Chapter 18: Ignored

220 9 0
                                    

The day after yesterday..

Gneiss took a soft yawn as she exited on her room. It's probably, early in the morning her parents are still on deep sleep, tanging ang mga kalansing lang ng kutsara at tunog ng mga baso at plato na nailalapag sa lamesa ang kaniyang naririnig.

Pagkababa nito ng hagdanan ay nakita niya sa kusina si Aling Imelda siya nga ang nag-aasikaso sa mga kubyertos, nakasalang na rin sa kalan ang niluluto nitong pasta.

Ngumiti ito ay lumapit sa kaniya. "Good morning Yaya." aniya.

Humarap ang ale at saka naman nito sinuklian ng ngiti. "Gising na pala ang prinsesa, kamusta ang tulog? Napanaginipan mo ba siya?"

"Yaya, nakikigaya na naman kayo sa pang-aasar ni Kuya Lorenzo." untag nito.

"Wala akong sinabing pangalan, ang sabi ko siya, wala akong binanggit kung sino, siya ang nasa isip mo ano?" ngumiti siya ng nakakaloka.

Naupo si Gneiss at napahilamos sa mukha, at napahawak ang dalawang kamay sa batok. Then, she started to remembering every scenario's that happened last night, but, only one remained unforgettable on her memory. And that's when Kian danced with Sapphire, she expected that it should be her, it turns out she isn't. Expectations just hurt her in return.

"Yaya, can I have a favor po? Puwede po bang huwag niyo munang banggitin pangalan niya? For the mean time lang naman." pakiusap nito.

Umupo ang babae na nasa 40 mid's pero napakaganda pa rin, she's their maid for five years and she's great on doing household chores, no wonder she had hired for just an hour after the interview. "Kasi nasasaktan ka na?" anito.

Napatingin ng diretso sa kaniya si Gneiss, she heaved a deep sigh. "Kahit naman po masaktan, wala ring mangyayari." she vocalized.

Hindi nito akalain na kaya niyang sabihin ito ng diretso sa iba, pero kapag sa kaibigan hindi, well, Aling Imelda is different, she'll not gonna speak or bulgar anything unless you say so,  instead, she'll just give you a piece of advice.

"Walang mangyayari kasi wala kang ginagawa, nasasaktan ka kasi hindi mo kayang sabihin sa kaniya ang tunay mong nararamdaman." wika nito.

"Kapag po ba sinabi ko, there'll be a chance?" tanong nito.

"May pag-asa man o wala, ang importante umamin ka, if you find your feelings for him worth to risk then, go for it." payo niya.

"Pero— 'yong pagkakaibigan po namin ang inaalala ko." pag-aalala niya.

"Iha, hindi mo siya kaibigan, iniibig mo siya sa ibang paraan na hindi niya alam, your friendship had already ended when you started falling in love with him." she added.

She went speechless, she's very innocent when it comes to love. She's somehow convinced on what the woman said, she got her point, but, the problem is that she's scared and coward to confess her feelings for her her best friend.

"Sige po Yaya, I'll take note of that. Akyat na po ako sa taas, maliligo pa po ako." pagpapaalam niya.

"Basta, kapag handa ka na, saka na, don't rush love okay?" pangungumbinsi nito.

She just nodded as a response. Iginaya ng babae ang kamay nito sa hagdanan bilang pagpapasinaya na puwede na siyang umakyat at bumalik sa kaniyang kuwarto.

7:12 A.M nasa classroom na siya at nakatunganga lamang sa kawalan nakasandal sa kaniyang upuan at hinihintay ang pagdating ni Kyler. Ilang sandali rin ay naaninaw na nito ang yapak ng mga paa papalapit sa kaniya, hindi na siya nag-atubiling tignan 'yon.

Naupo ito sa kaliwang bahagi niya, she's wrong hindi si Kyler, si Kian pala. Si Kyler ay sa kanan at pinapagitnaan siya ng dalawa.

"Good morning Sunny ko.." he sweetly said.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon