Chapter 12: Jealous

292 10 0
                                    

"Ms. Gneiss Hanie Ruiz." pagtatawag ng isang teacher sa may front desk. Nagmadali namang lumapit roon si Gneiss. Iniabot ang mga papers na ni-fill-up nila kanina. Ni-scan 'yon ng teacher mula first page hanggang last page saka pinirmahan.

"Okay done. It's final, your strand will be STEM and your block is 3, you may go." pormal na sagot ng guro.

"Thank you Ma'am," ngumiti si Gneiss at naglakad na palayo. Naroon naman sa may ilalim ng puno ng umbrella tree ang dalawa katapat lang ng bleachers naghihintay.

"Tapos ka na?" tanong ni Kyler, habang kinukusot ang mga mata nakaidlip yata kanina.

"Yes, and 3 ang block ko! We're all the same!" sa sobrang tuwa niya ay napayakap pa ito kay Kyler. Napatingin naman si Kian sa kanila pareho, binuhat na rin kasi ni Kyler si Gneiss at nagtatawanan sila pareho.

"Sandali 'yong eyeglass ko mahuhulog." reklamo ni Gneiss pero kiniliti pa rin siya ni Kyler.

"Ano 'yan? Siya lang ba puwedeng yumakap sa Sunny ko?" Kian pouted his lips. "Tsk." bungisngis na lang ni Kyler saka nito ibinaba si Gneiss.

"May ka-text ka naman kaya kami na lang ni Kyler ang nag-celebrate." ismid ni Gneiss. Napaawang naman ang bibig ni Kian. Ibinulsa nito ang kaniyang cellphone, tinitigan si Gneiss at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Nagseselos ka ba sa ka-text ko ha?" ngumisi si Kian at kiniliti si Gneiss halos parang maging uod si Gneiss sa likot.

"Puro kasi si tot ang ka-text." pagpaparinig naman ni Kyler, tumingin ito sa pinsan niya at kinausap gamit ang mga mata lamang.

"Tayo na nga, manonood pa tayo ng movie." inakbayan ni Kian si Gneiss at inakbayan naman ni Gneiss si Kyler.

Pagkarating sa Parking Lot ay nagkatinginan si Kian at Kyler. "So, saan sasabay si Gneiss ngayon?" tanong ni Kian.

"Sa akin, malamang ako sumundo sa akin rin siya sasakay, at ako rin mamaya maghahatid sa kaniya." bulalas ni Kyler. Humalukipkip ng braso ni Kian at saka ngumisi. Mukhang bad trip siya.

"Ikaw na nga sumundo, ipaubaya mo na siya sa akin ngayon." pagpaparinig nito, naging sarkastiko ang tono nito, pumagitna na si Gneiss sa dalawa at sumenyas ng tigil.

"Ganito na lang, kung mapupunta sa away 'to, mag-ko-commute na lang ako. Kita na lang tayong tatlo sa harap ng sinehan. Tapos ang usapan." ani Gneiss at saka pumara na ng taxi. Naiwan ang dalawa roon na inirapan ang isa't isa saka rin nagtawanan. Tinapik pa nila ang balikat ng isa't isa.

"Ano ba 'yan, tignan mo tayo na iniwan ng Gneiss natin." napakamot na lang ng ulo si Kian.

"Ikaw kasi, puro si ano ka-text mo." protesta ni Kyler.

"Shhhhh." pagpapatigil ni Kian sabay lagay pa ng daliri niya sa kaniyang bibig. Napailing na lang si Kyler saka sumaya sa kotse niya.

Pagkarating nila sa harapan ng sine ay naroon na si Gneiss may kausap sa telepono, nakangiti ito. Lumapit kaagad sa kaniya ang dalawa.

"Sino 'yan manliligaw mo?" sabay nilang utas. Napatawa na lang si Gneiss sa kanila pareho.

"Si Niana, ano ba kayo!" pagsita niya,

"Niana nandito 'yong dalawa baka gusto mong kausapin." dagdag pa niya, kaagad inabot ni Kyler ang cellphone, napangisi na lang ulit si Kian. "Niana, kumain ka na ba? Huwag kang papagutom ha?" paalala nito. Nagbubulungan naman si Gneiss at Kian sa tabi nito.

"Ha? Hindi ka pa kumakain? Kumain ka na, magkakasakit ka niyan. Huwag kang magpapaligaw diyan ha?" paalala nitong muli. Tinatawanan na lang siya ni Gneiss at Kian dahil hatala namang may gusto ito kay Niana.

"Kung magpapaligaw ka, malamang magseselos ako. Ano ba 'yan Niana tinatanong pa ba 'yan?" parang baliw na ngumingiti si Kyler.

"Tama na nga 'yan, mauubusan na tayo ng ticket." pagsita ni Gneiss. Iniabot naman sa kaniya ni Kyler ang kaniyang telepono.

"Sige na, Niana tawag ka na lang ulit sa akin mamaya, mukhang mahaba ang pila rito sa sinehan maubusan pa kami ng ticket." pasaring ni Gneiss. Sumang-ayon lang sa kabilang linya si Niana at saka na ibinaba ang linya.

Together, the three entered the establishment. Kian volunteered to fall on the line and buy them some tickets. Nasa chairs lang naman sa may gilid si Kyler na ka-text si Niana at si Gneiss na may kinakalikot sa loob ng bag. Nakabili rin ito kaagad ng ticket, ang sikreto ginamit na naman niya ang kaniyang makamandag na charm.

"Kami na bibili ng pagkain." Kyler ang Gneiss presented. They bought some popcorn, soda in can and burger.

"Kyler, bili ka pa nga isang popcorn and a can of soda." pag-uutos ni Kian, naka-focus na naman ito sa cellphone niya.

"Mauubos mo?" tanong ni Gneiss, tumango na lang si Kian kahit hindi pa nito tinignan ni Gneiss.

Pumasok sila sa room, pinili nilang umupo sa may harap. Pinagitnaan nila si Gneiss, nagtaka naman si Kyler kung bakit inilagay ni Kian ang binili nitong dalawang pop corn at soda in can  nito sa katabi niyang upuan.

"May uupo ba diyan insan?" tanong ni Kyler. tumango lang ulit si Kian. Ilang sandali pa ay nag-start na ang movie. Hindi naman nanonood si Kian sa halip ay nag-ce-cellphone siya, nagtatawanan na ang lahat, pero siya ay parang wala lang pakialam.

Tumayo ito, nang nasa kalagitnaan na sila ng panonood ng rom-com movie. "Saan ka pupunta?" Kyler curiously asked.

"May susunduin lang ako. A friend." he casually said. Napatingin lang si Gneiss sa kaniya. Tumango na lang sila pareho. Habang umiinom ng soda si Gneiss ay dumating si Kian kasama si —Sapphire. Gulat na napatingin ang dalawa rito, later on Gneiss just smiled.

"Hello, Gneiss and Kyler." Sapphire politely said. Napairap na lang si Kyler sa gilid, pina-plastik lang niya kasi ito, siyempre gusto ng pinsan niya kaya, kailangan niyang pakisamahan.

"Hi, take a seat." Gneiss shortly said, though, a sawed-off smile was still plastered on her lips. Ikinabigla niya 'yon, isang taon na rin kasi ang nakalipas simula nang huling usap nila ng kaniyang pinsan.

Iginaya ni Kian ang upuan sa tabi nito. Magkatabi si Sapphire at Kian, si Kian at Kyler rin ay katabi si Gneiss, nasa gilid kasi si Sapphire. Ipinagkibit-balikat na lang ni Gneiss 'yon. Si Kyler ay dedma lang at parang walang gana na ngumunguya ng popcorn.

"The protagonist and that antagonist really has a chemistry." komento ni Sapphire.

"Yes, you also noticed that?" namamangha ring sagot ni Kian.

"Yes, the plot are predictable, it's somehow cliche." maarte nitong saad. Nakatitig lang si Kian sa kaniya.

"Yeah, but still I do appreciate the execution. I mean look at that, the actors are very great." Kian uttered. Gneiss just staring at them the whole time they were having a conversation. Suddenly, Kyler softly placed his hands on her eyes.

"Don't titig them, masasaktan lang you." bulong nito, napatawa na lang si Gneiss nang kaunti.

"Can I?" ani Gneiss at tumingin sa balikat ni Kyler.

"You always have my shoulder and back my, precious metamorphic rock, named Gneiss." he sweetly said. Sumandal si Gneiss sa balikat ni Kyler, hindi na lang nito pinansin ang dalawa kagaya ng sinabi ni Kyler. She just continue watching the movie. They reached the highest point of the movie also known as the climax. Nang tignan ni Gneiss si Sapphire ay nakasandal na ito sa balikat ni Kian.

Parang nanikip ang dibdib nito, dahilan para hindi siya makahinga.

"Kyler, I need water please." mahinang bulong nito kay Kyler, mabuti na lang at hindi pa nabubuksan ng katabi nila 'yong tubig niya binayaran na 'yon ni Kyler, at dali-daling binuksan para makainom si Gneiss.

"Inhale and exhale." untag nito, ganoon naman ang ginawa ni Gneiss.

Naging maayos rin ito, nag-alala nang husto si Kyler sa kaniya, hinaplos nito ang buhok ni Gneiss na nakatulog na pala  habang nakasandal sa balikat niya.

"Don't be too jealous, you will always have me." he whispered and kissed Gneiss's forehead.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon