Nakaupo sa sala si Gneiss nagbabasa at nagkakape nang makatanggap siya ng text message mula kay Kian.
Kian: Magbihis ka na, I'll fetch you.
Gneiss: Why? Saan tayo pupunta.
Kian: Mamamasyal.
Gneiss: Okay,
Umakyat na ito sa kaniyang kuwarto at pumili ng simpleng susuotin, tanging faded jeans lang at red na blouse paired with doll shoes ang isinuot niya, tinarintas niya rin ang buhok nito.
Narinig na niya ang busina ng sasakyan ni Kian, kaya dali-dali siyang lumabas, nagpaalam na ito sa yaya nila at ni-text na rin ang kaniyang mga magulang.
Pagbukas pa lang ng gate ay sumalubong na sa kaniya ang napaka-guwapong mukha at maaliwalas na dating ni Kian, naka-shirt lang rin ito ng kulay custard, fit denim pants at sneakers. Ang buhok naman niya'y mas naging makintab ang pagiging itim dahil sa wax na inilagay niya.
"Let's go?" inilahad nito ang kamay sa dalaga, natulala saglit si Gneiss kakatitig sa kaniya pero agad niyang binawi ang huwisyo sa pamamagitan ng pagkurot sa kaniyang sarili.
"T—thanks.." ani Gneiss nang pagbuksan ito ng pintuan.
Muling umikot si Kian, pagpasok ay napansin niyang hindi maayos ang pagka-lock sa seatbelt ni Gneiss kaya inayos niya ito. Kaunting tulak na lang ay magdidikit na ang kanilang mukha, napakabango nito, sobrang manly ng scent, walang nagawa si Gneiss kung hindi pumikit at hintaying matapos ang ginagawa ng binata dahil sa hindi niya na rin kayang kontrolin ang tibok ng kaniyang puso.
"Saan ba tayo ngayon?" tanong niya, umaandar na ang sasakyan, hindi nito maiwasang hindi titigan at siyasatin ang kamay ng binata na nakahawak sa manibela, maputi ito at maugat, that seems so very attractive for her.
"Sa Arcade and Amusement park after." sagot nito.
"Anong gagawin natin doon?" takhang tanong ni Gneiss muli.
"We'll play and enjoy, two weeks from now, birthday mo na, we should collect more moments bago ka mag-legal age." saad nito.
Dala siguro ng stress sa academics ay hindi na naalala ni Gneiss na malapit na pala ang kaniyang 18th birthday kaya pala tinatanong ng mama nito nang isang araw kung anong gusto niyang color combination, para 'yon sa design ng kaniyang magiging invitation card.
"Si Niana, bakit hindi mo sila sinama?" aniya pa.
"For now, tayo muna." matipid na sagot nito at iniliko na ang sasakyan.
Narating nila ang Arcade pagkaraan ng sampung minuto, maraming tao sa labasan pa lang karamihan mga bata kasama ang kanilang mga magulang.
Humanap sila ng magandang puwesto para i-park ang sasakyan. Nang ni-park na nila ito'y inalalayan niya sa pagbaba ang kaibigan, nakakita si Gneiss ng cotton candy stand sa tabi lang kung saan sila nag-park, hindi maalis ang tingin niya roon, ilang segundo pa'y may inilagay na lang si Kian sa kamay niya, pagtingin nito dalawang blue na cotton candy. She smiled.
"What else do you like? Just tell me." sabi ni Kian.
Gusto siyang sagutin ni Gneiss ng “Ikaw 'yong gusto ko.” pero alam nito hindi niya kayang gawin 'yon.
"Wala na, pasok na tayo." sagot niya,
Tila may napakalakas na boltahe ng kuryente ang pumasok sa katawan niya nang hawakan ni Kian ang kamay nito, he intertwined his fingers on her. Feeling niya'y may mga bulaklak sa loob ng tiyan niya't pinamumugaran 'yon ng sandamakmak na paru-paro, parang may horse racing na nagaganap sa loob ng rib cage niya dahil napakabilis ng tibok ng kaniyang puso.
Narating nila ang loob, kagaya ng inaasahan mas maraming tao sa loob, hinila siya ni Kian papunta sa may Basketball Arcade Game Machine. Nagpadala na lamang siya sa panghihila nito.
"Do you know how to play this?" tanong ni Kian.
Tumango si Gneiss.
Iniabot sa kaniya ni Kian ang isang bola. "Go." ngumiti ito.
Kinuha naman 'yon ni Gneiss, pero hindi niya na-shoot lumagpas sa ring. Kumuha siya ulit pero pumapalya talaga.
Kumuha si Kian ng isang bola, pumwesto sa likuran niya't pinahawak ang bola sa kaniyang kamay habang hawak rin nito ng mahigpit ang kaniyang kamay.
"Focus, and then shoot." ani Kian, ginabayan niya si Gneiss sa paghulog ng bola at hindi nga 'yon pumalya.
Isang oras silang naglaro roon, nang mapagod ay lumipat sila sa may Claw Machine.
"Anong stuff toy ang gusto mo?" tanong niya kay Gneiss.
"Panda." matipid na sagot niya.
Naghulog ng token si Kian at kinuha ang stuff toy na 'yon, tuwang-tuwa si Gneiss.
Naglakad muli sila at sa kung ano man ang matipuhan ay lalaruin nila.
It was 10:00 in the morning nang lumipat naman sila sa may Amusement park.
Bumili sila ng ticket sa roller coaster ride, nang tawagin na sila'y, hinigpitan ni Kian ang hawak niya sa kaniyang kamay.
"Dalawa, mag-jowa?" tanong nu'ng nag-aasikaso ng mga ticket.
"Hindi po, Kuya, friends lang." sagot ni Gneiss.
Ngumisi ang bakla. "Magiging kayo rin niyan, soon, sige sakay na."
Napailing na lang ang dalawa, nang makasakay na sila ay umandar na rin kaagad ang ride, naghihiyawan ang lahat pati si Gneiss, napapapikit siya at humihigpit ang hawak sa kamay ni Kian, nang maging intense na ang pangyayari ay yumakap na talaga siya kay Kian, medyo kinabahan siya roon.
Nang matapos ang ride ay, nagtungo naman sila sa bilihan ng ice cream, strawberry ang paborito nilang flavor pareho.
"Nag-e-enjoy ka ba?" tanong ni Kian sa kaniya.
"Oo, thank you." pasasalamat nito.
"You don't need to say thank you, obligasyon kong pasayahin ka." ngumiti ito.
Namalayan ni Gneiss ang biglang pagdampi ng thumb nito sa gilid ng kaniyang labi, bigla ulit tumibok nang napakabilis ang kaniyang puso.
"Ang kalat mo talaga kumain, you're still my baby.." komento nito habang tumatawa.
Kumain na lamang ulit si Gneiss habang tangan-tangan ang kinuha ni Kian na stuff toy kanina, napabaling ang tingin roon ni Kian.
"Dapat pala may pangalan siya." itinuro nito ang hawak niyang stuff toy.
"Kailangan pa ba 'yon?" giit ni Gneiss.
"Oo naman mas maganda pa nga e, Anong gusto mong ipangalan sa kaniya?" dagdag pa niya.
"Ikaw ano bang gusto mo? Wala akong maisip e," tugon niya sabay kamot sa ulo.
"What if, maging kapangalan ko na lang siya? Para kapag nalulungkot ka you can talk to him like you're talking to me, tapos kapag gusto mo siyang yakapin you can also do it, parang ako na rin niyayakap mo." suhestyon niya.
"Nice idea! Okay, siya na si Kian ngayon." ngumiti siya at niyakap nang mahigpit ang stuff toy na panda.
Natapos sila sa pagkain ng ice cream, inaya ulit siya ni Kian na sumakay ng ferris wheel, hindi nito matukoy kung bakit puro death defying rides ang nais niya. Gayunpaman, narito na siya ngayon at naghahanda muli na matakot.
"Don't be scared, I'm here. You can hug me kapag natakot ka okay?" pagsasalabi niya.
She isn't scared about riding a death defying ride, she's more afraid because she's falling for him deeper, and Kian doesn't know what she feels inside, 'cause she's just a sister for him.
"Can I hug you now?" buong loob niyang utas.
"Sure, napaaga ka naman sa pagyakap sa akin, pero go on." pagpayag niya.
Hindi na nag-atubili pa si Gneiss at niyakap ng mahigpit si Kian, bakit pakiramdam niya huling yakap na niya 'yon sa kaniya? Mabuti na lang at umandar na ang sinasakyan nila, kasabay n'yon ay ang pagbagsak ng kaniyang mga luha.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...