Chapter 39: Restless Heart

248 6 0
                                    

Three days had passed nang huling magdala si Kian ng babae sa bahay nila. Gneiss is still trying to move on, despite of all the pain she's feeling these days, nakukuha niya pa ring ngumiti sa harap ni Kian, si Kian na paulit-ulit siyang dinudurog, pero mahal pa rin niya, iniintindi at pinagtitiisan.

Nasa loob ngayon si Gneiss ng kaniyang kuwarto abala sa pag-re-review para sa kanilang upcoming exam for midterms, naka-focus siya rito kahit pa napakalakas ng tugtog ni Kian sa kuwarto niya, Kian has that habit na every weekend ay may sound trip siya, "kuno" mabuti sana kung hindi masyadong upbeat 'yong tugtog niya ang kaso, metal music ang taste niya at iniintindi na lang 'yon ni Gneiss, ayaw niyang sabihin kay Kian na naiingayan siya, o hindi kaya komprontahin siya't sabihing nakakaistorbo ito, she's just keeping everything inside of her heart and mind.

Napasandal sa Gneiss sa headboard ng upuan bago muling itinuon ang sarili sa pagbabasa, ngunit napatigil siya nang patayin ni Kian ang kaniyang tugtog at siya naman ang nagsimulang kumanta at mag-gitara, parang may kung anong mahika ang boses ni Kian dahilan para unti-unting lumakad si Gneiss papunta sa pader sa pagitan ng kuwarto nila, inilapit niya roon ang tainga niya't maiging pinakikinggan ang boses nito.

"Maganda pa rin, dati na pa lang maganda." usal niya sa sarili.

Pinakinggan niya 'yon at makalipas ang ilang minuto'y biglang sumigaw si Kian, “Gneiss, this song is for you."

Because you're the reason of my smile
You're my universe and everything
Can I call you mine for a while?
Would you hold my hands if I'll ask?
You're as precious as any gems
I want to treasure you forever.

Nagtataka pa si Gneiss dahil hindi nito alam kung saang lupalop ng mundo nakuha ni Kian 'yong kinakanta niya ngayon.

"Saan mo naman nakuha 'yang kantang 'yan?" tanong nito pagkatapos kumanta ni Kian.

"Wala, I composed it on the spot. Maganda ba? I need your approval, madame." pambobola pa nito.

"Maganda." sagot ni Gneiss.

"Kasing ganda mo, ba?" dagdag pa ni Kian.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Gneiss, mabuti na lang ay nasa kabilang kuwarto si Kian kung hindi'y makikita niya ang ngiti nito na ang dahilan ay siya rin, nahihiya pa naman si Gneiss kapag sa harap ni Kian siya kinikilig.

"Ewan." 'yon na lamang ang lumabas sa bibig niya nang sandaling 'yon, speechless kasi siya sa mga inaasta at sinasabi ni Kian.

"Gneiss." tinawag muli siya ni Kian.

"Oh?"

"Labas tayo." ani Kian.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Gneiss, biglaan kasi siyang nag-aya, simula kasi nang tumira sila sa iisang bubong ay hindi na sila gaanong lumalabas ng magkasama, maliban na lang kapag papasok sila sa eskwelahan o hindi kaya'y bibisita sila sa kanilang mga magulang.

"Kahit saan, basta kasama kita."

Napatayo si Gneiss at tumakbo sa sariling kama sabay subsob sa unan ang mukha, hindi na talaga niya napigilan ang sarili at lumabas na 'yong totoo niyang reaksiyon kapag kinikilig. Dahil sa sobrang kilig ay hindi niya namalayang pumasok si Kian sa kuwarto niya. Si Kian naman sa kabilang banda ay pinapanood lang si Gneiss na paulit-ulit na iniuuntog ang ulo niya sa kaniyang unan.

"What are you doing, Gneiss?"

Nanigas ang buong katawan ni Gneiss, nang marinig si Kian na nagsalita sa kaniyang likuran pa mismo. parang may sariling utak ang paa niya kaya'y tumayo ito kaagad ng tuwid na tuwid pa, pinagsiklop niya ang kaninang labi na nakangiti at tinignan ng diretso si Kian.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon