Chapter 45: He did it again

342 8 0
                                    

"Merry Christmas, my home." pagbati ni Kian, kakababa niya lang ng hagdan, basa pa ang buhok nito, senyales na bagong ligo siya.

It's December 24, bisperas na ng kapaskuhan mamayang gabi, punong-puno na rin ng decorations ang bahay nila, 'yon ang ginawa nila buong maghapon, kahapon. Naging maayos ang pagsasama nila nitong mga nakaraang araw, bagama't nasa loob lang sila ng bahay ay parati naman silang magka-tuwang sa mga gawaing bahay, natututo na rin si Kian na magluto, kaonting practice pa siguro'y magiging mahusay na siya, tinuruan rin siya ni Gneiss na mamalantsa, maglaba at maglinis, aminado ring, ito ang unang beses na gumawa si Kian ng mga gawaing bahay. Every night this past few days, they're always staying on their living room until midnight, watching movies and sharing laughters, they've talked about the silly and cringe things, they've done on their childhood days. Everything was going smooth for the both of them.

"Good morning, how's your sleep?" tugon ni Gneiss, dali-dali niyang inilapag ang mga plato at kubyertos. Pawis na pawis rin siya dahil puro steamed and soupy ang naisipan niyang iluto para ngayong umaga. Nang makalapit na si Kian sa kaniya ay kinuha nito ang towel na nakasampay sa balikat ni Gneiss, walang alinlangan niyang pinunasan ang pawis na pawis na mukha ng mapapangasawa.

Natigil naman si Gneiss sa ginagawa at sinuklian niya na lang ito ng ngiti. Ipinaghila ni Kian ng upuan si Gneiss, hinintay niya rin itong maunang maka-upo, bago siya naupo.

"Maganda ang tulog ko, kasing ganda mo lang." Kinindatan pa ni Kian si Gneiss.

Napailing na lang si Gneiss, ngunit sa loob nito'y nagwawala na ang puso niya, kahit nga nagsasandok na siya ng kanin ay naka-siklop ang labi nito, natatakot kasi siyang baka kumawala ang pinipigil nitong tili.

"Let's just eat." pagpapasinaya ni Gneiss.

Inamoy naman ni Kian lahat ng niluto niya, he's smiling while doing it, that means the dishes were all great. Talaga nga namang napaka-perpekto ng mga niluto niya ulit, dahil naparami ng kain si Kian, he already forgot about his diet, pang-limang beses na niya itong nag-sandok ng kanin, sumasabay na lang rin si Gneiss sa kaniya.

As usual, pagkatapos ng kainan maghuhugas na ng pinggan, nasa sink si Gneiss at abala na sa paghuhugas, may ini-ra-rush kasi si Kian na term paper, kailangan niyang tapusin ngayong araw dahil late na rin siya sa deadline, inako na lang ni Gneiss ang gawain na siya sana ang gagawa, hindi naman 'yon mahirap para kay Gneiss.

Masyado siyang naka-pokus sa paghuhugas ng mga pinggan at hindi niya namalayan si Kian na dahan-dahang, humakbang papunta sa likod niya, all of a sudden, ipinulupot nito ang kaniyang mga kamay sa balakang ni Gneiss, he's now hugging her back. Na-estatwa naman si Gneiss, napapalunok siya't hindi niya maatim na lingunin siya, namumula na ang magkabilang pisngi nito, kahit pa nga air conditioned ang buong bahay at umaga pa lang ay pinagpapawisan na siya. It was all because of him, siya at siya lang ang nagpaparamdam sa kaniya ng ganito.

"I'm done, aalis na ako, I'll come home at exactly eleven am, para masabayan kitang mag-lunch." bulong nito.

"O—okay, ingat ka." nauutal na tugon ni Gneiss.

"I'll be safe for you, I'll go ahead." Kumalas na ito sa pagkakayakap niya rito, humarap naman sa kaniya si Gneiss, hinawakan ni Kian ang dalawang kamay niyang basang-basa pa at may mga bula.

"Anong gusto mong regalo?" tanong ni Kian, mas hinigpitan pa niya ang hawak nito sa kaniyang kamay, para talaga silang totoong mag-asawa na sa posiyon nila ngayon.

"K—kahit ano." bahagyang umiwas si Gneiss ng tingin, naiilang siya sa titig ni Kian.

"Kahit ako?"

Narinig pa nito ang mahinang pagtawa ni Kian, nang muli siyang balingan ni Gneiss ay nagtama ang kanilang mga mata, muli ay kinindatan niya si Gneiss, kapansin-pansin rin ang pamumula ng tainga ni Kian.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon