Minsan kapag nag-iisa siya, iniisip niya kung ilang beses na ba niyang hinintay si Kian, ilang beses na ba siyang umiyak ng patago nang hindi nalalaman ng lalaking pinakamamahal niya. Kian hurt her for many times but, her love for him never changed.
"Kamusta na kayo ni Kian?" Niana asked over a phone call. Kakagaling lang ni Gneiss sa supermarket, nagluluto na siya ng dinner para kapag dumating si Kian ay handa na ang kakainin nito.
"Okay naman na kami, mas naging malapit muli sa isa't isa, this past few days." tugon nito.
"That's good to hear, dumating na ba diyan 'yong pinadala ko?"
Pansamantalang tumigil si Gneiss sa paghihiwa ng karne, hinawakan nitong maigi ang cellphone. "Pinadala? Wala naman, ano ba 'yong ipinadala mo?"
"Couple underwear, my Mr and Mrs na nakalagay sa likod, para sa inyo 'yon." tugon ni Niana.
Nabilaukan si Gneiss sa sarili niyang laway dahil sa narinig, hindi nito alam kung ano na naman bang naisip ng kaibigan at pinadalhan sila ng ganoong regalo.
"Sa dami ng puwedeng ibigay sa amin, 'yon pa?" buwelta ni Gneiss.
"Eh, sa gusto ko 'yon, ako ang bumili. Basta isuot niyo ha? Kapag hindi ninyo isinuot, magkalimutan na tayo. Sige na, baka busy ka diyan sa pagluluto. Bye, I love you!" aniya, at ibinaba na ang linya. Napailing-iling na lang si Gneiss, dama naman niya kahit papaano ang suporta sa kanila ni Niana kahit pa may galit siya kay Kian. Kahit ano talagang mangyayari, your best friend will always be your best friend.
Itinuon niya na muli ang atensiyon sa ginagawa, alas sais na nang matapos siya sa pagluluto, she cooked ten different dishes all in all, exempted 'yong mga desserts na inihanda niya rin. Umakyat na siya sa taas upang mag-shower at magbihis ng pang-tulog at exactly 7 PM, maglalagay sana siya ng kaunting lipbalm pero, hindi niya itinuloy dahil baka magalit pa si Kian. Bumaba na siya't sinimulang ihanda ang lamesa, nang matapos ay sinubukan niyang tawagan si Kian, hindi niya ito sinasagot, higit pa sa sampung beses niyang inulit na tawagan siya, pero wala pa rin itong sagot, sangkaterbang text messages rin ang ni-send nito.
Sinumpong na naman siya ng pag-o-overthink, kaya napagdesisyunan niyang magtungo sa bahay nila Kian, para alamin kung nandoon ba talaga siya sa parents nito. Nang nasa biyahe na siya'y nakatanggap siya ng text messages galing kay Niana, saying, "Huwag mo na siyang hintayin, he's with Sapphire."
Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng tulay at paulit-ulit na binasa ang ni-text na 'yon ni Niana dahil baka namamalikmata lang siya, but it was true. Hindi pa rin siya nakuntento't nagpatuloy siya papunta sa bahay ng parents ni Kian, nang makarating siya roon ay sarado ang gate at wala 'yong sasakyan ni Kian sa labas, she even asked their family guard pero, nasa trabaho raw ang parehong magulang niya, sinabi pa ng guwardiya'y hindi nagpunta rito si Kian, na walang ni anino ni Kian ang dumaan man lang dito. She stepped backward, he lied again, he betrayed her again. Hanggang kailan niya ito gagawin sa kaniya?
Saglit siyang nagkulong sa loob ng kotse niya't ipinatong ang ulo sa manibela, doon na siya humagulgol.
"Ang tanga mo, Gneiss!" sermon nito sa sarili, she saw her reflection on the rear view mirror, she looks so miserable and pathetic, pinunasan man nito ang mga luha niya'y hindi pa rin kayang magsinungaling ng kaniyang mga mata, namumugto na ito't napakalalim, napakalaki ng eyebags niya dahil panay ang pag-iyak niya nitong mga nakaraan. She remembered, how her parents admire her pretty innocent eyes before, but now it doesn't look happy nor alive.
Umuwi na naman siyang luhaan.
Pagpasok pa lang nito sa main gate ng subdivision ay hinarang siya ng mga guwardiya.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...