"Hoy! can you make turo me sa paglalaro ng tennis?" Gneiss commanded, tinapunan lang siya ng malamig na tingin ni Kian at saka na ulit bumalik sa ginagawa niya.
Araw ng sabado ngayon isang linggo na rin nang makauwi sila dito sa Pilipinas. Sinusulit na nito ang free time niya dahil sa Monday ay papasok na siya sa school, sa mismong school na pinapasukan rin ni Kian.
"I'm not into playing tennis." Kian answered while tying his shoe laces getting ready for he'll get to play basketball in any moment.
"Talaga ba? how about taekwondo? Taekwondo player ka rin ba?" she added.
"No, basketball lang talaga." sagot ni Kian at tumayo na, sinuklay pa nito ang buhok niya gamit ang kaniyang mga daliri. Sa edad na walo ay mapapansin na ang katangkaran nito.
"Sinong Taekwondo player sa pamilya ninyo?" usisa pa rin nito.
Nakaupo lang si Gneiss sa gilid ng ring at hinihintay na magsimulang maglaro si Kian, medyo nagkakasundo na rin sila, ganoon kasi ang habilin ng mga magulang nila. Hindi naman totally cold talaga si Kian malamig lang siya tumitig pero kakausapin ka naman talaga niya ayon nga lang asahan mong blank expression ang matatanggap mo. Pinaglihi yata siya sa sama ng loob kaya siya ganiyan.
"My Dad." matipid na sagot nito at nagsimula ng mag-dribble ng bola sabay takbo at ayon pumasok sa ring. Pumalakpak naman si Gneiss. Pinanood niya lang ito hanggang sa matapos, inabutan pa niya ito ng bottled water na sa kaniya sana pero since hindi nabuksan ibinigay niya na lang kay Kian.
"Bakit may tennis court rito? Naglalaro ka rin ba ng gano'n?" pagtatanong ulit niya. Umupo naman ang pawis na pawis na si Kian sa tabi niya, dumating ang isang maid nila at inabutan niya ito ng bimpo na ipinunas naman niya kaagad sa mukha nito.
"Si Kyler." ani Kian habang pinupunasan ang likod niya nang makita ni Gneiss na hindi nito abot ang likod niya'y nag-presenta na lamang ito, tumango lang si Kian.
"Kyler? Siya 'yong sumipa ng puwet ko noong isang araw nainis nga ako, I was hurt when he kicked me." pagrereklamo ni Gneiss.
Kinuha ni Kian ang bimpo, "Thank you Gneiss." he uttered, Gneiss automatically smiled, it was the first time that Kian called her by her name and she was happy on how he did it.
"Si Kyler? Taekwondo rin kasi siya, sometimes he acts so bratty pero mabait naman talaga siya sinusumpong lang minsan." pagpapaliwanag niya.
"Okay wala akong pakialam sa kaniya, Kian? Puwede bang ikaw na lang seatmate ko sa Monday?" she requested.
"May katabi na kasi ako—
Itutuloy pa sana ni Kian ang pagsasalita ng dumating si Kyler at tinapik ito sa balikat niya.
"Hey! Teka— ikaw 'yong batang babae noong isang araw." aniya at naniningkit pa ang mga maliliit nitong mata.
Tinapatan naman ni Gneiss ang titig ni Kyler at saka niya ito pinanlisikan ng mata. Kian glared at them both.
"That's enough." malamig niyang utas, umayos naman ang dalawa.
"Kian, so is my request puwede?" pagpapatuloy nito.
"Ayusin mo nga tagalog mo." panunudyo ni Kyler, inirapan na naman siya ni Gneiss. "I'm not talking to you."
"I already have a seatmate, I'm going inside bye." pagpapaalam nito, tumayo at tumakbo na papasok sa loob ng kanilang bahay.
"Kian, so is my request puwede?eh eh eh." panggagaya ni Kyler kay Gneiss.
"Are you papansin? At first you make sipa to my puwet and now you're mimicking my voice and words?" bulalas nito. Humagalpak naman ng tawa si Kyler dahilan para masuntok siya sa mukha ni Gneiss. Napahiga ito dahil sa sakit tumakbo na rin papasok si Gneiss.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...