Chapter 34: Thank you

222 8 0
                                    

Iniwan ni Gneiss ang kanilang bahay nang umagang 'yon, mahimbing pa ang tulog ni Kian at ayaw niya itong istorbohin malamang sa malamang sasakit ulo nito dahil sa labis na kalasingan kagabi at alas singko na ng umaga nang matulog ito.

Bagama't nakaramdam ng pagkahilo si Gneiss ay pinilit niyang lumabas, magkikita sila ngayon ni Niana, nag-aya kasi bigla ang kaibigan nito sa isang cafe two kilometers away from their house ang rason hindi alam ni Gneiss. Baka siguro trip lang ni Niana na magkape with her best friend o hindi naman kaya'y may balak siyang maglakwatsa kasama si Gneiss pagkatapos. Paulit-ulit pang tinanong kanina ni Gneiss kung ano bang gagawin nila sa cafe na 'yon pero Niana ended up saying "mamaya na lang."

Nakarating si Gneiss sa location after half an our of driving, yes, she's now driving her own car her mom enrolled her to a driving school last month before her birthday dahil may balak pala silang regaluhan ang nag-iisa nilang prinsesa ng isang mamahaling sasakyan at hindi naman na sila nahirapan dahil madali lang natuto ito.

Pumanaog siya sa loob ng establisyemento, hinanap kaagad ng mata nito ang kaibigan napako ang paningin niya sa isang sulok may dalawang lalaki na mukhang agent at isang babaeng naka-detective outfit, lumapit kaagad si Gneiss sa kanila, kaagad naman siyang ipinaghila ng upuan ng babaeng nakapang-detective na si Niana pala.

"Anong gagawin natin dito?" tanong kaagad ni Gneiss.

"Hindi na talaga kaya ng hinala ko yes alam kong mahirap paniwalaan pero, nag-che-cheat sa akin si Kyler." tugon nito.

Literal na lumipad ang isip ni Niana dahil sa sinabi ng kaibigan, Kyler is really a great man in handling a relationship kahit first girlfriend pa lang niya si Niana. After four years he's just cheating? Napaka-imbosibleng mangyari 'yon.

"Do you have any evidence to support your claim, Ms. Detective?" sagot ni Gneiss rito.

Inilapag niya na parang baraha ang mga polaroids sa lamesa, imprentang nakaupo lang naman ang dalawang lalaki na mukhang agent, seryoso ang mga mukha nila at hindi man lamang kumukurap ang mga ito.

"So, I asked these two hired agents of mine to follow him yesterday and these are what they've took, a lot of shots with Kyler and his significant other." napahinga pa ng malalim si Niana.

Pinakatitigan nang maigi ni Gneiss ang mga larawan at napapailing na lang.

"Umuwi na tayo, Niana." parang nababagot na sagot ni Gneiss.

"Why? I'm still not finish of everything." giit nito.

"Let's just go." pag-aaya ulit ni Gneiss sa pangalawang pagkakataon.

"Okay.." bumagsak ang dalawang balikat ni Niana at walang ganang tumayo.

"You two guys, later na ang bayad." anito sa dalawang agents na inutusan niya.

"So bakit nga tayo uuwi na? Hindi pa kaya ako tapos sa sinasabi ko." reklamo ni Niana.

"Kyler isn't cheating and that isn't his significant other, that's his cousin Megan a Victoria's Secret Model who just arrived yesterday. That's his uncle John's only daughter." paliwanag ni Gneiss.

Napaawang ang bibig ni Niana at tumiklop na lang siya kaagad.

"O—okay I'm sorry maybe, I just overthink too much and it's inevitable, we're people living and breathing and making mistakes." she reasoned out, making herself comfortable because of the shameful act she had done.

"Please don't tell him about this, he'll tell me that I don't have trust on him, please.." pagsusumamo nito sa kaibigan.

"You got my back, don't worry." pagpapagaan ni Gneiss sa loob niya at saka nito hinawakan ang balikat ng kaibigan.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon