Magkasabay na pumasok sa gym si Niana at Gneiss, nakasuot pa sila ng kulay pulang shirt. Ngayon ang intramurals at representative ng Grade 12 curriculum sa Basketball si Kian na Team Captain at Kyler na Point Guard, saglit munang tinalikuran ni Kyler ang billiard at soccer na nakasanayan niya, magaling rin naman siyang mag-basketball pero mas lamang ang billiards sa puso nito dati, but, now he's about try something new for him.
"Dali, mauubusan na tayo ng upuan." hila-hila ni Gneiss si Niana, nakahawak rin kasi ito ng balloons at hinay-hinay sa paglalakad baka pumutok ito.
"Sandali, basta Kian sobrang excited?" pasaring nito.
"Kung anu-ano na naman iniisip mo." ismid niya, pina-maywangan siya ni Niana. "Huwag nang magkaila, mahal mo na si Kian ano?" pag-aakusa niya. Nanlaki pa ang mga mata ni Gneiss sa sinabi ng kaibigan.
"Hindi ah, malamang best friend ko 'yon kaya ganito ako." pagtanggi niya, napangisi na lang ng nakakaloka si Niana at saka siya hinawakan sa baba. "Aamin ka rin sa akin, soon." kampante nitong sambit, at hinila na lamang biglaan si Gneiss papasok.
Hiyawan, sigawan at palakpakan ang bumungad sa kanila pintuan pa lang. Napili nilang maupo sa mga upuan sa baba malapit lang kila Kian para mas madali nilang makita at malapitan ang mga 'to. "Si Kian o, gwapo tignan mo," pang-aasar ni Niana. Napatingin naman si Gneiss kay Kian na busy sa pakikinig sa instructions ng coach nila, ganoon rin si Kyler na nakaakbay sa kaniya.
"Parang hindi mo naman gusto si Kyler." pagpaparinig naman ni Gneiss, napahalukipkip ng braso si Niana, "Wala naman akong sinabi na gusto, ang sabi ko gustong-gusto." lantaran nitong sagot, masyado siyang nagiging vocal sa feelings nito kay Kyler, though, the fact that it's very obvious na mutual ang kanilang nararamdaman, hindi nila 'yon maipagkakaila sa lahat.
"Alam mo, umamin ka na. Uunahan ka pa ng pinsan mong kulang sa aruga, mali, naunahan ka na pala." anito. Bumagsak naman ang magkabilang balikat ni Gneiss. "Hindi ko naman siya gusto, k—kaibigan lang talaga." giit nito.
"Ewan ko sa'yo, basta pinayuhan na kita, okay?" dagdag pa niya bago nginitian ang kaibigan.
Napatango na lamang si Gneiss, sumagi na naman sa isip nito ang sinabi ni Niana na umamin, napapaisip na siya nang malalim.
"I fell in love with my best friend." pagkanta ni Niana, tumitingin-tingin pa siya kay Gneiss. "Kanta lang 'yon, hindi pagpaparinig." bulalas pa nito.
The game officially started, for jamble si Kian at ang Captain sa kabila ang naglaban. Nakuha naman ito kaagad ni Kian dahil 'di hamak na mas matangkad siya, kaunti lang naman ang gap ng height nila pero mas lamang talaga sa haba ng kamay at binti si Kian. Sa kabilang dako, todo cheer naman si Niana kay Kyler na tamang agaw lang ng bola sa kalaban nila.
"Go Kyler! Kyler, Bilisan mo! Hoy! Ang kupad!" sigaw nito, nabibingi na rin si Gneiss sa lakas ng sigaw nito ang laki talaga ng changes niya, pati ang mga katabi nila'y panay ang sulyap sa kaniya, pumapalakpak na lang si Gneiss sa tuwing nakaka-score sila Kyler, napapatayo pa ito kapag pumapasok ang three point shot ni Kian.
Natapos ang first quarter, scores are 30-24 medyo, liamado sila Kian siyempre. Bumalik sila sa kanilang puwesto, tamang inom lang ng tubig at punas ng pawis ang kanilang ginagawa, hindi na namamalayan ni Gneiss na nakatitig na pala siya kay Kian na nakaupo roon habang kausap ang pinsan.
"Hindi pala gusto, okay.." sarkastikong sabi ni Niana. Napabaling muli si Gneiss, pero sinuklian niya lang ito ng nakakai-intrigang ngiti.
"Hindi nga." pagwawaksi niya pa rin. Nagkibit-balikat na lamang si Niana.
Nagsimula na muli ang pangalawang quarter, pumasok na muli sila ng court sa ngayon ay hindi na muna pinalaro si Kyler, may substitute muna ito panandalian lamang.
"Psttt!" sigaw ni Niana habang kumakaway pa, kaagad namang napatingin si Kyler sa kanila.
Napangiti ito at kumaway rin pabalik. Nang walang anu-ano'y kinindatan niya si Niana, bigla tuloy natawa si Gneiss sa kanila pareho.
"Ba't ka tumatawa?" tanong ni Niana. Napahawak si Gneiss sa tiyan nito. "Wala, ang corny niyo." untag niya.
"Corny, line ni Kian 'yan e, na-addapt mo kasi gusto mo na?" paratang na naman nito, hindi na lang siya sinagot ni Gneiss.
Nakita pa niya ang pag-flying kiss ni Kyler sa ere na agad namang sinalo ni Niana. Masyado na silang PDA pero tinatawanan na lamang 'yon ng kanilang kaibigan.
Nakatutok ang lahat sa panonood, pagsigaw sa tuwing nakakahulog ang kanilang mga pambato. Biglang may pumatid kay Kian, dahilan para mapaupo ito sa sakit, dali-dali namang lumapit sa kaniya ang mga medics. Kinabahan na rin nang husto si Gneiss, nang dinala ito sa clinic ay kaagad na silang sumunod. Ipinagpaliban muna ang laro sa susunod na araw.
Hindi sila kaagad pinapasok sa lugar, sumilip silang tatlo sa bintana pagkaraan ng ilang minuto, nakahiga sa stretcher si Kian iniinda ang kirot, napansin nilang tatlo na parang may katabi pa ito bukod sa nurse, may nakahawak kasi sa kamay ni Kian at parang kinakalma siya nito.
Isang oras na rin ang lumipas, bago binuksan ang pintuan at kurtina na kinaroroonan niya, pumasok silang tatlo nang madalian. Nagulat na lamang sila nang nasa tabi nito si Sapphire at tumatawa pa sila pareho.
"Ay, landi lang pala ang need para magamot ang injury. Scientifically proven ba 'yon, Kyler?" bulong ni Niana, napairap na lang sa kaniya ang binata.
Napatulala na lamang si Gneiss sa kaniyang nadatnan. "Gneiss, Niana, Kyler." pagtawag ni Kian sa kanila.
"Mabuti napansin mo kami?" napahawak pa sa dibdib si Niana, nahawakan na lang ni Gneiss ang tela ng damit nito nang madiin.
"Okay ka na insan?" Kyler asked, he just nodded in response.
"Puwede kaming umupo, Sapphire?" ngumiti pa si Niana dito. Umusod naman ito sa kabilang bahagi. Nakahawak pa rin ito sa kamay ni Kian.
"Sana ma-injury rin si Kyler para mahawakan ko kamay niya." pang-iinis ni Niana.
"Niana." mahinang pagsita ni Kyler sa kaniya, alam nitong sarkasmo lang ang kaniyang ginagawa.
"O—okay ka na ba?" nauutal na tanong ni Gneiss, sinubukan nitong ngumiti.
"Okay na ako, Sunny ko." ngumiti si Kian.
"Next time, kasi stretching ang gagawin bago ang game hindi flirting." walang humpay na patama ni Niana.
Hindi ito kayang patigilin ni Kyler, alam niya kasing nasasaktan na ang kaibigan nito ngayon at hindi niya 'yon gusto.
"Sige, labas muna kami ni Gneiss." aniya at hinila na kamat ng kaibigan, nagpunta sila sa upuan sa may entrance ng clinic.
"Kunwari ka pa, alam ko na nasaktan ka doon." wika nito kay Gneiss na wala pa ring kibo.
"Hayaan mo na, hindi ano ba 'yan." pagpupumilit nito.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Niana at niyakap na nang tuluyan si Gneiss.
"Iyak ka na." mahinang utas nito.
Naiyak na talaga si Gneiss, walang tigil sa paghaplos si Niana sa likod niya. "W—why do I need to feel all of these?" her voice broke out.
"Because, you love him. Not just a friend, definitely more than that." she uttered.
She shook her head, she don't wanna admit it. Niana just hugged her again, naiintindihan nito ang kaibigan marahil hindi pa buo ang kalooban nito para sa ganoong bagay.
*****
"Ma'am, bakit po nakapasok kanina 'yong babae na 'yon?" tanong ni Niana sa nurse na kasalukuyang nakaupo sa kaniyang desk."Si, Sapphire Mendrano?" tanong naman ng nars.
"Opo."
"Sabi niya, girlfriend daw siya e, 'yon kasi ang rules ng clinic natin kapag may estudyanteng naipapasok rito kailangan namin ng mga taong malalapit sa kaniya para ma-obserba rin ang kalagayan ng pasyente, girlfriend naman siya then it's fine as long as they're closely related." paliwanag niya.
Humagalpak ng tawa si Niana, na-weirduhan na rin bigla sa kaniya ang nurse dahil sa inasta nito.
"Hindi siya girlfriend ng pasyente, sadyang makapal lang ang mukha niya, Ma'am, let me clear things up she's not his girlfriend, more often, she was only a rumored one."
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...