"Gumising ka na uy.." bulong ni Niana kay Gneiss habang mahigpit na hawak ang kanang kamay ng kaibigan na mahimbing pa rin sa pagkakatulog.
"Gigising rin 'yan, biglang mauuhaw 'yan maghahanap ng orange juice tignan mo." pagbibiro ni Kyler. Kung kanina ay mainit ang ulo nito, ngayon ay medyo umayos na, magkatabi na rin sila ni Kian sa sofa at nakaakbay pa sa isa't isa. Parang tanga lang, kanina may chance talaga na magsuntukan sila eh.
The Doctor said Gneiss has a dengue, kaya severe ang pananakit ng ulo nito at nilalagnat pa rin ito hanggang ngayon. Mabuti na lang dinala siya kaagad dito sa ospital kung hindi mas malala pa dito ang aabutin niya.
"This is all my fault.." napabuntong hininga si Kian, nasabunutan rin nito ang kaniyang buhok.
Tumayo si Niana at dali-daling naglakad sa kinauupuan ni Kian.
"Gagu ka ha!" tinapyas nito ang noo ni Kian.
"Aww." hinaplos pa ni Kian ang kaniyang noo.
"Isa pa!" ani Kyler at binatukan naman nito si Kian.
"Nasaan ka when she's sick?" untag ni Niana. Umupo ito sa gitna nila saka inakbayan si Kyler.
"I-I was out.." nauutal na sagot ni Kian.
"With?" sunod na tanong nito.
"Someone." matipid na sagot niya.
"Named?" usisa pa rin nito.
"I-I'm sorry.." pag-amin niya.
"Sapphire.." sarkastikong sagot ni Niana.
"Umalis ka na.." tugon ni Kyler. He urgently switched mood nang marinig ang sagot na 'yon ni Kian.
"Get out.." pag-uutos pareho ni Niana at Kyler.
"Fuck can't you see I am his-
"What? An irresponsible future husband?" pagtatanong ni Niana.
Tumayo si Kyler sa kinauupuan niya. Nakapamulsa ito at hindi mapakali, nakakuyom ang dalawang kamao nito na halatang-halata kapag titignan mo ang magkabilang bulsa niya.
"I'll be the one to leave, then."
"Don't leave, Kyler. Gneiss need you when she wake up." pangungumbinsi ni Niana.
"We should leave, Niana and let him take good care of Gneiss let him prove himself that he's a good future husband."
Hinigit na ni Kyler ang kamay ni Niana. They both walked away.
Naupo si Kian muli at hinilot ang kaniyang sentido.
Napahilamos ito sa mukha at napatitig muli sa mahimbing ang tulog na si Gneiss. She really has that innocent and beautiful face.
Kian smiled while staring at her. Naramdaman niya ang pagkalma ng kaniyang utak at paglaho ng mg frustrations sa loob-loob niya.
"You're really beautiful, you'll will always be." he whispered to himself.
Natigil lamang siya sa ganoong ginagawa when the Doctor knocked the door, she's with a guy nurse. The Doctor is holding her chart while, the nurse approached Gneiss and held her hands.
"Why are you holding her hands?" napatayo pa siya.
"Sir, I'll just inject a paracetamol for her, hindi pa kasi bumababa ang lagnat niya." paliwanag ng nurse.
He realized afterwards kung anong katangahan ang sinabi niya. Lutang lang talaga siya.
"A territorial husband,okay.." mahinang sabi ng Doktora.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...