako na baka magalit ito sa pag-absent ko ng dalawang araw.
Napaharap ito sa'kin at lumapit. Napakurap ako at kinalma ang sarili dahil bumibilis na naman ang dibdib ko sa presensya nito.
"Nalaman ko ang nangyaring demolisasyon sa inyong lugar. Kamusta ang kalagayan niyo." Tipid akong ngumiti sa pag-aalala nito na pansin ko sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:5- The Cold Hearted Hunstman
General FictionColorad Ermis Hunstman The Cold Son "You're not even my type. But everytime I saw you, why is my heartbeat move so fast?" Pahayag ng binatang Hunstman. Malamig at seryosong tao ngunit nag-iba ito nang dumating ang isang dalaga. Dalagang magpapainit...