Chapter 6: Seven

247 7 5
                                    

Holding her chessboard, Gneiss hurriedly ran towards the School's Library. It's already 2:00 in the afternoon and the competition will start at exactly 2:05 PM, she's the chosen representative of their school on Chess Division. Undeniably she was very great and wise on this game. No wonder, she was admired by many especially in their school.

"Ano ba 'yan! Nagmamadali na nga may tumatawag pa!" reklamo nito at saka kinapkap sa bulsa ng skirt nito ang kaniyang cellphone.

It was Kian, who's calling.

"Oh bakit?" pagtatanong ni Gneiss habang patuloy sa pagtakbo.

"Gusto ko lang sabihin na goodluck!" aniya. His voice became so matured, dala ng tuluyang development, dala ng pagbibinata.

"Thank you! O sige, mamaya na lang." bulalas ni Gneiss at daglian ng pinutol ang linya at saka pinatay ang telepono.

"Good morning Ma'am!" pagbati niya sa Teacher na nasa corridor ng library, palinga-linga ang guro sa paligid siya ang hinihintay nito.

"Ms. Ruiz mabuti naman, nandito ka na." pambungad ng guro sa kaniya at saka na siya inalalayan papasok.

Naroon na ang mga kalaban nito, napatingin siya sa isang table kung saan may naghihintay na babae roon, hinihintay nito ang makakalaban niya habang ang iba ay naka-pwesto na at naghihintay na lamang ng hudyat para simulan ang paglalaro.

"This way, Ms. Ruiz." iginaya ng guro ang kamay niya sa kaliwang direksyon, naupo kaagad si Gneiss sa nahila ng upuan, inilapag ang chessboard sa table, ang chessboard ng manlalaro mula sa Westbrook University. At si Gneiss ang galing sa Unibersidad na 'yon.

"Hi!" ngumiti ang makakalaban nito sa kaniya.

"Hello! Good morning!" sagot ni Gneiss at ngumiti rin nang pagkalapad-lapad. Kagaya niya ay napakaganda rin ng babaeng makakalaro niya ngayon, singkit ang mata, maputi at matangkad. Mukhang may lahing hapon.

"Niana Hikaro.." inilahad nito ang kaniyang kamay. Last name revealed it, Japanese nga siya.

"Gneiss Hanie Ruiz.." tinanggap ni Gneiss ang kamay nito and then they both shook their hands.

"Okay, you all know the basic rules of the game, the instructions are explained last week on your general practice. Watch every moves of yours." pagpapaliwanag ng guro.

Tumango silang lahat.

"Let's start, goodluck everyone." huling pasintabi ng guro, bago tumunog ang siren bilang hudyat.

Inayos ni Niana at Gneiss ang kanilang mga gamit, huminga pareho bago nagsimulang igalaw ang mga chess pieces.

Sa unang game si Niana ang nanalo, maingat itong gumalaw, detalyado ang bawat kilos at halatang pinag-aaralan ang mga sunod-sunod na hakbang. Kinakabahan si Gneiss sa mga oras na 'yon, ayaw niyang matalo, she doesn't want to disappoint their school, most notably her parents who's now expecting her to win and bring home the bacon.

She didn't failed, nanalo nga siya sa pangalawang laro, ang huling laro ay naging mainit at gitgitan, napapahawak si Gneiss sa kaniyang baba habang inaanalisa ang susunod na igagalaw, hindi puwedeng padalos-dalos, sa isang maling hakbang ay maaari siyang matalo. Pero, hindi niya 'yon hinayaan pinagsikapan niyang aralin ang bawat posibilidad at alas na maaari niyang gamitin, bihasa na si Niana sa paglalaro at naka-relax lamang ito sa buong laban, kaya mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya.

The nervousness will surely suffocate her, but she did her best hanggang sa maubos na siya, when the bell rang she stood up and raised her hands as a sign of victory, ganoon din ang iba. Tumayo rin si Niana at pinalakpakan siya, nakangiti pa rin ito, halatang totoo ang kaniyang ipanapakita hindi kagaya ng iba diyan na kapag natatalo o nalalamangan ay nagkukumahog na sa galit at paninira.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon